Jackon's POV:"Grabeng eskadalo yan...tsk!tsk!" Ani BamBam habang kumakain kami sa Dorm namin at nanonood ng Showbiz news.
"Naaawa ako dun sa Bata. Wala pala sa pito ang Ama niya." Saad naman ni Mark.
"Siya yung Nanay nung bata." Pinakita sa tv ang itsura ng Nanay ng bata.
"Woah. Ang ganda naman ng Nanay niya. Pareho sila." -JB.
Napatingin ako sa screen. Nasamid pa ako sa gulat ko nang malinaw kong nakita ang larawang iyon.
Si Han Hye iyon.
Bigla namang bumalik sa isipan ko ang alala na dapat ay matagal ko ng ibinaon sa lupa.
Nagulat ako ng may malakas na kalabog ang pumupokpok sa pinto ng Dorm.
"Omo! Nakakagulat naman! Sino ba yun?" Ani Yangjae.
"May ineexpect ba kayong bisita?" Tanong naman ni Yugyeom sa amin.
"Ako na ang magbubukas ng pinto." Tumayo ako at tumungo sa pinto. Binuksan ko ito at si Namjoon ang bumungad sa akin.
"Bro.." hindi ko pa man natatapos ang pananalita ko ng bigla niya akong paliparan ng malakas na suntok sa pisngi dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Namjoon? Bro! Ano bang problema?" Lumapit sa akin ang mga kagrupo ko habang malinaw sa akin na nasa likod niya ang mga kagrupo niya.
Lumapit sya sa akin at itinayo ako sa pamamagitan ng paghila ng kwelyo ko.
"Sabihin mo! May nangayari sa inyo ni Han Hye nung gabing iyon ano?! " Ramdam ko ang panggigigil niya sa akin.
"Namjoon, ano bang pinagsasabi mo? Bitawan mo nga si Jackson!" Utos ni Mark pero parang walang narinig si Namjoon. Tumingin ako sa mga mata niya at bakas dito ang galit.
"Bro, hindi ko sinasadya ang nangyari." Sambit ko dito. Lalong humigpit ang hawak niya sa damit ko kasabay ng pagtakas ng luha niya.
"Bro, tinuring kitang kaibigan. B-bakit mo nagawa ito sa akin?" Binitawan niya ako at pinagbalingan niya ng galit ang pintuan ng dorm namin.
"Jackson, ano bang nangyayari?" Tanong sa akin ni Mark.
"Ako ang Ama ng Bata." Mahina kong sabi.
"Ha?" Sabay-sabay nilang sabi.
"Sa tingin ko, ako ang ama ng bata." Ulit kong sabi.
---***---
Kira's POV:
"Grabe ang revalation mga te! Trending worldwide." Saad ng kasama kong stylist.
Napabuntong hininga ako.
"Naaawa ako sa bata. Nakikita ko pa naman siya minsan sa BH building." Saad din ng Isa.
Kahit ako ay naaawa. Paniguradong madami ang haters niya lalo na at mali ang grupo ang dinamay nya.
"Guys, uuwi na ako." Saad ko sa mga ito at inayos ko ang mga make up ko at dumeretso na ng uwi.
"Honey?" Pumasok ako sa kwarto ko at mukhang natutulog na si Honey. Hindi ko na inabalang buksan ang ilaw. Tumabi ako dito at niyakap siya.
"Mama." Napakunot noo ako sa boses na narinig ko. Naramdaman ko na hindi maliit na tao ang niyayakap ko.
Agad akong napatayo at binuksan ang ilaw.
Si Honey at may katabing bata.
"Kai! Kai!" Sigaw ko sa labas ng pinto ng kwarto namin.
"Bakit ate?" Lumabas ako ng kwarto.
"S-sino yung katabing bata ni Honey?" Tanong ko dito.
"Ah, si Ami ba. Nakita namin kanina sa kalsada. Nawalan ng malay kanina kaya dinala ko dito." Paliwanag nito.
"Ami?" Binuksan kong muli ang pinto at tinignang maigi ang bata.
Pamilyar sa akin ang mukha niya.
"Bakit? Kilala mo?"Tanong ni Kai sa akin.
Tama! Siya yung nasa Balita.
"Sya yun! Siya yung Anak ng Bangtan. Wait lang tatawagan ko si V."Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinaial ang numero ni V.
"Hello V?" Panimula ko dito.
"Makinig ka, may sasabihin ako." Naririnig ko na maingay ang nasa kabilang linya. Hindi ko pa man nasasabi ang pakay ko ay may kumalabit na sa akin.
"Please?" Umiling ito habang nakikiusap sa'kin.
"[Hello? Noona? Anong sasabihin mo?]" -V.
"Ah, gusto ko lang sabihin na.." Nakita ko ang lungkot sa mata niya.
"[Noona. Pwedeng saka mo nalang sabihin? Hinahanap pa kasi namin si Ami. Nag aalala na kami..]"
"Yun nga ang sasabihin ko.." Muli ay kinalabit nya ako at umiling ito sa akin habang umiiyak.
"[Noona? Ano yun?]"
"Ahm, Tutulong ako sa paghahanap sa kanya. Sige, good night." Saad ko bago ibaba ang cellphone at hinarap ang bata.
"Bakit ka lumayas sa inyo? Alam mo bang nag aalala na sila sayo?"
"Paano niyo po nalaman ang number ni Mr. V?" Tanong niya.
"Stylist nila ako kaya may Contact niya ako." Sagot ko dito.
"Mommy. Inaaway niyo po ba si Unnie Ami?"kumukuskos pa sa mata na lumapit sa akin si Honey.
"Hindi Honey. Kinakausap ko lang siya. Hinahanap na kasi siya ng Daddy niya." Saad ko dito.
"Hindi ko naman po sila Tatay. Wala po sa kanila ang tatay ko. Wala naman po akong babalikan na tatay doon." Umiiyak nitong saad.
"Hindi sila ang tatay ko." Lalo pa itong umiyak.
"Unnie.." lumapit sa kanya si Honey at hinawakan nito ang kamay ng batang babae.
"Wag ka na pong umiyak. Ako nga wala ding daddy pero masaya naman ako. Kaya wag ka ng magcry." Malambing sa sabi ng Anak ko.
"Pero alam mo, malapit na akong magkadaddy. Yung kausap ni Mommy sa phone, Si Daddy V iyon." Aniya.
"Gusto mo Daddy mo na din siya para parehas tayo ng may Daddy.Masaya yun!" Aniya. Nakita ko ang pagngiti ni Ami sa anak ko.
Napabuntong hininga ako.
"Ami. Makinig ka. Hindi sulusyon ang paglalayas para matakasan ang problema. Alam mo bang lahat sila ay nag aalala sayo? Hindi na sila magkaugaga na mahanap ka. Alam kong nasasaktan ka dahil sa pangyayari ngayon pero isipin mo din na nasasaktan sila sa ginawa mong pag alis sa kanila." Lumapit ako dito at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Nahihiya na po ako." Nakayuko nitong saad.
"Hayaan mo, Bukas na bukas ay Sasamahan kita sa inyo ok?" Tumango naman siya.
"Sa ngayon, magpahinga ka muna sa kwarto.Sige na Honey. Matulog na kayo." Sinunod naman nila ako at pumasok na sa kwarto.
"Woah. Siya pala yung nasa balita kanina."Ani Kai.
"Oo." Maikli kong sabi.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...