Chapter 28
"Redstring of Fate"
Troy
"Ay oo nga graduating na nga pala kayo. Congats ah!" nakangiting sabi ni Yani habang iniintay namin ang order. Hindi pa rin sya nagbabago, simple pa rin siya.
Sabay naman kaming nagpasalamat ni Shira. "Ikaw kamusta ka?"
"Ito ang hirap talaga pag engineering ang course. 1st year college palang ako duguan na." natatawa nyang sabi. "Ano nga palang course ang kukunin nyo sa college?"
" Business Management.'' Sagot ni Eirene.
"Balak ko sanang mag engineering din. Civil engineering." Sagot ko naman.
"Ay naks,Engineering! Baka mamaya simpleng addition lang 'di mo magawa." Sinamaan ko naman ng tingin si Pink Riding Hood na nakaupo sa gilid.
Epal 'din talaga ang Goddess na 'to.
"Bakit nga pala kayo nakipagkita sa akin?" tanong ni Yani. "Wag nyong sabihing nanghihingi kayo ng graduation gift? Wala pa akong trabaho uy!"
Pare-pareho naman kaming natawa.
"Hindi. Hihingi lang sana kami ng favor.." panimula ko.
"Sobrang daling favor lang. Yun na yung graduation gift mo sa aming dalawa lalong-lalo na kay Troy." Dagdag ni Shira.
"Papakantahin nyo ba ako?" agad naman kaming natawa ni Shira. Oo nga pala magaling kumanta 'tong si Yani kasi may banda sya. Dun ko nga siya nakilala nung pumunta kami sa isang gig nila noon.
Agad ko naman kinuha sa bulsa ang puting panyo.
"Pwede bang halikan mo ang panyong 'to?"
"Hala bakit? Ang weird nyo ah." Natatawa nyang sagot. Sanay na ako sa reaksyon na ganto dahil halos sa lahat ng ex-girlfriend gan'to lang ang reaksyon nila.
"Pero bago mo gawin yun gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo bilang boyfriend mo noon. I'm so sorry talaga." Bigla naman syang napangiti.
"Alam mo sa totoo lang. Sa lahat ng naging ex-boyfriend ko na nagpaiyak sa'kin ikaw lang ang nagsorry." Natatawa pag-amin niya pagkatapos ay kinuha naman nya ang puting panyo at saglit na inobserbahan, "Okay, sige. Ito na ang grad gift ko sa inyo."
Nakangiti naman akong tumango.
"Maraming salamat.." tumango naman siya.
"Punta kayo ng tropa nyo minsan sa gig ko.. libre ko na ang drinks." Sabay kindat nya.
"Akala ko ba wala kang pera." Natatawa kong sabi.
"Ayaw mo? Sige si Eirene na lang at yung mga katropa mo ang Ililibre ko."
"Sino bang nagsabing ayaw ko?" sabay ngisi ko.
Natawa sya.
"Pakabait ka na ha? Dalawang beses mo rin akong pinaiyak sana wag mo nang gawin 'yon sa iba." Tumango ako.
Sa totoo lang, ngayon ko lang narealize ang mga pagkakamali ko at sobra akong nagsisisi. nagawa ko pang manakit ng damdamin ng iba dahil gusto kong maramdaman din nila ang naramdaman ko sa mga naunang relationships ko. Ang g*go 'di ba?
Ang dami kong dinamay.. masyadong akong makasarili. Pati tuloy si Shira at mga kaibigan ko muntik nang mawala sa akin.
"Shira.." tawag ko sa kanya pagkaupo namin sa bench dito sa park.
"Bakit?"
"Anong meron sa inyo ni Cloud? Yung bagong lipat sa paupahan nyo.."
"Ayan ka na naman,Troy. Tatay ka ba ni—" Sinenyasan ko naman si Arissa na tumahimik.
"A-ah.. Kaibigan ko lang sya." Sabay iwas nya ng tingin.
"Alam kong close kayo pero ano ba talagang relasyon nyo.." Muli siyang napatingin. "Nakita ko siyang lumabas ng bahay nyo kahapon. Manliligaw mo ba sya?''
Napakamot siya ng ulo. "Kaibigan ko nga lang sya tsaka anak sya ng bestfriend ni mama. May inabot lang akong wedding invitation."
"Talaga?" paninigurado ko kaya tumango siya. "Hindi ako naniniwala. Kakausapin ko 'yang si Cloud. Hindi naman kita sa pinipigilan makipagkaibigan sa iba pero kung dadating sa punto na magkakagustuhan kayo sa isa't isa gusto kong kilala ang lalakeng magugustuhan mo. Lalake ako kaya alam ko ang mga kalokahan ng kapwa lalake ko. Ayaw kong mangyari na naman sa'yo yung--"
"Oo na. Magkaibigan nga lang kami wag ka ngang OA."
"Yan na nga ang sinasabi ko kay, Troy. Masyadong paranoid ang lolo." Singit ni Arissa pero hindi ko sya pinansin.
"Basta pag nakasalubong ko ulit 'yang si Cloud kakausapin ko siya."
"Aissh ang kulit mo talaga! Bahala ka nga sa buhay mo." Napapakamot nyang sabi. "Bakit mo nga pala kilala si Phim? Tsaka nakasalubong ulit? Ibig sabihin nagkakilala na kayo—"
Tumango ako. "Nakilala ko sya sa isang convenient store bago pa mangyari na magkaallergy ka. Sinauli nya ang wallet kong nahulog that time."
Nagkatinginan sila ni Arissa.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko, Arissa?"
"Naiisip ko, Eirene. Sabi na eh.."
Sabay pa silang napatango sa isa't isa.
"Anong meron?" taka kong tanong.
"Troy umamin ka na lang kasing type mo si Cloud!" sabay nilang sabi kaya agad naman akong kinilabutan.
"Kadiri kayo ha! Ano kami, bromance?" inis kong sabi. "Alam kong gwapo ako at may posibilidad na mabakla si Cloud sa akin pero kahit kelan hindi ko sya papatulan!"
"Bagay kaya kayo! hahaha"
"Alam mo Troy si Cloud talaga ang nakatadhana sayo. May redstring kaya kayong nakadugtong sa isa't isa. " natatawang sabi naman ni Arissa.
"Redstring?" tanong ko na siyang ikinatigil nya sa pagtawa.
"Uhmm di ko pala nabanggit sa inyo na may redstring of fate ang bawat mortal kung saan nakadugtong ito sa mortal na nakatadhana sa inyo."
"Eh kung nakikita mo naman ang redstring of fate bakit may dala ka pang book of soulmate?" tanong naman ni Eirene.
Oo nga. Napaisip ako dun.
"Di ba nga sa librong 'to makikita kung kelan at saan magtatagpo ang mga taong nakatadhana sa isa't isa at paano rin sila magtatagpo. To be honest, Biro lang na nakikita ko ang redstring of fate dahil si kuya Eros lang ang may kakayanan no'n. "
"Ahh..Eh ikaw may nakatadhana ba sa'yo?" hindi sya kagad nakaimik.
"Hindi ko kelangan ng kapareha." Iwas nya ng tingin.
"Forever alone ka gano'n?" agad naman akong siniko ni Shira.
"Hangal. Hindi ko naman sinabing wala nakatadhana sa akin..ang sabi ko lang hindi ko kelangan no'n." At bigla na lang syang naglaho.
"So may nakatadhana rin sa kanya? Mortal rin kaya?" tanong ko kay Shira.
"Aba malay ko. Hindi mo ba nahalatang malungkot si Arissa? Para na ngang iiyak eh!" sabay hampas niya sa braso ko. "Aissh. Manhid ka talaga ka."
Hindi naman ako manhid. Nacucurious lang talaga ako sa goddess na 'yon kasi di naman sya palakwento tungkol sa mundo nya.
To be continued..
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...