Ami's POV:
May laban ba ng titigan challenge?
Dalawang minuto na yata silang magkatitigan. Parang na starstruck sila sa isa't-isa.
"Miss Hong?" Pambabasag ko sa moment nila. Mukhang nagising naman si Miss Hong nang magsalita ako.
"Ah, sige Ami. Mauna na ako may klase pa ako." Saad ni Ms. Hong at dali-daling lumakad palayo sa amin.
Lumapit naman ako kay Mr. Suga.
"Ok ka lang po?" Tanong ko dito.
"Ba..bakit ang tagal mo? Tara na nga!" Masungit mode na naman ang lolo niyo.
Agad naman akong sumakay ng kotse pero siya itong nasa labas pa. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan.
"Aalis na ba tayo o aantayin mo pang mawala sa paningin mo si Ms. Hong." Pang aasar ko dito. Nakatingin pa din kasi siya sa malayo na parang hinahantay lang na mawala sa paningin niya si Miss Hong.
Mukhang hindi niya ako narinig.
"Papa!" Sigaw ko dito at mukhang nagulat siya sa ginawa ko.
"Aish! Wag mo nga akong tawaging Papa. Kinikilabutan ako sayo." Aniya at sumakay nadin sa sasakyan.
"Close ba kayo nun?" Bigla niyang tanong habang nagda-drive siya.
"Hmm.. opo. Siya ang nagmomotivate sa akin na tuparin ang pangarap ko. Malaki ang naitulong niya sa akin at paborito ko siyang teacher. Siya din ang nagturo sa akin tumugtog ng piano." Tumingin ako sa kanya at sa unang pagkakataon ay ngayon ko ang siya nakita na ngumiti ng ganun.
"Hindi pa din siya nagbabago." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Magkakilala nga sila at tingin ko close sila.
"Wag mo akong tignan ng ganyan kung ayaw mong tusukin ko yang mata mo." Ang bilis magpalit ng mood.
"Tsk. Sabihin mo nga Mr. Suga, naging girlfriend mo ba si Ms. Hong?" Sa tanong kong iyon ay bigla siyang napapreno. Buti nalang at nakaseatbelt ako.
Ang lakas ng pagkakaapak niya sa break.
"Pwedeng manahimik ka nalang? Ang dami mong daldal. Ang sakit sa tainga." Iritable niyang sabi bago nagdrive ulit.
Tss.. siya nga itong naunang nagtanong e.
Imbis na mabadtrip ako sa buong byahe ay naisipan ko nalang kainin ang cupcake na bigay sa akin ng paborito kong teacher.
"Wow! Hmm.. mukhang masarap." Bulong ko sa hangin. Kumuha ako ng isa at kinagatan iyon.
Mwah!
Ang sarap ng cupcake.
"Ami." Tumingin ako sa kanya. At palipat-lipat naman ang tingin niya sa cupcake na hawak ko at sa kalsada.
"*clearing throat* Pwedeng makahingi?" Aniya. Kumain naman kami kanina sa Dorm ah?
Ahh..
Alam ko na. Gusto niyang matikman ang bake ni Miss Hong.
"Say ah!" Parang bata kong sabi habang nakaabang na sa kanyang bibig ang cupcake na hawak ko.
Tumingin pa siya sa akin pero ngumiti lang ako ng pagkatamis-tamis sa kanya.
Kinain niya ang isang buong cupcake na sinubo ko sa kanya.
Ganyan ba sya kagutom?
Isusumbong ko siya kay Mr. Jin. Mukhang hindi yata siya satisfied sa pagluluto nito. Parang hindi pinapakain sa Dorm. Tsk!
"Wow. Ang laki pala ng bunganga niyo at nagkasya ang buong cupcake." Iniabot ko naman ang tubig sa kanya para malunok niya ang kinakain niya.
"Salamat." Tama ba yung narinig ko?
Nagpasalamat siya sa akin?
Woah!
It's a miracle.
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Welcome po." Saad ko dito.
"Ihahatid muna kita sa BH Building bago ako umuwi sa Dorm." Saad niya pa.
Wow.
Anong hangin ang nalanghap niya at napakabait niya?
Hindi kaya may gayuma itong cupcake na kinain namin at nagpapabago ito ng ugali ng taong masama ang ugali?
Kailangan kong alamin ng ingredient nito para magawa ko at araw-araw kong mapakain kay Mr. Suga.
"Sige po. Sayo na din itong dalawa pang Cupcake." At ngumiti siyang muli.
Iba na talaga ito.
Kinikilabutan na ako.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanficIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...