Teddy Bear #11: The Boy Next Door

68 29 25
                                    

TEDDY BEAR #11
"The Boy Next Door"

Eirene

"Troy gising! Hooy," sabay yugyog ko sa balikat niya agad naman niyang tinakpan 'yong mukha niya gamit 'yong unan. "Bangon na! Tsk."

Ayaw mong bumangon ha.. pwes. Pumunta ako do'n sa harap ng sliding glass door niya at hinawi ang kurtina kaya biglang lumiwanag sa loob ng kwarto.

"Aissh! Shira naman.. Aga-aga pa!"

"Nine o'clock na kaya."

"Wala namang pasok.."

"So gan'on? Hindi na talaga tuloy?"

Bigla naman siyang bumangon bale nakaupo pa rin siya sa kama niya at may kumot na nakatakip sa lower body niya. Shirtless siya ngayon. Humikab pa siya pagkatapos ay bigla siyang napangisi, "Nakaboxer lang ako gusto mo bang makita ang abs ko?"

"Oh talaga? Nasa'n ba't wala akong makita?"

"Napakamanyak mo talaga 'no?''

"Wow ha, ikaw kaya 'tong nagtanong. Kung gusto ko makita yang imaginary abs mo." Napairap naman ako. "Kamusta ang pagiging teddy bear kagabi?"

"Okay lang. Gano'n pa rin. Ba't mi pala ako ginising?"

"Ahh, gusto ko lang sabihin na 'di muna talaga tayo tuloy sa lakad natin ngayong umaga.. mamayang hapon na lang." Napakunot-noo naman siya, "Ginising lang talaga kita para sabihin sa'yo."

"AAY! Binulabog mo lang ako gan'on? " natawa naman ako at napakamot naman siya ng ulo sabay higa ulit sa kama niya.

"Maglilinis kasi ako no'ng kabilang bahay.. pero babayaran naman ako. Hindi kasi pwedeng si mama ang maglinis tapos si tita Seline naman ay umalis." paliwanag ko. Tinanggap ko na rin 'yon para madagdagan ang ipon ko kahit nakakasura ang pagmumukha no'ng bagong nangungupahan.

"Sige na.. matutulog ulit ako," Agad ko naman siyang hinatak paupo.

"Sinabi ko kay Tita Yumi na tutulungan mo siya na mamalengke ngayon."

"ANO?"

"Samahan mo naman si Tita! Kumilos-kilos ka naman 'di ba?" tinitigan ko siya at hindi naman siya nagpatalo. Nagstaring battle pa kami. Mga ilang minuto din kaming nagtitigan hanggang siya na ang kusang sumuko.

"Oo na! Sige na!" iritado niyang sabi.

"Good boy."

Lumabas na ako ng kwarto niya pagkatapos at dumiretso na do'n sa paupahan dala 'yong mga gamit na kailangan ko. Nakabukas naman 'yong gate kaya dire-diretso lang ako at agad na kumatok do'n sa pintuan.

"Bakit ka nandito?" bungad niyang tanong pero pumasok lang ako ng diretso.

"Anong lilinisin ko?"

"Ikaw 'yong maglilinis?" tanong niya sabay sarado ng pintuan. Napansin ko na nakasuot siya ng sando at simpleng short.

"Obvious ba? Anong lilinisin ko?" sabay ikot ng tingin sa paligid.

"Lahat. Especially my room and the comfort room." sabay upo niya sa sofa. "And also, don't ever try to touch my toys in my room."

Tumango naman ako.

Nagwalis ako then nagfloor mop and nagfloor polisher din. Naglinis din ako ng cr. Hindi naman gano'n kagulo o kakalat 'yong bahay kaya madaling matatapos ang paglilinis ko. Wala rin akong makitang hugasin sa lababo na expected ko ay 'yon ang una kong lilinisin. Nagpunas-punas din ako. Pansin ko nga na wala manlang siyang latest picture kasi puro totoy days pa 'yong nakadisplay at madalas pa ay 'yong matandang lalake lang ang kasama niya sa picture. Lolo niya siguro..

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon