TEDDY BEAR #16"The girl in Red Cape"
Troy
"Awww.. So sweet naman ng magbestfriend, sana may bestfriend din ako." may narinig akong boses ng isang babae sa likod kaya automatiko akong napalingon dito.
Nagulat naman ako no'ng may babae nakaupo ngayon sa backseat. Nakaputing dress ito na hanggang tuhod at meron rin itong suot na isang pulang cape mukha tuloy syang si red riding hood. Mahaba at maitim ang kanyang buhok habang ang kutis nya ay sobrang puti.
Ngumiti siya sa akin kaya napakunot-noo ako.
"Sino ka?! Ba't ka nandito sa loob ng kotse ko?!"
"Di mo na ako maalala? Sige, kalimutan na..Ganyan ka naman. " umakto pa 'to na parang nagtatampo.
"Hindi kita matandaan! Sino ka ba talaga?" taka kong tanong. Hindi ko alam kung paano sya nakapasok at bakit 'di namin siya napansin kanina ni Shira.
"Troy, sinong kausap mo?" napalingon ako kay Shra.
"Hindi mo sya nakikita?" tanong ko rin pabalik. Halatang nagtataka sya at naguguluhan sa kinikilos ko.
"Ikaw lang ang nakakakita sa akin, Troy." sabi no'ng babae na para talagang si red riding hood dahil sa suot nito. Kulang na lang ay may hawak syang basket.
"Bakit 'di ka nya nakikita? Tsaka, pa'no ka nakapasok sa kotse ko? Sino ka ba? A-ano ka ba?" sunod-sunod kong tanong dahil lalo akong naguluhan sa sinabi nya.
Paanong ako lang ang nakakakita sa kanya?
"Grabe.. Daming tanong. Teka lang muna, gusto mo ba akong makita ng bestfriend mo?" pataas-baba pa ang kilay nito habang ngiting-ngiti. Kahit naguguluhan ay tumango ako. "Then, i-kiss mo sya."
ANO?
Hahalikan ko si Shira?
"Anong sabi mo?" lalong napakunot-noo ako.
"Ay binge lang? Gustong pinapaulit-ulit?" mataray nitong sabi tapos napacrossed-arms at napadekwatro. "Ayaw mo namang magmukhang ewan sa kaibigan mo 'di ba?"
Bigla akong napalingon kay Shira. Tahimik lang sya pero 'yong mga mata nya, maraming gustong itanong.
"Kiss lang naman.. Wala namang malisya." dagdag nito. "Pero bago 'yon, itanong mo muna kung gusto nyang maging sidekick mo ah?"
Ilang segundo akong natigilan.
''Ano na?" mukhang naiinip na sya kaya napabuntong hininga ako.
"Shira payag ka naman na maging sidekick ko di ba?"
"H-ha? Anong--?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko! "
"A-aah..Sidekick? Oo? Payag ako?" nalilitong sagot niya.
'Wag ka sanang magalit Shira..
Agad ko syang hinatak palapit sa akin at walang ano-ano ay siniil ko sya ng halik na lalong ikinagulat nya. Ilang segundo din ay nilayo ko na ang sarili ko sa kanya habang sya ay nanlalaki ang mata. 'Di kagad sya nakaimik, napansin ko rin 'yong pagpula ng pisnge niya.
"Bakit mo ako hinalikan?!" gulat nyan sabi no'ng matauhan siya at sabay hampas sa braso ko na pilit ko naman iniiwasan. "Gunggong ka talaga! Ginahasa mo ang labi ko! Bastos!"
"Sorry, Shira! Sorry talaga!"
Hindi ko naman 'to ginusto e!
"Tama na 'yan guys!" biglang napatigil si Shira at napalingon sa babaeng umawat sa amin. Gulat na gulat siya nang makita ito. "Hi Shira!" bati pa nito habang kumakaway.
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...