"Rest day ko sana kaso.. arg!!" Umaga palang mukhang badtrip na sa akin si Mr. Suga.
Maya-maya ay isa-isa na silang nag alisan ng Dorm hanggang sa kami nalang ni Mr. Suga ang naiwan.
"Ipagda-drive lang kita papuntang school. Hindi ako pwedeng makita ng madaming tao. Ok?" Paglilinaw niya.
Tumango naman ako. Parang may choice naman ako.
Tumungo kami sa may parking lot kung saan nakapark ang kanyang sasakyan.
Hmm...
Lahat yata sila may sasakyan dito. Hindi lang nila masyadong nagagamit kapag magkakasama sila.
Sa likod ako pumwesto. Tinignan naman niya ako ng masama mula sa rear mirror ng kanyang sasakyan.
"Magmumukha akong driver nito e. Dito ka kaya sa unahan." Hindi ko mapigilan ang mapasalubong ang kilay dahil sa asta niya. Bumaba na lang ako at lumipat ng pwesto.
"Ayan." Aniya bago nagmaneho papuntang eskwelahan.
Habang nagmamaneho si Mr. Suga ay hindi ko maiwasan ang isipin ang Mama ko. Gusto ko sana siyang puntahan kaso baka malaking abala na ako kay Mr. Suga. Siguro sa susunod na lang na pagkakataon.
Ilang oras din ang byahe bago namin narating ang eskwelahan na pinapasukan ko. May kalakihan iyon dahil simula kindergarten hanggang high school ang nag aaral dito.
Malawak ang eskwelahan namin at pwedeng pumasok sa loob ang sasakyan.
Nakahanap naman ng mapaparkingan si Mr. Suga.
"Sigurado ka po bang dito ka lang?" Tanong ko dito.
"Gusto mong pagkaguluhan ako ng mga tao dito?" Sarkastiko nitong sabi.
"Tss.. sabi ko nga. Sungit." At bago pa man siya magsalita ay lumabas na ako ng sasakyan.
"Mabilis lang po ako." Kahit hindi siya ngumingiti sa akin ay binigyan ko pa din siya ng malaking ngiti.
Agad naman akong pumunta sa Principal's Office para ibigay ang sulat na iniabot sa akin ni Mr. Bang.
"Ah, ganun ba? Oh sige. Aayusin din namin kaagad ang schedule mo para makapasok ka pa din dito sa school. Isesend nalang namin sa email address ng Agency mo. Anyway, congratulations. Sana maging Idol ka tulad ng pangarap mo." Mabait ang principal namin at naintindihan naman niya ang sitwasyon ko.
"Salamat po Mr. Principal." Saad ko dito ng nakangiti.
"ahm, Mr. Principal, pwede ko po bang puntahan si Ms. Hong?" Siya yung Music Teacher ko at malapit ako sa kanya dahil siya din ang napagsasabihan ko tungkol sa pangarap ko at supportive siya sa gusto ko. Siya din ang nagturo sa akin magpiano.
"Oo naman. Ang pagkaka-alam ko, hawak niya ang mga classmate mo." Aniya. Agad naman akong lumabas ng opisina at tinungo ang classroom ko.
Nandoon si Ms. Hong. Mukhang kakatapos lang ng lecture niya dahil busy na sa kakasulat ang mga classmate ko.
Huminto ako sa pintong nakabukas. Kumatok padin ako bilang paggalang. Lahat ng kaklase ko ay napalingon sa pinto.
"Oh? Han Ami!" Gulat pa ang iba nang makita nila ako. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Ms. Han." Lumapit sa akin ang Guro ko at niyakap ako.
"Kamusta ka na? Bakit hindi ka na pumapasok?" Tanong niya sa akin. Bumulong ako sa kanya na kung maari ay sa labas nalang kami mag usap.
Sinabihan niya muna ang mga kaklase ko na bumalik sa ginagawa nila bago kami lumabas ng classroom.
"Trainee na po ako sa BH Entertainment." Abot tenga ang ngiti ni Ms. Hong ng sabihin ko iyon.
"Sabi ko na nga ba at makakapasa ka sa audition sa galing mo ba namang kumanta at sumayaw." Hindi talaga ako binibigo ni Ms. Hong sa magagandang salita na binibigay niya sa akin.
"Paano na nga pala yan, busy ka na sa pagiging trainee mo, paano na ang pag aaral mo?" Tanong niya sa akin.
"Kaya nga po ako nandito para maiayos na po ang schedule ko. Pumayag naman po yung Agency ko na maging trainee ako habang nag aaral." Saad ko dito.
"Hindi ka kaya mahirapan niyan? Pinagsasabay mo ang pag aaral at pagiging trainee." Aniya.
"Ms. Hong, wala namang mahirap na trabaho kung gugustuhin hindi po ba?" Naniniwala kasi ako na kapag gusto mo ang ginagawa mo, walang salitang mahirap. Lahat nagiging madali kasi nag eenjoy ka sa bagay na iyon." Saad ko dito. Ngumiti siya sa akin sabay hapolos sa buhok ko.
"Masaya ako para sayo. Sana magtuloy tuloy na iyan. Kapag may kailangan ka, wag kang mahihiyang lapitan ako huh?" Tumango ako sa sinabi niya. Kaya paborito ko siyang teacher, madaling lapitan at napakabait pa.
"Hindi na po ako magtatagal. May naghihintay pa po sa akin sa labas." Saad ko dito.
"Oh, sige. Basta kapag sikat ka na wag mo akong kakalimutan ha?"
"Oo naman po." Saad ko dito at lumakad na papuntang parking lot kung saan nag aantay si Mr. Suga.
Nang nasa parking lot na ako ay may tumawag naman sa likod ko.
"Ms. Han.!" Lumingon ako at si Ms. Hong pala iyon. May dala itong box.
"Ano po iyon?" Iniabot niya sa akin ang box.
"Nagbake ako ng Cupcake, para sayo ito." Aniya. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse.
Sabay pa kaming napatingin ni Ms. Hong sa kotse na sinasakyan ko.
Nagulat si Ms. Hong ng makita niya kung sino ang bumaba.
Oh? Bakit siya bumaba, akala ko ba ayaw nyang makita siya ng tao.
Ang gulo din niya.
Tumingin ako kay Mr. Suga at nakatingin siya sa Music Teacher ko.
Wag niya sabihing nainlove siya sa Teacher ko, iba kasi ang titig niya. Tinignan ko din si Miss Hong at ganun din ang titig niya.
"Yuri?" Tawag ni Mr. Suga sa teacher ko.
"Yoongi?" Saad naman ni Miss Hong.
Teka nga, first name bases? Napakunot noo ako.
"Magkakilala po kayo?" Tanong ko kay Miss Hong.
"Oo." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Miss Hong.
Okey..
Tingin ko hindi lang sila basta magkakilala.
Tingin ko may past sila.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
Fiksi PenggemarIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...