Damage Has Been Done

681 33 6
                                    

Nari's POV:

Kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Jimin pero hindi nita iyon sinasagot.

Hindi ko mapigilan ang maiyak sa sitwasyon ko. Tingin ko nakita na nila ang article na nakapangalan sa akin at feeling ko galit din siya sa akin.

Eotteoke?

Pati sa Internet ay trending topic ang  grupo at ang fandom niya naman ay binabash ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumungo sa Opisina ng Boss ko. Kailangan ay ipadelete ko ang Article na iyon.

Kakatok sana ako ng mapansin ko na bukas iyon at rinig ko na may kinakausap siya sa loob ng Opisina nito.

"Dahil dyan, may bonus ka sa akin." Saad niya sa kausap niya.

"Salamat po Ma'am." Rinig kong saad ng kausap nito. Napakunot noo ako dahil pamilyar sa akin ang boses na iyon.

Mabilis kong binuksan ang pinto at laking gulat ko kung sino ang kausap nito.

Walang iba kundi si Kang Soo.

"Noona." Aniya.

"Ikaw ba?" Lumapit ako dito at hinigit ang damit nito.

"Noona.."

"Kang Soo? Ikaw ba ang gumawa ng article? Sabihin mo! Ikaw ba!" Sigaw ko dito habang bakas sa mukha niya ang takot niya sa akin.

"Miss Choi! Anong karapatan mong sumigaw dito sa Opisina ko?" Tumaas din ang boses ng boss ko dahil sa ginawa ko pero hindi ko siya pinansin at nakatuon lang ang attensyon ko sa lalakeng nasa harap ko.

"Noong araw na nakita kita sa restaurant, hindi iyon aksidente hindi? Sabihin mo ang totoo!"

"Noona.. sorry, matindi lang ang pangangailangan ko. Nasa Ospital ang Nanay ko at napag utusan lang ako ni Madam na gawin iyon." Paliwanag nito. Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa damit niya at tumingin ng masama sa bruhang boss ko.

"Oo. Ako ang nag utos sa kanya na sundan ang Bangtan at ang Anak nila. " Napakuyom ako ng kamao at salubong na ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Bruha ka talaga!" Hindi ko na natiis ang pag uugali niya kaya nasapak ko siya ng wala sa oras. Malakas yata ang pagkakasapak ko sa kany dahilan para dumugo ang labi nito.

"Walanghiya ka! Anong karapatan mong sapakin ang boss mo? Umalis ka dito! You are fired!" Sigaw nito sa akin.

"Aalis talaga ako sa bulok mong opisina! Hindi mo na ako kailangang tanggalin dahil kusa akong magreresign!" Hindi pa ako nakontento at hinawi ko ang gamit niya sa lamesa.

Kulang pa nga iyon dahil sa kahihiyan na idinawit niya sa pangalan ko.

Umalis ako ng opisina ng luhaan.

Para sa pera gagawin nila ng lahat kahit nakakatapak na sila ng tao ay balewala sa kanila.

Ganyan ang kapangyarihan ng pera.

---***---

Jimin's POV:

"Ano pong masasabi niyo sa kumakalat na litrato ng anak niyo?"

"Sino po ang ina ng bata?"

"Balita namin ay nagte-training po ang anak ninyo sa inyong agency."

"Gaano na katagal ninyong itinatago ang bata?"

"May plano po ba kayong ilabas siya sa publiko?

"Any statement po?"

Dinumog kami ng mga reporter nang lumabas kami sa BH building. Kagaya ng lagi naming ginagawa ay dire-diretso lang kami patungo sa aming sasakyan at hindi enentertain ang mga tanong nila.

"Hooh! Finally." Nakahinga lang kami ng maluwag ng makasakay na kami sa Cargo Van namin. Nahirapan pa nga itong makaalis dahil sa mga reporter na nakapalibot dito.

Lahat kami ay tahimik lang sa loob ng sasakyan at walang gustong magsalita dahil sa kumakalat na issue.

Mahihirapan na kaming pagtakpan iyon dahil madami ng ibidensya ang kumalat.

Sinilip ko ang phone ko at madami na ang missed call ni Nari.

Dumating na kami sa Dorm at tulad ng aming inaasahan ay naroon ang ibang reporters. Katulad ng ginawa namin kanina ay tikom bibig kaming pumasok sa loob ng building ng aming Dorm.

"Nakakairita na! Pag ako hindi makapagpigil babatuhin ko na sila ng literal na bomba." Ani Suga habang naglalakad kami patungo sa aming Dorm.

Malapit na kami sa pinto at napansin ko na may babaeng nakatalikod at  nakaabang sa pinto ng dorm namin.

Humarap lang ito ng maramdaman niyang may papalapit sa lugar niya.

"Hyung, si Nari." Ani Jungkook. Nagtama naman ang mg mata namin. Napansin ko ang pamamaga ng kanyang mata. Halatang galing pa ito sa pag iyak.

"Jimin, pwede ba tayong mag usap?" Aniya ng tuluyan na kaming nasa harap ng dorm namin.

"Sa loob na kami Bro." Ani Namjoon at pumasok na sila sa loob ng dorm habang kami ay naiwan sa labas upang mag usap.

"Jimin, maniwala ka, hi-hindi ako ang may gawa nun." Saad nito habang may namumuong luha sa kanyang mata.

"Jimin. Gi-ginamit nila ang pangalan ko doon sa article pero hindi akin iyon."Dagdag nito.

"Paano ako maniniwala sayo Nari?" Napahinto siya sa pag iyak dahil sa tanong ko.

"Girlfriend mo ako at ako dapat ang paniwalaan mo." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Paano mo maipapaliwanag yung sa interview? Nari, nabasa ko yung article at nandun lahat ng pinag usapan natin nung araw na iyon." Naramdaman ko na may kumikirot sa puso ko.

"Jimin, maniwala ka. Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko kayang ipahamak ka at si Ami." Sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Pero nangyari na Nari. Napahamak mo na kami." Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at iniwan siyang tulala sa labas ng dorm.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon