Mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano at bakit ko naramdaman ito. Siguro ay hindi naman mahalaga kung may rason ka sa pagmamahal. Basta bigla ko na lang itong naramdaman sa kanya. 'Yung tipong nahahawa ako sa mga ngiti niya. Nababaliw ako kapag hindi ko siya nakakausap. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang malungkot o umiiyak. Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Naiisip ko ang buhay ko kapag kasama ko siya. Malakas ang tibok ng puso ko kapag naririnig ko ang pangalan niya o kaya'y malapit siya.
Sapat na bang rason iyon para masabi kong mahal ko siya? Ganun ba kapag nagmamahal ang isang tao? Kasi sa totoo lang, kaunti pa lang 'yan sa mga nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
Nakilala ko si Cleo nang tumuntong ako sa kolehiyo. Accountancy ang kinuha kong kurso. Block mates kami. Nasa unahan siyang row samantalang nasa pinaka-likod naman ako. Unang araw ko sa kolehiyo at syempre puro introduce yourself ang ginawa namin. May dalawang subject ako noon at siya ang parating nauuna sa pagpapakilala. Cleo Alisha Liquigan daw ang kanyang pangalan. Malaking advantage sa akin na nasa likod ako at napagmamasdan ko siya sa harap. Kahit likod lang niya at ang kanyang mahabang ash na buhok ang nakikita ko ay ayos na ako.
Kinwento ko kaagad kay Kuya Stanley iyon. Sa kanya ako madalas nagsasabi. Ayokong tuksuin ako ng kambal kong si Shey kung sakaling sa kanya ako magsabi. Paniguradong sasabihin niya iyon sa pinsan naming si Chace at sa mga magulang ko.
"Crush mo ba?" Iyon ang tanong ni Kuya Stanley sa akin nang ikwento ko.
Crush nga ba ang tawag dun? Oo, siguro. Kasi maraming kinukwento sa akin si Shey tungkol sa mga crush niya. Tumango ako kay kuya.
"That's normal, bro. Make her an inspiration to your studies. Hirap pa naman ng kinuha mong course." Tawa niya.
"Pero inspiration ko naman ay kayong family ko."
Nagtaas siya ng kilay. "Bakit ako? Inspiration ko rin kayo noon hanggang ngayon. It's just that, she's my real inspiration now." Ang kanyang girlfriend ang tinuran niya.
"Do I need to tell her?"
"It's up to you, Theo. Crush pa lang naman 'yan. Malay mo may makita kang ibang babae. And I know girls. Iiwasan ka nila kapag nalaman nilang may crush ka sa kanila." Tumawa ulit siya.
Kaya ang ginawa ko ay tinago ko sa sarili ko ang nararamdaman kong iyon. I met some friends. Block mates ko rin sila. At maswerte na sigurong matatawag dahil kasama sa grupo namin si Cleo. Ako, si Cleo, Dean, Dale, Troy, Celine, Hazel, at Lyra ang naging magkakaibigan at magkakasama.
"Crush ko talaga si Zed e. Kaso ikaw yata ang gusto nun, Cleo." Dinig kong usapan ng mga girls nung nasa room kami. Hindi dumating ang prof kaya nagtambay na lang kami dito.
"Nililigawan na nga yata siya e." Siniko ni Hazel si Cleo.
"Hindi no. Bestfriend sila ni Kuya Clint kaya palagi siyang nasa bahay, close na rin kami." Paglilinaw ni Cleo.
Medyo nakahinga ako ng maluwag. I know Zed Roces. Palagi nga siyang kasama ni Clint Axell, ang kuya ni Cleo. Kasali sila sa basketball sa kanilang department. Sina Dean at Troy ay kasali rin sa basketball ng aming department pero kaming dalawa ni Dale ay hindi sumali. Hindi kami mahilig sa larong iyon pero alam namin kung paano laruin.
"Pero diba crush mo rin siya? Naku! Kung ako ikaw, araw araw akong kikiligin." Tumawa silang girls.
Inayos ko ang salamin ko at umupo ng maayos.
"Oy! Oy! Lalaki na naman pinag-uusapan ninyo!" Singit ni Dale sa usapan.
"Bakit? Inggit ka? Gusto mo ikaw pag-usapan namin?" Umirap si Celine.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...