Ami's POV:
"Good Job Ms. Han." Saad ng teacher namin habang ibinibigay ang report card namin.
Laking tuwa ko ng makita ko ang marka ko.
"Nasa Number 2 spot ka pa din Miss Han." Dagdag pa nito. Hindi naman maiwasan na tingnan ako ng masama ng mga kaklase ko. Hindi ko nalang sila pinansin.
"By the way, malapit na ang foundation day ng school at kailangan lahat kayo ay makipagparticipate." May mga ilan na nagreklamo sa announcement ng aming teacher.
"And one thing, guardian is a must." Lalong nagreklamo ang iba.
"Sinong isasama mo?" Rinig kong tanong ng kaklase ko sa katabi ko.
"Both Parents ko." Aniya.
"Ah, ako din. Si Mommy at Daddy. E yung iba kaya diyan?" Parinig nito.
"Paniguradong Mama niya lang ang kasama niya tulad noong nakaraang taon." Sumulyap ako sa kanila at halata naman na ako ang pinariringgan nila.
Napakagat labi na lang ako at kunwari'y walang narinig.
Tuwing may event sa school ay si Mama ang isinasama ko samantalang yung iba ay Tatay abg isinasama. Hindi ko naman maiwasan na hindi mainggit kapag nakakakita ako na buo ang pamilya na magkakasama.
"Anong hindi ka pupunta?" Lunchbreak at tulad ng nakasanay ay sumasabay ako sa pag lunck kay Miss Hong.
"Lagi nalang pong si Mama ang kasama ko. Inaasar pa ako ng mga kaklase ko na wala akong Tatay kaya Magte-training na lang po ako sa araw na iyon kesa umattend." Walang gana kong saad dito. Mas gugustuhin ko pa ang magtraining kaysa sa umattend doon.
"E'di isama mo isa sa mga tatay mo." Suggest ni Miss Hong sa akin.
"Miss Hong, hindi naman kadali iyon. Kapag ginawa ko iyon malalaman ng lahat ang sekreto ko at ayokong mapahamak ang mga tatay ko dahil sa event na ito." Napakamot ito ng ulo dahil sa problema ko.
"Oo nga pala. Ang komplikado naman!" Reklamo din niya.
Hanggang sa pagsakay sa bus ay iniisip ko pa din ang nalalapit na foundation day.
Ano kaya kung sabihin ko sa kanila? Baka sakaling may pumunta sa kanila.
Pero hindi pwede!
Kapag pumunta isa sa kanila sa school paniguradong pagkakaguluhan sila at baka malaman nila ang sekreto ko.
Ay ano ba! Nakakainis naman!
Huhu..
Habang nag iisip ako ay naramdaman ko na may tumabi sa aking lalake at sinisiksik ako sa upuan. Tumingin ako sa paligid at maluwag naman ang loob ng bus.
"Ah, mister, baka pwedeng lumipat nalang po kayo ng pwesto, medyo masikip po e." Magalang kong saad dito pero parang wala siyang narinig at pilit pa din akong sinisiksik.
"Huwag kang gagawa ng kahit anong ingay." Bulong niya sa akin at naramdaman ko na may kung anong matulis na bagay ang nasa tagiliran ko.
Naramdaman ko ang panginging ng buo kong katawan dahil sa takot. Hindi na din normal ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba na aking nararamdaman.
"Akin na ang cellphone mo." Bulong muli niya. Dahil sa takot ko ay agad ko itong ibinigay.
"Umarte ka ng normal. Wag mong susubukan na sumigaw kung hindi dadanak ang dugo mo dito sa bus. Naintindihan mo?" Hindi ako makapagsalita kaya tumango lang ako sa sinabi niya.
Ilang saglit lang ay huminto ang bus at bumaba ito.
Para akong bato na hindi makagalaw dahil sa nangyari sa akin.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...