TEDDY BEAR #4
"Hanky"
Eirene
"Intayin nyo na lang ako sa may gate ha?" sabi ko sa tatlo pagkakita namin sa hallway.
"Bilisan mo bakla at excited na kaming makausap si Troy! " masayang sambit ni Nathan.
"Basta bilisan mo kung 'di iiwan ka namin dito. 5 minutes ka lang ha?"
"Grabe sila oh Hala sige, mauna na nga lang kayo!"
"De joke lang beh. Ito talaga. Relax.." sabay tawa nito. "Alam na.. Baka madagdagan ng wrinkles 'yang bukol mo sa noo." Tapos nagtawanan sila kaya inirapan ko na lang 'yong dalawang loka.
"Ikaw na muna bahala sa dalawang baliw na 'yan Ethan ha? Alam mo naman na kalalabas lang ng mga 'yan sa mental." Natawa naman ng mahina si Ethan at tumango.
"Hoy anong baliw, Eirene?! Bumalik ka nga rito!"
"Sasabunutan talaga kita bakla pagbalik mo!"
Rinig kong reklamo nila habang tumatakbo na ako palayo kaya natatawa naman ako. Pagkarating ko sa comfort room ay pumasok agad ako sa isang cubicle at ginawa ko na ang dapat kong gawin kapag tinatawag ni Mother nature. Pagkatapos ay nag-flush na rin ako.
Pagkabukas ko ng pintuan ng cubicl ay ito naman siyang biglang litaw ng isang lalake. Hingal na hingal siya at ang gulo ng buhok niya.
Gulat naman akong nakatingin sa kanya kasi rito sa comfort room ng mga girls pumasok embes na sa kabila. Ilang segundo rin kaming nagtitigan hanggang sa nabigla na lang ako sa ginawa niya.
Itinulak niya ako papasok ulit do'n sa cubicle.
Hindi ako nakapagsalita lalo na no'ng bigla nyang ilock 'yong door. Sobrang akong nagulat at ang lakas ng kabog ng puso ko para bang lalabas na 'to ng ribcage ko. Si kuya naman hindi mapakali kasi kung saan-saan sya tumitingin na para bang may hinahanap.
ANONG BANG TRIP NI KUYA?!
NAKADRUGS BA 'TO?
Mukha naman siyang matino e. May itsura, maputi , matangkad at kung titignan mo palang sa pananamit mukhang mayaman! Pero t-teka..
"Outsiders ka ah!" Malakas kong sabi. Mahirap kayang makapasok sa school namin dahil mahigpit ang mga school guards lalo na kung wala kang ID.
Iritado naman siyang sumenyas na 'wag akong maingay.
OMAY. Baka may masama siyang binabalak sa akin. Paano kung marape ako?! Aba. Kahit sabihin mo na wala sa itsura ni kuya 'yon hindi dapat akong magtiwala. Sa paahon ngayon kahit panget ang lakas mang-iwan ng jowa ito pa kayang si kuya mapagkakatiwalaan?!
"Help! Help! May rapist po!" Biglang humakbang palapit sa akin si kuya habang may killer look kaya saglit akong natigilan kaya napaatras ako at napasandal sa pader. "Hehe. Joke lang 'yon kuya." Sabay peace sign ko.
Hindi nya pa rin inaalis ang killer look nya sa akin.
"Uhmm. K-kuya 'wag nyo akong sasaktan.. G-gusto ko pa pong grumaduate at matupad ang mga pangarap ko tsaka po 'yong nanay ko next month na manganganak gusto ko pang makita ang baby bro ko kaya parang-awa nyo na..please. M-mahal ko pa buhay ko." Pagdradrama ko at nagkunwaring umiiyak. Buti na lang may talent ako ditto vice-president ata 'to ng Teatro Club. "P-palabasin nyo na po ako..Promise, hindi po kita isusumbong kahit kanino."
Kaloka. Sunod-sunod na ang kamalasan sa buhay ko. Nagsimula sa bff ko na sakit sa ulo, then 'yong pesteng kutong lupa na teddy bear na 'yon kaya ako nagkabukol at buong araw na pinagtatawanan ni bakla tapos ito pa!
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...