V's POV:
"Honey, di ba sabi ko bawal ang malikot?" Saad niya sa anak niya na paikot ikot sa dressing room.
Ngayong araw ay magtetake kami ng music video.
Tapos na akong ayusan ni Noona at si Hyung Jin na ang kanyang inaayusan.
"Ok po." Saad ng bata at tumabi sa akin sa sofa. Tumingin pa ito sa akin at ngumiti.
"Ilang taon na si Honey?" Biglang tanong ni Hyung Jin kay Noona.
"Five years old na siya." Saad naman nito.
"Kakafive ko lang po ngayon. Birthday ko po!" Masiglang saad ng batang katabi ko.
"Wow. Happy Birthday Honey!" Bati ng lahat sa kanya.
"Thank you po." Saad naman ng bata.
"Anong wish mo ngayong birthday mo?" Tanong naman ni Jimin sa kanya.
Nagpaisip pa ang bata bago sumagot.
"Gusto ko po ng Daddy. Wala po kasi ako nun." Hindi ko mapigilan ang mapalaki ang aking mata sa sinabi ng bata.
"Honey, ano ka bang bata ka." Nahihiyang saad ni Noona dito.
Daddy?
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa iniisip ko.
"Ang meron lang po ako ay si Lolo,lola,Tito, girlfriend ng Tito ko at si Mommy. Wala pa po akong Daddy." Madaldal na saad ng bata. Lahat kami ay natutuwa sa bibong bata.
Tumayo ako at humarap sa bata.
"Alam mo bang isa akong Fairy?" Umarte akong isang fairy. Kumuha ako ng ballpen at iyon ang kunwari ay magic wand ko.
"May lalaki po bang fairy? Hindi po ba girl dapat ang fairy?" Saad nito.
"Hahahaha" Reaksyon ng mga nakarinig sa kwarto.
"May lalakeng fairy. At isa na ako doon.Nahihiya lang yung iba na lumabas." Paliwanag ko dito.
"At dahil isa akong fairy, ang iyong kahilingan ay aking tutuparin!" Umikot ikot ako at kunwari ay winawagayway sa kanya ang wand na hawak ko.
"Ano pong nangyari?" Inosenteng saad ng bata. Pumantay ako sa kanya at bumulong.
"Ako na ang Daddy mo." Matapos kong sabihin iyon ay bakas sa mukha niya ang saya.
"Talaga po?" Excited pa nitong sabi.
"Oo. Pero secret lang natin iyon ah?" Nagpinky promise pa ito sa akin.
"Ano yan Honey?" Tumingin kami kay Noona pareho.
"Wala po Mommy." Aniya at humagikgik pa.
---***---
Kira's POV:
Hindi ko alam kung ano ang ibinulong niya kay Honey pero natutuwa ako, mukhang masaya ang araw ni Honey ngayon dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Napapansin ko tuwing magbebreak time ay laging nililibang ni V si Honey. Naglalaro silang dalawa.
Para talagang bata.
"Ok! Bukas change location naman tayo." Saad ng Direktor nila sa Musiv video na ginagawa nila. Ngayon kasi ay indoor shots ang ginawa nila.
"Honey!" Agad namang tumakbo si Honey kay V at inambahan ito.
"Wow! Ang galing niyo po kanina!" Rinig kong sabi ni Honey at may two thumbs up pa itong ginawa habang buhat siya ni V.
"Honey, bumaba ka muna. Tatanggalin ko lang ang make up ni V." Sumunod namn siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...