Epilogue

1.1K 52 21
                                    

Ami's POV:

"Ami! Bumaba ka na sa kwarto mo!" Sigaw ni Mama sa akin mula sa aking kwarto.

"Coming!" Agad naman akong bumaba at tumungo sa kusina.

"Good morning ma!" Bati ko dito at hinalikan ito sa pisngi habang nagluluto.

"Good morning Pa!" Bati ko kay Papa na nagbabasa ng Newspaper. Lumingon din ako sa aking katabi.

"Good morning Little Monie." Bati ko sa three years old kong kapatid na lalake na busy sa nginangatngat niyang pandesal.

"Are you ready para sa graduation mo mamaya?" Tanong sa akin ni Papa habang kumakain ako ng breakfast.

"Yes papa. Plantsado na ang lahat. Anyway, aattend ba kayo?" Tanong ko dito dahil alam ko na busy din ito sa kanyang trabaho.

Matapos madisband ng kanilang grupo ay may kanya-kanya na silang buhay at Pamilya.

Si Mr. Jin at ang asawa nitong si Miss Mina ay may isang anak at nagmamanage ng restaurant.

Si Mr. Jimin at ang asawa naman nitong si Miss Nari ay may dalawa ng anak. Newscaster si Miss Nari at choreographer naman si Mr. Jimin.

Si Mr. Suga at ang asawa nitong si Miss Yuri ay nagtayo ng music school. May isa silang anak.

Si Mr. Jhope at si Miss Jon ay bagong kasal lang at parehong Dance Choreographer sa BH Entertainment. Napakadedicated talaga nila sa passion nilang pagsasayaw.

Si Mr. V at ang asawa nitong si Miss Kira ay may apat na anak, kasama na si Honey doon. May Sarili silang business at nasa showbiz industry pa din si Mr. V bilang Actor at Solo Singer.

Si Mr. Jungkook at ang Asawa nitong si Miss Eun ay may Isang Anak. Solo Artist na din siya tulad ni Mr. V samantalang isang Doctor pa din ang asawa nito.

At si Papa Namjoon ay nasa BH Entertainment pa din bilang isang producer at shareholder at meron na akong kapatid, si Little Monie.

Mabilis lumipas ang panahon dahil gagraduate na ako ng college kasama ang mga kaibigan ko na sina Nam Suk, Jang Ah at Ji Kyo.

Kumuha kami ng kurso na naayon sa gusto namin. Si Nam Suk ay gagraduate na ng Nursing . Si Jang Ah naman ay Chemical Engeneering. Si Ji Kyo naman ay Criminology at ako naman ay Performing Arts.

Hindi ko na yata maaalis sa sarili ko ang pagmamahal sa musika. Heto na ang buhay ko.

Kasama ko ang buong pamilya ko papunta ng school. Para kaming artista dahil hindi maiwasan na tignan kami ng mga tao lalo na si Papa Namjoon. Hanggang ngayon ay kilala pa din siya ng mga tao lalo na ang mga kaedaran niya.

"Ami." Bago ako pumunta sa upuan ko ay tinawag ako ni Papa Namjoon. Inilabas nya ang napakagandang bracelet na may simbolo ng G-Cleft.

"Iaadvance ko na ang graduation gidt ko." Aniya at ngumiti sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Kahit hindi ko siya tunay na ama ay tinuring niya naman akong totoong anak. Pantay lang din ang ibinibigay niyang pagmamahal sa akin at kay Little Monie. Hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako sa kanya.

"Salamat po." Sambit ko at lumakad na papunta sa pwesto ko.

Katulad ng kinaugalian na seremonya ay nagsimula ito sa dasal, speech at nagtapos sa pagbibigay ng diploma.

"Our Summa Cum Laude in Bachelor of Performing Arts, Han Ami." Masaya akong tumungo sa unahan upang tanggapin ang espesyal na award ko at siyempre, ang mama ko ang nagsabit nun sa akin.

"I am so proud of you." Sambit nito.

"Thank you Ma."

Matapos ang ceremonya ay nagpicture-picture pa kami.

"Mga Bes! Congrats sa atin!" Masayang pahayag ni Nam Suk.

"Oo nga! Congrats. Akala ko hindi na natin maabot ito." Mangiyak-ngiyak naman sa saad ni Ji Kyo.

"Tama na ang drama. Dapat happy lang."Ani Jang Ah.

"At dahil diyan, picture muna." Saad ko at pumost naman kaming magkakaibigan.

"Congratulations Ami!" Napatingin ako sa mga bumati sa akin.

Tila may reunion na naganap sa loob ng eskwelahan ko dahil nandito ang Bangtan Kasama ang mga asawa't anak nila. At para na naman kaming artista dahil sa tinginan ng nakakapansin sa amin.

Lumapit ako sa kanila at sinalubong sila ng abot tengang ngiti.

"aegyo! Ang bilis ng panahon. Graduate ka na." -Mr. JHope.

"Congrats Ami."-Mr. Jimin

"Oo nga. Parang dati iyakin ka pa."-Mr. Suga.

"Nakakaproud. Feeling ko ako yung grumaduate"- Mr. Jin.

"Congrats."-Mr. Jungkook.

"I miss You Ami!" -Mr.V.

"Salamat po sa pagpunta. Hindi niyo alam kung gaano po ako kasaya na makita kayo sa araw na ito." Saad ko sa kanila.

"Ami." Napalingon muli ako sa tumawag sa akin. Si Daddy Jackson iyon na may dalang bulaklak.

"Dad." Lumapit ito sa akin at iniabot ang bulaklak.

"Congratulations." Aniya.

"Salamat po.Buti po at nakapunta kayo."  Natutuwa ako dahil kahit hindi kami masyadong nagkikita ay naalala niya ang araw na ito.

Katulad ng pito ay may sarili nadin itong pamilya at alam nila ang tungkol sa akin.

"Ofcourse. Araw mo ito. Ayokong palampasin." Saad niya.

"Oh siya! Tara na at mag class picture." Biro ni Mr. JHope dahil sa sobrang dami namin ay para na kaming isang section.

Nakisuyo kami na kuhanan kami ng litrato ng Mama ni Ji Kyo.

"Ready na ? One! Two! Three! Say Cheese!"

"Cheese!" Sabay-sabay naming banggit.

"Ami, may naisip ka na bang papasukan  na trabaho?" Biglang tanong ni Papa Namjoon sa akin.

"Meron na po." Tanging sambit ko dito.

---***---

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama sa akin matapos niya akong makita na nakapanlakad.

"Magta-trabaho po Ma." Saad ko dito. Nakita ko ang pagtataka nito sa kanyang mukha.

"May in-applayan ka na?" Tanong niya sa akin.

"Opo. Sige po ma. Aalis na ako. Baka malate na ako." Saad ko dito at dali-daling lumakad sa pupuntahan ko.

Matagal na akong naghintay at tingin ko ay ito na ang tamang panahon para doon.

Pumasok ako sa gusali kung saan pangarap kong magtrabaho. Nag antay ako na tawagin katulad ng iba ko pang kasamahan na aplikante.

"Number 2017." Narinig ko na tinawag niya ang numero na nakadikit sa damit ko. Agad akong tumayo at nagtungo sa kwarto. Tumayo ako ng tuwid habang nakaharap ako sa panel.

Nakita ko ang pagkagulat ni Papa Namjoon ng makita niya ako.

Nakakatawa lang isipin na ginawa ko ito eight years ago at ngayon ay gagawin kong muli.

"Name?" Tanong niya sa akin.

"Ami."

"Age?"

"21."

"Purpose?"

"To Be A Star."

"Are you sure?"

"Yes. I am sure." Ngayon ay confident ko na iyon na nasabi.

And Now my Journey begins.

- E N D -

♡♡♡♡♡♡♡

MARAMING THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA NG STORYANG ITO.  Sobrang naappreciate ko po!

감사함니다 🙏
사랑해요 ❤😘

Date Started: December 13, 2016
Date Finished: January 13, 2017

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon