Ami's POV:
"Ma." Hindi na niya napigilan ang humagulgol sa harap ko. Ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito ang Nanay ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Hindi sana ganito ang buhay ko kung sinunod ko lang ang magulang ko. Hindi sana ako maagang nabuntis. Hindi sana ako naghihirap ng ganito." Aniya habang tuloy pa din sa pag iyak.
Gusto niya bang sabihin na nagsisisi siyang pinanganak niya ako? Na hindi nalang sana ako nag exist?
"Nagsisisi ba kayo na pinanganak niyo ako?" Seryoso kong sabi dito bago kumalas.
Tumigil si mama sa pag iyak ng sabihin ko iyon.
"Ako yung dahilan kung bakit kayo naghihirap di ba?" Tumulo na ang luha ko habang sinasabi ko iyon.
"Dapat hindi niyo na ako binuhay kung ganun." Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko.
"Hindi Ami. Mali ka ng iniisip. Hindi iyon ang ibig kong sabihin." So ngayon, binabawi na nya?
Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko.
"Gabi na po. May pasok pa ako bukas. Matutulog na po ako." Parang robot kong sabi dito bago tuluyang pumasok sa aking silid. Doon ay mataimtim akong umiyak. Hangga't maari ay pinipigilan ko ang mag ingay.
Ako.
Ako ang dahilan.
Ako ang may kasalanan.
Iyan ang paulit ulit na salita na tumatakbo sa isipan ko.
Alas Dose na ng madaling araw at hindi pa din ako makatulog. Namamaga na din ang mga mata ko dahil sa pag iyak ko. At hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ng nanay ko.
Tatay ko sila.
Sila na kilala ng lahat.
Sila na sikat.
Sila na hinahangaan at pinapantasyahan ng maraming kababaihan.
Sila na imposibleng maabot.
Sila ang Papa ko.
Tumingin ako sa litratong kanina ko pa hawak.
*Hindi ba matagal mo ng gusto na makita ang tatay mo? Heto na ang pagkakataon. *
* Sikat ang Tatay mo.*
* malay mo heto na ang sagot sa mga pangarap mo*
Ito ang sinasabi ng isip ko.
Alam kong malinang gagawin ko pero gagawin ko ito.
Bumangon ako at kinuha ang mga damit ko sa drawer. Kinuha ko ang bagpack ko at nilagay ang mga damit na kakasya doon.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko. Tumungo ako sa sala at nag iwan ng sulat. Maingat kong binuksan ang pintuan. Sinisigurado kong walang ingay na maririnig at baka magising ang mama ko at nagtagumpay naman ako.
Mabilis akong naglakad palayo sa bahay namin.
Madilim at nakakatakot ang paligid.
"Ami. Saan ka na ngayon pupunta?" Bulong ko sa sarili ko.
Tama ba itong gagawin ko? Napakabata ko pa para maglayas.
"ahmp! Kaya mo yan! Big girl ka na di ba?" Saad kong muli sa sarili ko at nagsimula ng naglakad patungong bus station.
Alam ko na kung saan ako pupunta.
Higit Tatlong oras ang binyahe ko mula sa bahay hanggang sa building na kinatatayuan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...