TEDDY BEAR #18
"His Reasons"
Zshen's Note: Happy Valentine's Day!! Eirene on the multimedia.
Eirene
Agad kaming pinaghalf day pagkalabas namin ng principal office pero dumiretso muna kami sa clinic. Dahil si Troy ang unang nanuntok kanina ay muntikan na syang masuspend buti na lamang ay may good record kami at first time lang nangyari 'to sa amin kaya pinalagpas 'to ng principal.
"Hindi na tuloy ako makakapanuod ng laro mamaya! No papabels!" naiiyak na sabi ni Nathan. Hindi ko alam kung naiiyak ba sya tungkol d'on o dahil sa pasa sa pisnge na nakuha niya kanina. Naawa tuloy ako kay bakla ngayon. Alam ko naman ang hirap na pinagdaanan nya para lang magkaroon ng flawless skin e.
Naghiwalay-hiwalay na kami pagkalabas ng school. Sabi n'ong dalawa ay tatambay muna sila sa mall bago umuwi kasama si Ethan na may pasa rin sa pisnge at pumutok pa ang labi. Magpapalamig muna sila para rin makapag-isip y'ong kambal ng palusot sa parents nila. Hindi na kami sumama ni Troy dahil may lakad din kami.
"Troy, ano ba talagang sinabi nya sa'yo? Ba't mo sinuntok biglaan si Francis?" tanong ko habang nilalagyan ng band aid yung gilid ng labi niya na may sugat. Ayaw nyang magpagamot kanina sa nurse e kaya nanghingi na lang ako ng band aid.
"W-wala. A-aray naman Shira!" bigla ko kasing diniinan ang paglalagay ko ng band-aid.
"Ano nga?! Alam ko na hindi mo gagawin 'yon nang wala dahilan. Ano nahawa ka na sa pagiging ugok ng mga 'yon?! "
"Aissh!" napakamot naman siya ng ulo. "Wala nga sabi e!"
"Isa!"
Pinandilatan ko na siya.
"Dalawa!"
'Wag nya talaga akong iinisin madadagdagan talaga ang pasang nakuha niya.
"Tat--!"
"Oo na! Sasabihin na." bigla syang napasimangot. Nakailang buntong hininga naman sya bago nya ako harapin. "Mangako ka na pagkatapos kong sabihin ang lahat ay tatahimik ka lang at wala kang pagsasabihan na kahit kanino na para bang wala kang nalaman. Okay ba?"
Tumango ako.
"Ganto kasi.. sinabi nya sa akin na may pwede silang gawin sa inyo lalo na sa'yo Shira kapag hindi ulit ako sumama sa kanila." pasimula niya. "Ayokong madamay ang barkada natin Shira. Ayoko kayong saktan nila."
"Hindi ko maintindihan. Ano bang ginawa namin sa tropa nila at gan'on sila mag-isip lalo na 'yang si Francis?"
"Naalala mo 'yong sinabi ko sa'yo na wag ka na mag-audition sa cheering squad?" tumango ako. Nagtalo pa nga kami no'n dahil pinipigilan niya ako sa gusto ko samantalang sya ay todo suporta ako sa lahat ng gawin nya. Pero 'di rin ako nakapag-audition no'n dahil biglaan akong nagkasakit. "Yong mga ugok na 'yon, namboboso sila sa mga babae lalo na sa mga member ng cheering squad. Noon ko pa sila nahuhuli. May mga malalaswang picture nga sila ng parte ng mga babae na taga cheering squad sa phone nila na pinakita nila sa akin no'ng napasama ako sa kanila."
Bigla akong nainis at napayukom ang kamay. Mga pervert!
" at 'pag nakita mo sila sa may hagdan ng second floor na nakatambay at aakyat ka ng third floor. 'Wag kang tumuloy dahil namboboso rin sila do'n. Mga nakapalda pa naman kayong mga girls." kaya pala laging silang nand'on naka tambay at para pa silang may-ari ng hagdanan. Kaya rin pala laging nakasunod ang mga mata nila sa amin hanggang sa makaakyat tapos magtatawanan bigla!
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...