Farewell

755 36 2
                                    

Kira's POV:

"Mommy, talaga bang aalis na si Unnie? Baka pwede pa syang mag stay. Gusto ko siyang makalaro." Pumantay ako kay Honey.

"Honey, hindi pwede. Kailangan niya ng umuwi." Paliwanag ko dito. Nakita ko ang pagnguso ng anak ko sa sinabi ko.

"Honey, kapag ok na ang lahat, babalik ako dito at maglalaro tayo." Tumingala ako upang tingnan si Ami.

"Tama po kayo sa sinabi niyo kagabi. Lalo lang lalala ang problema kung tatakbuhan ko. Kailangan kong harapin ang katotohanan kahit masakit." Napakagat labi ito upang pigilan ang luha niya.

Tumayo ako at niyakap ito.

"At wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyayari sayo. May plano ang Diyos kung bakit ka niya binigyan ng ganyang pagsubok. Malay mo kapag nalampasan mo iyan may malaking gantimpalang nag aabang sayo  sa hinaharap. Ami, Fighting!" Pinapalakas ko ang loob niya dahil alam ko kung gaano kahirap ang hinaharap nitong problema lalo na at napakabata pa niya.

"Unnie! Fighting!" Ginaya ako ni Honey sa sinabi ko.

---***---

Ami's POV:

"ok ka lang?" Tanong sa akin ni Miss Baek ng marating namin ang Building ng Dorm. Tumango ako bilang sagot.

"Mabuti nalang at wala ng nagkalat na reporter."  Aniya. Bumuntong hininga muna ako bago kami tumuloy sa loob.

Napansin yata ni Miss Baek na kinakabahan ako kaya hinawakan niya ang kamay ko bago kumatok sa pinto.

Nagtago pa ako sa likod niya dahil nahihiya pa akong magpakita sa kanila.

"Noona? A-anong ginagawa mo dito?" Si Mr. Jungkook ang nagbukas ng pinto.

"May ibabalik lang ako." Saad niya at hinila ako papunta sa gilid nito.

"Ami!" Gulat nitong sabi. Narinig ko ang yabag ng mga paa na papunta sa pinto.

"Ami!" Sabay sabay pa nilang sabi at inambahan ako ng yakap.

"Ami! Namiss kita!"-Mr. V.

"Saan ka ba kasi nagpunta?"- Mr. JHope.

"Nag alala kami sayo."-Mr. Jimin.

"Pasaway ka talaga!"-Mr. Suga.

Nagsimula na din akong umiyak.

"Sorry po. Sorry kung pinag alala ko kayo." Saad ko habang umiiyak.

"Ami." Narinig ko ang boses ni Mama. Agad naman silang kumalas sa akin at binigyan ng daan ang mama ko patungo sa akin. Siya naman ngayon ang yumakap sa akin.

"Mama.." Sambit ko habang yakap niya ako.

"Huwag mo na ulit akong iiwan ha? Mahal na mahal ka ni Mama. Miss na miss kita." Aniya habang umiiyak din ito.

Nakita ko din si Miss Hong at Miss Choi.

"Noona, paano mo nahanap si Ami?" Tanong ni Mr. V kay Miss Baek.

"Hindi ako ang nakahanap, Si Honey. Nakita siya ni Honey malapit sa theme park." Bakas sa mukha ni Mr. V ang pagkamangha sa sinabi ni Miss Baek.

---***---

Namjoon's POV:

Hindi maipinta ang saya namin ng makita namin si Ami.

Sa totoo lang ay gusto kong maiyak dahil nasa harap na namin siya.

"Gusto ko pong humingi ng sorry sa naidulot kong problema sa inyo." Aniya habang kami ay nakaupo sa couch at nasa unahan namin siya.

"Malaking gulo ang naibigay ko sa pangalan niyo. Sorry po." Huminga pa ito ng malalim na tila pinipigilan ang maging emosyonal.

"At Salamat po sa maikling panahon ay naranasan ko ang magkaroon ng Tatay na hindi lang isa, kundi pito. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya sa piling niyo. Kahit pagod ako sa school at training ay nagagawa ko pang ngumiti kasi nanjan kayo sa tabi ko. Salamat din po sa pag aalaga sa akin at tingin ko hanggang dito nalang po ako." Hindi ko maiwasan ang mapakunot noo. Ganun din ang mga kamiyembro ko.

"Ami, ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Jimin dito.

"Pinagisipan ko po ito ng maigi. Hindi na po ako tutuloy sa pagiging trainee. Uuwi na din po ako sa bahay namin kasama ang mama ko. Yun po ang tingin ko ay makakabuti sa akin." saad nito.

"Ami, sigurado ka ba jan? Pwede naman namin kausapin si Mr. Bang sa pagiging trainee mo." Ani Jin dito pero umiling lang ito.

"Hindi naman po ako dumaan sa normal na audition. Unfair po iyon sa ibang trainee.  At Tingin ko hindi pa ako handa na maging Idol." Paliwanag nito.

"Kung yan ang desisyon mo, wala kaming magagawa." Saad ko dito. Nakita ko ang pagngiti niyang muli sa amin.

"Salamat po Mr. Namjoon." Yung ngiti na ito ang hahanap-hanapin ko.

Kinuha na niya ang gamit niya at Isa-isa kaming yumakap sa kanya.

"Ami. Baka pwedeng dito ka nalang. Nasanay na ako na katabi ka sa pagtulog e." Arang batang saad ni V dito.

"Mr. V. Bibisita na lang ako sa dorm niyo kapag hindi na kayo busy." Saad nito.

"Ami. Lagi kang welcome sa Dorm namin tandaan mo yan." Ani JHope.

"Sige po. Aalis na po kami." Ani Ami. Sumabay na din si Miss Choi at Miss Hong sa pag alis sa Dorm at muli, kaming pito na lang ang natira.

"Hay, parang may kulang." Saad ni Jungkook at tumingin sa couch kung saan humihiga si Ami.

"Hindi ko alam ang lulutuin ko." Malungkot namang saad ni Jin habang hawak ang pink na apron nito.

"Ang lungkot ng Dorm simula ng umalis si Ami." Saad naman ni JHope. Hindi pa nga nakakalipas ang isang oras ay ramdam na kaagad namin ang kakulangan ni Ami sa aming Dorm.

"Namjoon, namimiss ko na si Ami." Parang batang saad ni V.

"Ako din. Miss ko na siya." -Jimin.

"Lahat naman tayo namimiss siya."-Suga.

Kahit ako ay namimiss siya. Nasanay na akong nasa tabi siya at laging nakikita. Ang ngiti niya, ang tawa niya, lahat sa kanya ay namimiss ko. Kahit alam ko na hindi ako ang tunay nyang ama, naramdaman ko sa kanya kung paano maging ama at tinuring ko na din siyang anak.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon