Jin's POV:"Mommy. Busy talaga ako ngayon. Malapit na ang comeback namin." Heto na naman ang Mommy ko nangungulit sa telepono.
"[Jin, last na talaga ito. Hindi na kita kukulitin after nito.Ha? Sige na. Pumunta ka na.Please?]" Saad niya sa malambing na boses.
Bakit ba ganito lagi si Mommy sa akin.
"Mom, magso-shoot na kami. Bye." Ibinaba ko na ang phone ko. Hindo pa naman talaga magsisimula yung shoot. Inaayusan pa ako ni Kira.
"Blind date?" Panghuhula ni Kira.
"Yeah. Lagi na lang niya akong sineset up sa mga date date na yan." Napabuntong hininga na lang ako.
Kahit ilang beses ko ng sabihin na ayoko, si Mommy naman ang mapilit.
"Ganyan talaga ang mga Mommy. Isa pa, may edad ka na din Jin. Hindi ka na Teenager. Dapat nga may asawa ka na sa edad mong iyan." Saad niya.
"Nagsalita ang bata." Biro ko dito.
"Ok na." Saad niya matapos akong ayusan at si V naman ang inayusan niya.
Habang nag aantay kami na tawagin ay naisipan ko munang magbukas ng Instagram ko.
Kakabrowse ko ay naalala ko yung babae na nagdala ng bulaklak sa akin noong nakaraang araw.
Ano nga ulit ang pangalan niya?
Mina?
Pilit kong iniisip yung buo niyang pangalan.
Anak siya ng may ari ng Restaurant na dinaluhan namin ni Mommy.
Ah! Tama.
Kang Mina.
sinearch ko siya sa Instagram. Nagbabakasakaling meron siyang account.
Hindi naman ako nabigo at lumabas agad ang mukha niya.
"Hmm... infairness, maganda sya." Bulong ko sa sarili ko ng tignan ko ang mga post niya. Sa kaka swipe ko ay hindi ko sinasadyang napa double tap ako.
Oh hindi!
Paano ba ito i-undo?
Pinindot ko ulit kaso heart talaga ang lumalabas.
"May problema ba?" Nagulat ako sa paglitaw ni Jungkook sa harap ko. Muntik ko pang maihulog ang cellphone ko sa gulat.
"Wa-wala naman." Saad ko dito. At binalik na lang ang phone sa bulsa ko.
---***---
Mina's POV:
"Thank you for coming." Saad ko sa bawat bumibili sa convenience store ko.
"Boss, pinapaalala po ni Madam.. yung date niyo po." Gumagawa na nga ako ng excuses para hindi siputin iyon tapos pinaalala pa sa akin nito.
"Hindi mo ba nakikitang busy ako sa business ko? Paki sabi kay Mommy, wag niya na akong kulitin ok?" Saad ko dito.
"Pero Boss, kapag hindi ka daw pumunta puputulin na daw po niya ang ugnayan ninyong mag ina." Napanganga ako sa sinabi niya.
Para lang sa bwisit na date ay Sinabi nya iyon?
Bakit ba napakahalaga sa kanya nun?
"Aish! Ano bang meron dun at pati relasyon namin ng nanay ko ay nadadamay?" Iritable kong saad dito.
Maya maya ay nagtext ito sa akin. Pinaalala sa akin ang Date at ang location nadin.
Argh!
Nakakaimbyerna!
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...