Mina's POV:
"Idols who rank in number 1 spot in MMM is..." Naparolyo nalang ang mata ko ng makita ko ang balita na nakaflash sa t.v. ng aming convenience store.
Aish!
Puro nalang Idol ang nasa balita. Wala bang ibang maibalita ang mga tao ngayon at puro nalang sila!
Bwisit!
Isama mo pa yung nangyari kagabi.
Arrg!!
Nakakaasar! Bakit sa dinami rami naman ng tao sa katulad niya pa. Badtrip talaga! Hindi ko tuloy mapigilan ang paluin ang labi ko dahil sa nangyari kagabi.
"Boss, pinapasabi pala ng Daddy niyo na pumunta kayo sa Grand Celebration ng Restaurant niyo." Ilang beses ko bang sasabihin kay Daddy na hindi ako pupunta sa Restaurant? Mahirap bang intindihin yun?
"Pakisabi kay Daddy, nagbabantay pa ako ng Convenience store." Tamad kong saad dito. Mas gusto ko pang magbantay ng convenience store kesa makipagplastikan sa mga kung sino-sinong businessman niya at ipapakilalala sa kung sino-sinong lalake na matipuhan niya.
"Kailangan niyo daw po talagang pumunta doon e. Magagalit po iyon sa akin kapag sinabi kong ayaw niyo." Saad nito.
*sigh
"Ako ng bahala dito Miss Mina." Saad naman ng nakashift ngayong araw. Wala na akong nagawa kundi ang magpalit ng suot ko.
"Ah, Boss, hindi ba kayo magsusuot ng dress?" Puna niya sa aking suot na T-shirt at jeans.
"Hindi naman fashion show ang pupuntahan ko at wala silang pakialam king ganto ang suot ko." Sarkastiko kong sabi.
"Pero po..." Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumikom na siya.
"Heto po ang susi ng kotse." Aniya.
"Hindi na. Magtataxi nalang ako." Saad ko dito at nilagpasan siya.
---***---
Jin's POV:
"Mom. Bakit kailangan ko pang pumunta dyan? Kayo nalang po. Isa pa, busy po ako ngayon." Kausap ko sa kabilang linya ang Mommy ko.
"[Anak, pinaalam na kita kay Mr. Bang at pumayag naman siya. Saglit ka lang naman na pupunta dito. Sige na anak. Wag ka namang ganyan. Hindi ka ba naaawa sa Mommy mo? Ako lang ang nandito.]" Heto na naman kami sa kadramahan ng Mommy ko.
"Ok. Pero last na ito. At please lang, wag niyo na akong i-set up kung kani-kaninong babae dahil paulit ulit kong sasabihin sa inyo na career first ang motto ko. Ok Mom?" Matagal pa ito bago nakasagot.
Nasa BH Building kami ng mga kagrupo ko nang tumawag si Mommy. Nagpaalam lang ako sandali sa mga kasamahan ko at Nagpahatid ako kay Manager.
"Manager, itetext nalang kita kapag magpapasundo na ako." Saad ko dito bago bumaba ng restaurant. Tumingin naman ako sa pangalan ng restaurant at sa napakalaking Banner na nakasabit malapit doon.
*Kang's Restaurant
*Happy 50th Anniversary."Kyaah! BTS Jin!" Narinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Agad namang nagsilapitan sa akin ang mga tao at pinagkaguluhan ako.
Patay.
Wala nga pala akong bodyguard.
"Ahm.. excuse po." Kanya-kanya silang selfie kasama ako. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako lilingon.
Ngumiti nalang ako kahit yung iba ay nagtutulakan na.
"Ah.. isa-isa lang po. Wag po kayong magkagulo." Saad ko dito pero parang hindi nila ako naririnig.
"Excuse po. Makikidaan." Rinig ko na sabi ng babaeng nasa unahan ko na tingin ko ay nakuyog lang papunta sa pwesto ko. Magkalapit na kami at naaamoy ko ang shampoo niya sa buhok.
"Aish! Padaan po ako." Pilit siyang nakikipagsiksikan salungat sa daan ng mga taong nagkakagulo.
"Miss. Magpapapicture ka ba?" Tanong ko dito. Hindi siya sumagot at humarap lang sa akin.
"Oh? Ikaw?" Gulat kong sabi.
Siya yung babae sa convenience store na nahalikan ko at sinampal ako.
Tumingin lang siya ng masama sa akin.
"Oh!" Rinig kong sabi niya matapos siyang maitulak papunta sa akin. Nasalo naman siya ng katawan ko at lumapat ang mga mukha niya sa dibdib ko.
Pakiramdam ko ay may sasabog na sa dibdib ko.
Buti na lamang at may dumating ng mga body guard at hinawi ang mga tao sa paligid pero siya ay nakadikit pa din sa akin.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sitwasyon ko.
"Ahm.. Miss, ok na. Hindi na masikip." At mukhang natauhan siya sa sinabi ko at agad namang lumayo sa akin.
"hmp!" Singhal pa nito. Inayos pa niya ang sarili bago pumasok sa loob ng restaurant.
Pumasok na din ako sa loob at hinanap ang Mommy ko.
"Hijo!" Lumapit na ako sa pwesto ni Mommy. Nakaupo ito ay may kausap na mag asawa na tingin ko ay kaedaran lang niya.
"Jin. This is Mr. And Mrs. Kang. Sila ang may ari ng restaurant na ito." Agad ko naman inilahad ang kamay ko.
"Hello po. Nice to meet you po." Magalang kong saad sa mga ito.
"Wow. Ang gwapo talaga ng anak mo. Akala ko sa T.v. lang, magandang lalake talaga." Ngumiti ako sa sinabi ni Mrs. Kang.
"Umupo ka hijo. Saluhan mo kami sa pagkain." Saad naman ni Mr. Kang. Umupo na ako sa tabi ni Mommy at kumain na din.
"Hija. Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ba sinabi ko na dapat presentable ang suot mo pagpupunta ka dito?" Nakatingin si Mrs. Kang sa likod ko at mukhang anak niya ang naroon.
"Hayaan mo na. Ang importante ay pumunta siya." Saad naman ni Mr. Kang.
"Halika na dito. May ipapakilala ako sayo." Aniya at lumakad na ito papunta kay Mrs. Kang. Humarap ito sa akin at laking gulat ko ng makita ko siyang uli.
"Ikaw na naman?" Sabay pa naming sabi.
"Magkakilala kayo Jin?" Tanong sa akin ni mama habang nakatitig ako sa babaeng nasa harapan ko.
"Mrs. Kim, mukhang magkakasundo tayo." Saad naman ng ginang sa Mommy ko.
Hindi ko gusto ang mga tingin ng matatanda na nakapaligid sa aming dalawa. Parang alam ko na ang iniisip nila.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...