Culprit

730 35 5
                                    

Nari's POV:

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng bahay ko. Bumangon ako sa sahig na kinahihigaan ko habang nakakalat naman ang mga bote na ininom ko sa buong magdamag.

Sumasakit at nahihilo akong binuksan ang pintuan.

"Ikaw ba si Choi Nari?" Tanong sa akin ng lalakeng nakablue. Medyo blurd pa ang paningin ko kaya hindi ko pa matukoy kung sino iyon.

"A-ako nga. Anong kailangan niyo?" Tanong ko dito habang nagkukuskos pa ako ng aking mata.

"May warrant of arrest po kayo. May karapatan po kayong manahimik at sumama sa amin sa presinto." Naramdaman ko ang posas na inilagay sa dalawang kamay ko. Para akong binuhusan ng tubig na malamig dahil sa sinabi niya.

"Teka! A-anong kasalanan ko? Wala akong ginagawang masama!" Pilit akong kumakalas sa pagkakahawak nila sa akin.

"Ang BH Entertainment ang nagsampa ng kaso sa inyo dahil sa false information na kinalat niyo online." Saad naman nya bago ako isakay sa kanilang sasakyan papuntang pulis station.

"Hindi nga ako ang gumawa non! Ano ba!"

"Sa presinto nalang kayo magpaliwanag." Saad naman ng pulis bago patakbuhin ang sasakyan.

---***---

Yuri's POV:

"Manong Pulis. Nahanap niyo na ba yung estudyante ko? Hindi pa din daw kasi sya umuuwi kagabi. Nag aalala na kami." Maaga palang ay tumungo na ako sa pulis station para i-update ang nawawalang si Nari.

"Sorry, Ma'am pero wala pa kaming lead sa estudyante niyo." Aniya.

"Ma'am, kayo din po yung nagreport na naholdap ang alaga nyo hindi ba?" Tanong niya sa akin.

"Ah, opo. kami nga din iyon." Saad ko dito.

" Sumuko na po yung lalakeng kumuha ng phone niya. Heto po." Inilabas naman ng pulis ang cellphone at ibinigay sa akin.

"Pwede ko bang makita kung sino yung nagnakaw nito?"

"Sige po. Dito po tayo." Sinamahan niya ako patungo sa lugar ng nagnakaw ng phone ni Ami.

"Mr. Kang Soo." Tawag ng Pulis. Nag angat naman ito ng tingin sa amin.

Tinignan ko siya ng maigi at nakasuot ito ng uniporme ng isang reporter at May nakalagay na logo sa damit nito. Logo iyon ng isang TV Company.

"I'm sorry." Tanging sambit nito.

"Wag ka sa akin humingi ng patawad. Kay Ami. Natrauma ang bata sa ginawa mo. At alam mo bang may kinakaharap din siyang problema?" Saad ko dito.

"May kasalanan pa ako sa bata." Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ako ang gumawa ng article na kumalat online. Ginamit ko ang pangalan ng katrabaho ko para ikalat ang impormasyon na iyon."

"Walanghiya ka! Ano bang ginawa sayo ng bata para gawin mo ito? Hindi ka na naawa!" Sigaw ko dito.

"I'm sorry. I'm sorry! Patawarin nyo ako!" Aniya habang umiiyak.

"Mabuti nga sayo! Mabulok ka sana sa kulungan!" Sigaw ko dito bago umalis sa prisinto.

Walanghiya siya!

Walang puso!

Hindi niya alam kung anong problema ang ginawa nya.

Tumingin ako sa Cellphone na hawak ko at naisip ko na pumunta sa Dorm nila Yoongi para malaman nila kaagad ito.

---***---

Jimin's POV:

"Jimin!" Tawag sa akin ng aming manager habang hingal na hingal itong pumasok ng aming Dorm.

"Ji-min! May bad news ako! Si Nari! Binigyan ng warrant of arrest  si Nari! Nasa presinto sya ngayon!" Saad nito.

"Ano?" Gulat kong saad.

"Bakit daw?" Tanong naman ni Jin dito.

"Kinasuhan siya ni Mr. Bang ng false information dahil sa pagkalat ng article niya."Agad akong lumabas ng dorm at tinungo ang nasabing presinto ng aking manager.

Wala akong pakialam kung pagalitan ako ni Mr. Bang sa gagawin ko pero hindi ko hahayaan na mangyari ito sa pinakamamahal kong babae.

Oo. Nagalit ako sa kanya pero hindi ko naman inaasahan na darating kami sa puntong ito.

Nang marating ko ang presinto ay gad akong nagtungo sa loob at nakita ko si Nari na nasa loob ng selda.

"Nari!" Agad akong tumakbo patungo sa kanya.

"Jimin!" Sigaw niya habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay niya sa kabila ng mga bakal na humaharang sa amin.

"Jimin.. anong gagawin ko? Bakit ganito? Ayoko dito! Jimin! Tulungan mo akong makalaya. Buong buhay ko hindi pa ako nakakaranas ng ganito." Saad nito habang humahagulgol.

"Wag kang mag alala, kakausapin ko si Mr. Bang. Ok?"

"Jimin. Maniwala ka. Hindi ako ang nagsulat nun! Hindi ako ang may Gawa!"

"Oo. Naniniwala ako. Ok? Naniniwala ako sayo. Ikaw lang ang pinaniniwalaan ko. Ilalabas kita diyan.  Pangako."

---***---

Yuri's POV:

Dumating ako doon at nakita kong tumakbo palabas ng Dorm si Jimin.

"Yoongi." Pumasok ako sa Dorm dahil nakabukas iyon. Nandoon ang Anim kasama ang Manager nila.

"Oh? Yuri? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Galing akong presinto. In-update ko lang yung kay Ami." Saad ko dito.

"At heto, yung phone na kinuha sa kanya. Sumuko na yung holdaper. Doon siya nakakulong sa presinto na pinangggalingan ko." Iniabot ko naman kay Jin ang cellphone.

"Nakausap ko yung Holdaper kanina, ang sabi niya sya raw ang gumawa ng article na nakapost online. Mukhang nakonsensya ang loko." Nakita ko ang pagkagulat nila.

"Naku! Kailangang malaman iyan ni Mr. Bang!" Agad namang tinawagan ng Manager ang kanilang Boss.

"Kailangan nating sundan si Jimin." Ani Suga. Hindi na ako nagtanong pa at sumunod na lang sa kanya.

Nadatnan namin na nag uusap ang dalawa kahit nasa pagitan nila ang mga rehas. Lumapit kami sa mga ito.

"Jimin." Tawag ni Yoongi dahilan upang mapalingon sila.

"Bakit? Nahanap nyo na ba si Ami?" Tanong nito.

"Hindi pa. May iba kaming pakay. Yung humoldap kay Ami dati, siya pala yung nagkalat ng article tungkol sa atin. Sinabihan na ni Manager si Mr. Bang tungkol dito. Hintayin nalang natin na marelase ang girlfriend mo." Bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan dahilnsa balita ni Yoongi sa kanila.

Ilang saglit lang ay pinalaya na ang babaeng nakakulong. Halos hindi mapaghiwalay ang yakap ng dalawa sa isa't-isa.

"Sorry kung nagduda ako sayo. Sorry kung hindi ako naniwala noong una. Pangako, ikaw lang ang paniniwalaan ko simula ngayon." Aniya. Humarap naman sa amin ang magkasintahan.

"Salamat Suga." Saad ng babae.

"Wag ka sa akin magpasalamat. Dito sa girlfriend ko. Siya ang nagbalita sa akin." Tumingin sa akin ang babae at binigyan ako ng saglit na yakap.

"Salamat." Sambit nito. Tumango lang ako bilang sagot dito.

"Isa nalang ang problema natin. Si Ami." Saad ko sa mga ito.

Ami?

Saan ka ba namin matatagpuan?

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon