Ami's POV:
Sa kakaiyak ko kagabi ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kwarto nila Mr. Namjoon.
"Ami..." Napamulat ako ng mata at nakayakap na sa pala sa akin si Mr. V habang nakapikit ito.
"Galit ka pa ba kila Papa?" Malambing nitong tanong sa akin.
"Sorry Ami." Aniya. Napakagat labi naman ako at pinipigilan na tumulo ang luha ko sa harap niya.
"Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba ng humoldap sayo?" Tanong niyang muli.
"Hindi niya po ako sinaktan. Ok lang po ako." Saad ko dito.
"Yakapin mo nalang si Papa kung hindi ka na galit." Saad nito. Agad ko naman siyang niyakap.
"Sorry din po." Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto.
"Ang daya! Sali ako." Ani Mr. Jhope at tumabi sa kabilang side ko at niyakap din ako.
"Aigo.. paano naman ako?" Ani Mr. Jungkook at pumagitna sa pwesto namin ni Mr. V.
"Ah! Jungkook-ah! Pwesto ko yan!" Reklamo ni Mr. V dito.
Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako sa kakulitan nila.
"Ami." Lumingon ako sa tumawag sa akin at si Mr. Jin iyon na may dalang cake. Napabangon kaagad ako sa pwesto ko ng makita ko ang dala niya.
"Sabi ni Miss Hong nasa rank two kadaw sa school kaya naisipan kong ipagbake ka ng cake. Congratulation!" Aniya. Kinuha ko ang cake at itinabi iyon.
"Thank you Po Mr. Jin." Binigyan ko siya ng yakap.
"Sorry din po kung nawala ko ang phone niyo."Saad ko dito bago kumalas sa pagkakayakap.
"Hayaan mo na iyon. Palitan na lang natin ng bago. Ok?" Tumango naman ako bilang pag sang ayon dito.
"Ami." Lumingon ako sa likod ni Mr. Jin at naroon si Mr. Namjoon, Mr. Jimin at Mr. Suga.
"Sorry Ami. Hindi ko alam ang nangyari kagabi." Ani Mr. Namjoon.
"Ok lang po yun. Alam ko naman pong nag alala lang po kayong lahat sa akin." Saad ko.
"Delikado talaga ang magcommute sa panahon ngayon kaya Ihahatid-sundo nalang kita Ami. " Ani Mr. Suga sa akin.
" At Kapag may problema ka wag kang mahiyang sabihin sa amin. Ok?" Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa sinabi ni Mr. Jimin.
"Ok na! Tara na sa dining! Nagluto ako ng masarap. Halika na Ami. Kumain na tayo ng breakfast." Ani Mr. Jin.
---***---
Nari's POV:
"Bok Do, pinakealaman mo ba itong computer ko?" Tanong ko sa kasamahan ko sa opisina habang hinahanap ang folder kung saan ko nilagay ang nirecord kong interview sa bangtan boys.
"Hindi. Bakit? Anong problema?" Tanong niya sa akin.
"Nawawala kasi yung sinave ko na interview ng BTS. Isang kopya lang iyon eh. Binura ko na kasi yung sa phone." Saad ko dito. Kahit saang folder ako pumunta ay hindi ko iyon mahanap.
Anong gagawin ko?
Kailangan ko na iyon maipasa sa Boss ko kundi lagot na naman ako.
"Unnie, napublish mo na pala yung interview mo e." Kunot noo akong Tumingin kay Jung Ho.
"Ha? Hindi ko pa napapasa yung article ko. Hinahanap ko pa nga sa computer ko e." Saad ko dito.
"E'ano yung nakapost sa website natin? Hindi ba sayo yun?" Dahil sa sinabi niya ay agad akong nagbrowse sa aming website.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanficIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...