Mina's POV:Nasa Store ako ngayon at nagsasalansan ng mga pagkain sa stall nang tumunog ang bell na nasa cashier. Wala pa ang staff ko kaya ako na lang ang nag asikaso ng store ko.
"Wait lang po." Saad ko dito at agad na tumungo sa kaha. Dinaan ko sa scanner ang binili niyang tubig.
"Twenty pesos." Saad ko dito at nag angat ako ng tingin.
"Hi." Naramdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Ngumiti ito sa akin.
Ngingiti ba ako?
Syempre hindi. Yung huli naming pagkikita ay parang nereject niya ako. Ang totoo niyan, nasaktan ako nun dahil first time ko na mareject bg lalake.
"Bayad po, Sir." Seryoso kong saad dito. Kahit sinusungitan ko na siya ay hindi pa din maalis ang ngiti nito.
"Pwede ba tayong mag usap?" Aniya.
Yan tayo e. Kung kelan nananahimik ako, doon naman manggugulo.
Ngumiti ako dito.
"Alam mo, busy akong tao. Mahal ang oras ko, hindi mo afford. Isa pa, may date ako ngayon at this time sisiguraduhin ko na magiging boyfriend ko na siya." Ha! Akala niya.
Mabuti nalang at dumating na ang staff ko. Agad kong hinubad ang suot kong apron at mabilis na umalis ng store.
Yung sinabi ko kanina na may Date ako, totoo yun. As usual, si Mommy ang nagrekomenda.
Nasa restaurant na ako at ready ng makipagkita sa kadate ko. Bago pa ako tumuloy sa pinareserba nitong table ay nagtungo muna ako sa Rest room at nag ayos ng sarili. Kailangan maging maganda ako ngayon. Hindi ako mahilig mag make up pero para sa araw na ito ay naglagay ako.
Tumuloy na ako sa pinareserba na pwesto ng aking makakadate. Medyo awkward lang yung lugar dahil dito din yung reataurant kung saan kasama ko si Jin na kumain.
Kung mamalasin ka nga naman.
May mga bagay talaga na kahit anong iwas mo ay hindi mo maiwasan. Katulad nitong restaurant na nagpapaalala sa akin kung paano ako nafall. Tae. Ang drama lang.
Ilang minuto na ako dito pero hindi pa din dumadating yung ka-date ko. Napaka VIP naman nito.
Naramdaman ko na din ang pagkalam ng sikmura ko.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto.
"Hay Salamat at..." Natulala ako ng makita ko kung sino ang pumasok.
"Anong ginagawa mo dito?" Imbis na sagutin niya ako ay lumapit ito sa akin at mabilis pa sa kidlat na hinalikan ako sa labi.
Hindi ko alam sa sarili ko pero hindi ko siya magawang itulak. Shemay!
Hindi ko maiwasan na sumunod sa kanyang mga halik. My Goodness! Ang puso ko!
Napakatanga talaga ng pusong ito! Hindi marunong makinig sa akin!
Napahabol pa ako sa kanyang labi ng bigla itong kumalas. NapaghaHalataan tuloy ako na sabik sa kanyang halik.
" Ang sabi mo kanina sisiguraduhin mong magiging boyfriend mo na yung makakadate mo. Paano ba'yan, ako ang kadate mo. Ibig sabihin girlfriend na kita." Napakagat labi ako sa sinabi niya habang nakangiti ito ng nakakaloko.
"Edi Boyfriend na kita" Mabilis kong isinampa sa balikat niya ang magkabilang kamay ko at ako na mismo ang humalik sa kanya.
Ayoko ng kumain. Sa halik pa lang niya busog na ako.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanficIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...