TEDDY BEAR #3
"Teddy"
Eirene
"Shira, nandito ako.." mula sa salamin ay may nakita akong repleksiyon na nakatayo sa kama ko. Agad akong napaharap sa kanya. Do'n ko nakita ang nakatayo sa ibabaw ng kama ko..
Ang teddy bear na nakita ko sa labas kanina nakatayo ito gamit ang maliit niyang mga paa.
"Shira.. tulungan mo ako."
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo palabas pero ayaw gumalaw ng mga tuhod ko.
Biglang naglakad ang teddy bear papunta sa direksyon ko kaya agad kong naibato sa kanya ang hawak kong suklay, "Kyaaah! 'Wag kang lalapit sa akin!"
"Aray ko naman Shira.. Masakit 'yon ha!" angal nong teddy bear.
"STOP CALLING ME SHIRA KALAHI NI CHUCKY AT ANNABELLE!" sigaw ko habang takot na takot.
WAHHH MAMA! DADA! UMUWI NA KAYO PLEASE. OMO! AYAW KO PANG MAMATAY!
"Wag kang lalapit sa akin talagang babatuhin kita nitong bote!" pagbabanta ko habang hawak ang mamahaling pabango na galing pang ibang bansa at kakapadala lang sa akin ng tito ko. Hindi ko man gustuhin na ibato 'to, no choice e! Buhay ko ang nakataya rito mga tsong!
Ayaw ko pang mamatay! Gusto ko pang makita ang kapatid ko!
"S-shira relax. A-ako 'to-- Si Troy b-bestfriend mo." sabi nong teddy bear kaya natigilan ako.
Napakunot-noo ako.
"IKAW NA HALIMAW AT KATRIBU NILA CHUCKY AT ANNABELLE 'WAG NA 'WAG MONG GAGAMITIN ANG PANGALAN NG BESTFRIEND KO HINDI KA NA TALAGA NAKAKATUWA!"
"Bakit? sino bang nagsabing nagpapatawa ako? Ako nga si Tro--" ibinato ko na sa kanya 'yong bote ng perfume ko. Buti na lang ay nasalo niya 'yon pagkatapos tumama sa ulo niya. Nailapag naman niya ito sa kama at bumaba.
Agad ko namang pinagbabato sa direksyon niya lahat ng mahawakan ko, "Mama! Dada! Help me! KYAAH! GUSTO KO PANG MABUHAY!"
Parang dati-rati lang si Freddy lang ng Five Nights at Freddy's House ang kinakatakutan ko.. akalain mo 'yon? Mangyayari pala 'to in reality!
At sa akin pa! WOW TALAGA.
Todo sigaw naman ako non habang takot na takot. Todo iwas naman siya sa mga pinagbabato ko. Hindi na talaga ako tatanggap ng mga stuff toys!
Kung makalabas man ako ng buhay, bukas na bukas ipapatapon ko na 'yong mga stuff toys ko.
"Shira ako 'to si Troy.." pagpupumilit niyang sabi sa akin kaya agad kong tinakpan ang mga tenga ko.
"Parang awa muna tumigil ka na.. w-wala akong ginawang masama kaya lubayan mo na ako!" hindi ko na napigilan na lumuha nong wala na akong maibato sa kanya at kung minamalas ka nga naman biglang nawalan ng kuryente kaya namatay 'yong ilaw sa kwarto ko na lalong nagpadadag ng takot ko.
Hindi ko na rin makita kong nasaan na ba siya dahil sobrang dilim na ng paligid.
Naging mabait naman pero bakit gan'to? Kukunin mo na ba ako kaagad Lord? Masyado na ba akong mabait kaya kailangan ko ng lisanin ang planetang Earth? Charot.
Pero seryoso. Wala na akong maaninag kaya niyakap ko na lang ang dalawang tuhod ko habang umiiyak. Tanging paghikbi ko na lamang ang naririnig ko sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasíaPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...