Ami's POV:"Let's have a break."Saad ng instructor namin. Katulad ng kahapon, wala pa din akong ka-close sa mga trainee.
Umupo muna ako sa may sulok at uminom ng tubig.
"Ami!" May lumapit sa akin. Tumingala ako para makita ko kung sino iyon.
Napakunot noo ako.
Sino nga siya?
"Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ito, si Loxe." Loxe?
"Ah!" Umupo sya sa tabi ko.
Naalala ko na. Kasabay ko siyang mag audition. Sya yung unang um-approach sa akin.
"Akala ko hindi ka makakapasok. Buti naman at nakapasa ka sa audition. I am happy for you." Aniya.
"Ako din. Masaya ako na nakapasa ka sa audition." Saad ko dito.
"Hindi pa pala ako pormal na nagpakilala sayo. Anyway, I am Do Loxe." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at pormal ding nagpakilala.
"Han Ami." Maikli kong sabi.
"Nga pala, Saan ang Dorm mo?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Ha? Bakit gusto mong malaman?" Tanong ko dito.
"Wala lang. Kasi kahapon hindi kita nakita na sumabay sa mga Babaeng trainee. Ang alam ko kasi magkakasama lang kayo sa iisang Dorm tulad ng sa amin." Aniya.
"Ha? Ano.. kasi, umuuwi pa ako sa amin." Dahilan ko dito.
"Huh? Pwede ba yun? Alam ko nakasulat sa kontrata na..."
"Guys! Tama na ang pahinga. Let's start." Hindi na niya naituloy ag sasabihin ng bigla kaming tawagin ng aming Instructor.
Hooh! Save by the bell.
"Sige. Mamaya nalang ulit. Balik na ako sa pwesto ko." Tumango lang ako bilang pag sang ayon.
Sa gitna ng aming pagbabatak ng katawan ay may pumasok na staff.
"Pwede ko po bang mahiram si Ms. Han.?" Napatingin silang lahat sa akin.
Tumango naman ang aming instructor bilang pagpayag nito. Agad naman akong sumunod sa staff na tumawag sa akin at nagtungo kami sa Opisina ni Mr. Bang.
Naroon si Mr. Bang na nakaupo.
"Have a seat." Aniya sa akin. Lumabas na ang staff at kami na lang dalawa ang natitira. Inilahad niya sa akin ang kapirasong papel.
"Heto ang kontrata." Aniya.
"Para maging Official na trainee kana kailangan mo itong pirmahan at sundin ang mga rules and regulations sa pagiging Idol." Paliwanag niya.
"Pumirma na din si Ms. Han Hye diyan." Aniya. Lalo akong napangiti sa sinabing iyon ni Mr. Bang.
Ibig sabihin talagang pinayagan na ako ng Mama ko na maging Idol.
Pero nawala din ang ngiti ko ng may mamuong tanong sa isip ko.
"Ahm, Mr. Bang, ililipat niyo po ba ako ng Dorm once na pumirma na ako dito? Ilalayo niyo po ba ako sa mga Tatay ko?" Yun kasi ang sinabi ni Loxe kanina na may Dorm para sa mga Trainee.
"Nakalagay sa Kontrata iyon." Aniya. Naramdaman ko ang lungkot.
"Pero, tingin ko hindi kita ililipat." Pambawi niya.
"Ta-talaga po?"
"Sa oras na ma-isettle na natin ang problema tungkol sayo doon lang kita maililipat sa Dorm. Sa ngayon, ang sasabihin lang natin ay nakatira ka sa isang Dorm na ikaw lang ang Tao. Ok ba iyon? " Tumango tango ako sa sinabi ni Mr. Bang.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...