Groupie

633 30 3
                                    


Ami's POV:

"Anong nangyari? Anong sabi niya?" Tanong ni Mr. Jhope nang makabalik na si Mr. Jimin. Hinabol niya kasi si Miss Choi sa labas.

"Alam mo masama ang kutob ko sa girlfriend mong iyon e." Ani Mr. Suga. Tinignan naman ito ng Masam ni Mr. Jimin.

"Kalma lang guys." Singit ni Mr. Namjoon sa kanila. Parang may namumuong tensyon sa dalawa.

"Sorry." Mabilis namang bawi ni Mr. Suga dito.

"Umuwi nalang tayo para makapagpahinga na." Ani Mr. Jin sa amin.

Tahimik lang kami na dumating sa dorm.

Agad naman akong sumalampak sa couch. Napagod din ako sa buong araw na ito pero masaya naman.

"Ami. Doon ka na sa higaan ko matulog. Ako nalang dito sa sofa." Saad ni Mr. V sa akin.

"O kaya sa higaan ko. Para masarap ang tulog mo." Prisinta naman ni Mr. Jhope sa akin.

"Yah. Aminin niyo, mas komportable ang kama ko kaya doon kana matulog. Sige na." Saad ni Mr. Suga.

"E? Mas malambot kaya ang kama ko, di ba Ami? Doon ka na." Ani Mr. Jungkook.

Nakakatuwang isipin na Lahat sila ay piniprisinta ang higaan nila sa akin.

"Alam ko na po kung saan ako matutulog." Nakangiti kong saad dito. Tumayo ako at iniurong ang malaking lamesa na nasa gitna. Iniusog ko din ang couch. Sa madaling salita, may malaking space na sa gitna.

"Para wala pong gulo. Dito nalang po tayong lahat matulog." Saad ko dito.

"Wow. Ang talino talaga ng anak ko, mana sa akin." Saad ni Mr. V. Nakita ko naman ang mahinang pagsipa ni Mr. Jimin sa kanya.

Agad namang tumungo ng kwarto si Mr. Jungkook para kumuha ng Unan at kumot.

"Tabi tayo." Aniya at ibinigay sa akin ang isang unan bago nahiga sa sahig. Ginaya ko naman sya sa paghiga.

"Uy, diyan ako! Pwesto ko iyan!" Pilit namang sumiksik sa gitna namin si Mr. V. Naging matagumpay naman ito na pumagitna sa amin.

"Dito nalang ako. Malikot matulog iyang dalawa." Saad naman ni Mr. Jimin na tumabi sa bandang kaliwa ko.  At gumaya nadin ang iba.

"Wah.. ngayon lang ulit tayo nagkatabi tabi sa pagtulog ah." Komento ni Mr. JHope.

"Gawin natin to ng madalas. Hindi ba Ami?" Ani Mr. Jin na nasa kaliwang dulo katabi si Mr. Suga.

"Opo." Saad ko dito.

"Ay teka, may kulang pa po." Tumayo ako at kinuha ang phone ko.

"Wala pa po tayong picture na magkakasama. " saad ko sa mga ito.

"Sakto. May selfie stick ako. Wait lang." Tumayo si Mr. V at kinuha ang selfie stick niya.

"Ok! Game!" Saad nito. Si Mr. V nalang ang humawak ng selfie stick.

"Ready guys? One! Two! Three!"

*click.

"Isa pa. Wacky naman!" Ani Mr. V at kanya kanya kaming post ng wacky.

Matapos naming kumuha ng picture ay tinignan ko kaagad iyon.

"Sabing wacky bakit nagpacute ka Hyung?" Saad ni Mr. Jungkook kay Mr. Jimin.

"Ano ka ba? Wacky  ko yan." Depensa nito.

Hindi maalis ang ngiti ko sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang litrato naming walo.

"Oh siya.  Matulog na tayo. Inaantok na ako." Ani Mr. Suga.

Nakahiga na kami at ready ng matulog ng biglang may nagdoorbell sa pinto. Lahat kami ay napalingon sa pinto.

"Baka si Manager yan may nakalimutan." Ani Mr. Jin.

"Sige po. Ako na ang magbubulas ng pinto." Tumayo na ako at tumungo sa pinto.

"Mr. Manager, ano po.." Pagbukas ko ng pinto ay hindi si Mr. Manager iyon kundi si Mr. Jackson ng Got7 at may hawak na bote ng wine.

"Tama naman ang dorm na pinuntahan ko ah?" Saad nito habang kunot noong nakatingin sa akin.

"Ami? Si Mr. Manager ba iyan?" Sumunod sa akin si Mr. Namjoon at laking gulat din niya ng makita niya si Mr. Jackson habang palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa.

Oh-oh!

Another problema.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon