Paparazzi

1.1K 38 4
                                    

Nari's POV:

"Miss Choi. Umuwi na tayo. Late na masyado. Baka pwedeng ipabukas nalang natin ito." Reklamo ng kasama ko.

"Shh... wag ka ngang maingay baka makita tayo dito. Konting hintay nalang." Saway ko dito habang nakatago kami sa may matabang poste malapit sa Dorm na pinag mamatyagan namin.

"Oh? Noona! May paparating!" Aniya at nagtago kami ng maigi para hindi kami makita.

"Akin na ang camera!" Bulong ko dito at iniabot naman niya sa akin ang DSLR na Camera. Nakatutok na iyon at kinukuhanan ko na.

"Ano ba yun? Si Namjoon lang naman." Saad ng kasama ko pero tuloy padin ako sa pag click ng camera.

"Huh?" Napatigil ako sa pagclick ng may nakasunod sa kanyang Babae at palagay ko ay bata pa ito dahil sa hubog ng katawan niya. Hindi ko lang makita dahil nakasuot ito ng jacket at face mask. Mabilis din silang pumasok sa loob ng Building.

"Nakuhanan mo ba?" Nagising lang ako sa pagkakatulala ng marinig kong magsalita ang kasama ko.

"Hindi ko nakunan." Saad ko dito.

"Pasaway ka naman e! Kaya nga tayo nandito para makakuha tayo ng scoop tapos hindi mo pala nakuhanan!" Galit niyang sabi sa akin.

"Ano ba yan! Nasayang na naman ang oras natin dito!" Pagmamaktol niya.

Napakunot noo ako sa nakita ko kanina at pilit na iniisip ang kasama nyang babae.

"Alam mo, kahina-hinala yung nakajacket na kasama niya. Parang batang babae? Hmm... hindi kaya Girlfriend niya iyon?" Uso na ngayon ang malaki ang agwat ng Babae at Lalake. Baka ganun nga.

Orayt! May maipasasa na akong article.

Isa akong Showbiz Journalist at ang trabaho ko ay ang kumuha ng facts at controvercial na balita tungkol sa mga Idols.

And this time, nakatutok ako sa BTS which is never pang nagka issue.

"Oo kahina-hinala nga pero hindi mo naman nakuhanan. Tss." Aniya.

Oo nga pala.

Wala akong nakuhang ibidensya. Paano ako paniniwalaan ng mga fan? Kailangan pa naman ng matibay na ibidensya sa mga ganitong sitwasyon.

Nag iisip ako ng plano.

"Aha! Alam ko na!" Excited kong sabi.

"Ano yun Noona?" Tanong niya at agad kong binulong ang aking Plano.

"Bukas na bukas, sisiguraduhin kong headline ito!" Proud kong sabi.

Buwahahaha!! (Evil laugh)

----***----

*Ami's POV:

I'm done.

Kakatapos ko lang maglinis ng Dorm at hindi biro ang linisin ang kalat ng mga Tatay ko.

Hindi ko alam kung paano sila nakasurvive sa kalat nila.

Sumalampak ako sa couch at binuksan ang T.V. . Napatingin na din ako sa orasan. Hapon na pala ako natapos sa paglilinis ng Dorm.

Nag unat unat pa ako nang bigla kong narinig ang Doorbell.

"Huh? Sila na kaya yan?" Bulong ko sa sarili ko at nagtungo sa pintuan. Nang pipihitin ko na ang doorknob ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Mr. Namjoon.

*wag magbubukas basta-basta ng pinto.*

"Si-sino yan?" Tanong ko dito pero hindi ito sumagot.

Nakaramdam ako ng kaba. Muli kong inulit ang tanong.

"Si-sino yan?" Kinakabahan kong tanong dito.

"Pizza Dilevery po from Mr. Kim NamJoon." Boses ng Lalake.

Huh? Nagpadeliver si Mr. Namjoon ng pizza sa akin?

Naramdaman ko na din ang kalam ng sikmura ko.

"Pizza po from Mr. Kim." Ulit muli niya. Baka naman totoong galing sa kanya. Sa kanilang pito siya ang mas concern sa akin.

Hanggang sa nakumbinsi ko ang sarili ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa harapan ko ang lalake na naka uniporme ng isang kilalang brand ng Pizza at nakasuot ng sumbrero habang bitbit ang isang box ng pizza.

"Pakipirmahan nalang po." Aniya at agad ko namanng pinirmahan.

"Miss!" Narinig kong may tumawag sa akin na babae at laking gulat ko ng nay nagflash na Ilaw ng kamera mukha ko.

"Thank you!" Sigaw pa niya bago dali daling tumakbo kasama ang nagdeliver ng Pizza.

Teka.

Kinuhanan ba niya ako?

Oh no!

Hindi pwede!

May nagpicture sa akin!

Lagot ako!

Dali-dali kong sinara ang pinto at tumungo sa telepono. Kailangan kong sabihin ito kay Mr. Namjoon.

Hindi ako nagdalawang isip na tawagan siya. Career nila ang nakasalalay sa gagawin ko.

"Hello?" Wala pang ilang segundo ay agad niya iyong sinagot.

"Mr. Namjoon, si Ami po ito." Panimula ko.

"[Oh? Napatawag ka?]" Hindi ko maiwasang kagatin ang mga kuko ko sa kaba na nararamdaman ko.

"Sorry po  sa istorbo pero kani-kanina lang may nagdeliver ng Pizza at sabi galing sa inyo kaya binuksan ko ang pinto pero laking gulat ko po ng picture-an niya po ako. Tingin ko po Paparazzi niyo po iyon. Sorry po. Hindi ko po sinasadya na buksan yung pinto. Sorry po talaga." Paliwanag ko dito. Hindi ko na din mapigilan ang mapaiyak. Ilang segundo din bago siya nagsalita sa kabilang linya.

"[Na-nakuhanan ka ba niya? As in, yung mukha mo ay napicture-an niya?]" Tanong nito sa akin.

"Palagay ko po, Opo. Sorry po talaga." Narinig ko pa ang mahina niyang mura sa telepono.

"[Ok. Papunta na ako Diyan. Wag kang magbubukas ng pinto hangga't wala ako. Ok?]" Saad niya bago binaba ang tawag.

Ang laking problema nito.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon