Teddy Bear #25: Precious Tears

42 17 10
                                    

TEDDY BEAR # 25

"Precious Tears"

Eirene

    Napangiti naman ako nung mabasa ko ang text ni Troy na nagkita na sila ni Kristine sa mall malapit sa amin. 'Di ako sumama dahil walang taong maiiwan ngayon sa bahay eh may bisita pa naman ako ngayon. Highschool bestfriend sya ni mama at sya si tita Rebreca na ngayon ko lang nameet.

"Meryenda po muna kayo," sabi ko habang inilalapag ang tray na may pitsel at egg sandwich.

"Ay salamat.. Sabi ko naman sayo na 'wag ka nang mag-abala 'di naman ako magtatagal."

"Okay lang po.. Pasensya na po ha wala po si tita dahil biglaan din po ang lakad niya."

"Okay lang, actually tinawagan ko na rin ang mama mo and she said na I can leave this to you," sabi nya sabay abot sa akin ng isang card.

"Wedding invitation po?" Kahit labas palang nakikita ko alam kong para sa kasal 'to. Kulay puti ang card at may nakataling violet ribbon bago mo buksan. Simple pero ang elegante ng dating.

"Yes, for my wedding day. 'Di pa pala ako nagpapakilala sayo ng personally.. I'm Rebreca Marie Estrada." Pagkasabi ni ay tinanggal nya ang shades  na kanina pa nya suot.

I was dumbfounded when I recognized her. Para syang dalaga at ang kinis-kinis ng mukha nya at para akong nakatitig sa isang goddess! She's wearing a simple beige dress na lalong nagpaputi sa balat nya. 

Kaya pala pamilyar siya.. Nakikita ko sya sa TV!

Iba pa rin talaga pagmakikita mo sya ng personal.

"Omo! Rerie Estrada?! Ang ganda nyo po talaga lalo na sa personal parang dati sa TV ko lang kayo nakikita!"

Grabe si mama 'di manlang ako nainform na may artista pala syang bestfriend kaya pala avid fan siya nito. Wala atang movies ni Tita Revie ang 'di namin pinanuod sa sinehan dahil kay mama at talagang pumapatok 'to.

"Grabe ka naman Eirene.. Hindi naman." Napahumble nya talaga para bang hindi pa rin sya sanay na pinupuri sya kitang bata palang ako artista na sya.

"Finally po ikakasal na kayo kay Mr. Cendrik Gomez," isa rin siyang sikat na artista kahit may edad na.

Sila talaga 'yong mga artista na kahit ibang henerasyon kilala pa rin at 'di kumukupas.

"Yes, after our 10 years of relationship, finally! I'm getting married to my love of my life." Ngiting-ngiti nyang sagot sa akin. Gossh lalo syang gumanda. Feels ko bes!

"So ito pong isang card sa buong pamilya na namin..eh paano po 'tong isang card?"

"Uhhmm.. Actually." Tumikhim pa sya. " I want to give it personally to someone who is very special to me... But I don't know how."

Someone who's very special? Teka sino?

"You're curious right?" Sabay tawa nya kaya natawa naman ako ng mahina. "Well, we're not in good terms until now and I still don't know how to approach him.. "

"Nakaaway nyo po?"

"No, it's not like that." natatawa nya muling sagot. "Marami ako--kaming pagkukulang sa kanya eh I guess he has the right to act like this to me. He will never accept me."

"Medyo naguguluhan po ako Tita Rebreca.."

She sighed, "Can you do me a favor, Eirene?"

Ba't bigla atang change of topic?Okay, this is getting weird and confusing. 

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon