Teddy Bear #26: Expect the unexpected

38 14 16
                                    

Chapter 26

"Expect the unexpected"

TROY

Kakapark ko lang ng kotse ko sa garahe no'ng makita kong kalalabas lang din ng gate nila Shira si Cloud Phim. Huli ko syang nakausap noong araw na inatake ng allergy si Shira.

"Ano na namang ginawa niya sa bahay ng bestfriend ko?" sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa inuupahan niya.

Kaya ba hindi sumama si Shira sa akin kanina upang makipagkita kay Kristine kasi 'yong lalakeng 'yon ang sinasabing bisita niya ? Si Red Riding Hood lang tuloy ang kasama ko kanina at nakuha ko naman ang pang-apat na kiss mark.

Nanliligaw ba ang lalakeng 'yon sa kaibigan ko? Tsk.

"Aray!" reklamo ko nung may bumatok sa akin.

"Bingi ka na pala ngayon? kanina pa kita tinatawag." Nakalimutan kong kasama ko nga pala si red riding hood.

"Mukhang may umaaligid na naman kay Shira." Iritado kong sabi. Kinuha ko ang susi ng bahay at binuksan ang pintuan. Ako lang ang mag-isa ngayon sa bahay dahil inaasikaso na ni tita Yumi ang susuotin ko para sa gradball.. hindi ko pa rin alam kung normal na ba ako ulit sa araw na 'yun.

"Umaaligid kay Shira? Ano 'yon aso?" natatawa niyang sambit.

"Alam naman niyang nene pa sya para pumasok sa relasyon.. baka tumulo lang uhog niya pag nabroken hearted siya."

"Alam mo masyado kang paranoid."

"Bestfriend niya ako kaya dapat lang na protective ako sa kanya."

"Bestfriend? Ay, akala ko tatay ka niya." Sinamaan ko naman siya ng tingin. "hehe. Joke lang kuya enebe."

"Dati muntikan na 'yan mapaasa ng manliligaw niya. Eh 'yong lokong manliligaw niya babaero rin ng sadya tulad ko. Ayaw ko lang na--"

"Mortal naiintindihan ko ang point mo, okay?"sabay irap niya habang nakaupo sa sofa. Hindi kaya sumasakit yung mata niya kakairap? Minsan tinesting kongg gawin ang mga pag-irap ng mga babae kulang na lang maduling ang mata ko. "Ang sa'kin lang naman kasi.. malaki na ang bestfriend mo tsaka 'di ba nga 'nong nagkakagf ka 'di ka naman niya pinipigilan?"

Sabagay tama siya.

"Daig mo pa tatay ni Eirene kung umasta. Hayaan mo lang siya.. malay mo mahanap na nya 'yung the one niya." Sabay kindat nito.

"Pft. Anong kacornyhan 'yan red riding hood na may pink na buhok?"

Inirapan niya ako. "Pwede ba 'wag mong idamay ang pretty pink hair ko mortal.. Sabihin mo na lang naiinggit ka sa pink hair ko."

"Hindi ko pinangarap na magkaroon ng buhok na color pink. Ayokong magmukhang pink panther."

"What the Pink, mortal?! What the pink talaga.."

"Minumura mo ba ako red riding hood?!"

"Ang ganda-ganda ng pangalan ko 'di mo ako tawaging—!" lumayo na ako sa kanya nung nagring ang phone ko.

Lagi na lang talaga kaming nagtatalo ng goddess na'to . Di pa kasi umamin na natype niya ako.

"Neknek mo. 'Di kita type." Rinig kong sabi niya.

"Nababasa mo ba ang isip ko?"

"Kitang wagas kang makabulong dyan tsaka di ako kasing bingi mo! Sagutin mo na kaya 'yang telepono mo? Ang sakit lang sa tenga, karindi. "

Rinig ko pang bumulong-bulong siya bago ko sinagot ang tawag ng unknown caller.

"H-hello?"

"Baby boy kamusta na?" napangiti naman ako sa boses ng kausap ko. "Pasensya na at ibang number ang ginamit ko. Telephone kasi sa office 'tong gamit ni—" hindi ko na siya pinatapos.

"My, I miss you... Kamusta na po kayo ni daddy?"

* * * * *

Naalimpungatan ako nung marinig kong may nagbukas ng pintuan kaya agad naman akong napabangon.

"Troy, nandito na 'yong suit mo para sa gradball mo. Nakausap mo na ba ang mama at papa mo?" napatango naman ako kay tita Yumi habang kinukusot ang mata ko.

Nakatulog pala ako kanina pagkatapos kong makausap sila mommy.

"susubukan daw po nilang makauwi bago maggraduation."

''Sana nga makauwi sila on time. Teka, kumain ka na ba?" umiling naman ako.

Bigla akong natauhan. "Tita anong oras na?"

Hinawi ang kurtina at nakitang sobrang dilim na sa labas. Anong oras ba ako nakatulog kanina?

"7:30 pm. B-bakit? Tsaka ngayon ka lang lumabas sa kwarto mo ng gantong oras ah." takang sabi niya. Agad naman akong napatayo at napaakyat sa taas. "Troy, kumakain ka muna!"

Hindi ko na pinansin si tita at tuloy-tuloy lang akong pumanhik sa kwarto.

Sinarado ko ang pinto nang makapasok ako. Ilang beses akong huminga ng malalim. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Pumasok ako sa CR at dahan-dahang humarap sa salamin.

Mariin akong napalunok. Ilang beses akong kumarap at tinignan ko rin ang suot ko.. Ito pa rin ang suot kong damit mula kanina. Muli kong tinitigan ang mukha ko at ilang beses kong tinapik-tapik ito.. Walang nagbago sa akin. Tao pa rin ako. Nakikita ko pa rin sa salamin ang gwapo kong repleksyon.

"Shoot. Totoo ba 'to?" hindi kong makapaniwala sabi sa sarili. Naglulundag pa ako habang tawa ng tawa sa sobrang saya.

Muli akong napahawak sa mukha ko.Hindi naman ako nanaginip 'di ba?

"Saya mo ah?" kahit nagulat ako sa presensya ni red riding hood ay Masaya ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at naglulundag sa harap niya na parang bata.

"Hindi ako naging teddy bear! Yes yes! Whoo!" tinakpan naman niya ang bibig ko.

"Ang ingay mo mamaya may makarinig sa'yo."

"Ang saya-saya ko lang talaga red riding hood!" at muling naglulundag sa harap niya.

"Di nga halata e." natatawang sabi niya. "Wag ka masyadong magsaya mamaya isang gabi lang pala 'yan."

Bigla akong napatigil at napatikhim.

"Tandaan mo hindi pa tapos ang mission natin, mortal."

Bigla akong napatahimik.

"Sana nmatapos na natin 'to...Gusto ko na talagang bumalik sa normal." Ngumiti naman siya at tumango sa akin.

To be continued...

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon