Ami's POV:
"Sabi ng nurse pwede ka ng lumabas." Napangiti ako sa sinabi ni Mr. Namjoon.
"Nasettle ko na din ang bill kaya wala na kayong po-problemahin. At ikaw, kapag nararamdaman mo na masama na ang pakiramdam mo, sabihan mo kami, ok?" Ani Mr. Jungkook.
"Salamat." Mahinang saad ni Mama sa kanila.
"Yes! Sa wakas! Makakalabas na ako. Makakapunta na ako sa comeback niyo." Masigla kong saad sa kanila.
"Hindi pa pwede Ami. Baka mabinat ka." Napabusangot tuloy ako sa sinabi ni Mr. Namjoon.
"Pero po, magaling na ako at malakas. Payagan niyo na akong manuod." Pangungulit ko dito.
"Hindi pa pwede Ami. Sabi ng Doktor mo kailangan mo pang magpahinga." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Mr. Jungkook.
"Teka? Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba nagreready para mamaya?" Gusto ko ding itanobg iyob kay Mr. Jungkook.
"Ha? Ah.. kasi, sinusundo kita. Sabay na tayong pumunta ng studio." Pagdadahilan nito.
"Talaga? O may pinopormahan ka dito sa Ospital." Mukhang guilty si Mr. Jungkook at natahimik na lang ito.
"Namjoon, pwede bang sa bahay ko muna si Ami? Ako muna ang mag aalaga sa kanya."
"Sige. Pinaalam ko na din siya kay Mr. Bang at binigyan sya ng dalawang araw na pahinga. Magandang oras din iyon para makapagbonding kayong mag ina bago siya bumalik sa Dorm." Ani Mr. Namjoon.
"Noona, mauna na kami. Naghihintay na kasi sa baba ang Manager namin." -Jungkook.
"Magpahinga ka. Kumain ka ng masusustansyang pagkain. Okey?" Tumango ako bilang sagot.
"Bye." Aniya kay Mama at niyakap ito.
May hindi ba ako alam sa kanilang dalawa?
Nang makalabas sila ay hindi ko maiwasan na tanungin si Mama.
"Ma. Inlove kayo kay Mr. Namjoon ano?" Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa sinabi ko.
"Alam mo. Ireready ko na ang gamit mo para makauwi na tayo." Pag iiba niya ng usapan.
Asus. Si mama. Parang teenager.
---***---
Jon's POV:
"Unnie, bumangon ka na diyan. Late na tayo sa practice." Lahat sila ay nakabihis na at ready ng pumunta sa BH building para magpractice, samantalang ako ay nakahiga pa.
"Masama ang pakiramdam ko, Pakisabi kay Manager." Saad ko sa kanila habang nakabalot ang buong katawan ko ng kumot.
"Anong nangyari sayo? May sakit ka?" Lumapit sa akin si Momo. Umubo ako ng pagkalakas-lakas.
"Baka mahawa ka. Wag ka ng lumapit." Suway ko dito.
"Kaya mo bang mag isa dito? Gusto mong tawagin ko si Manager para samahan ka?" Saad naman ni Ara.
"Hindi na. Baka mahawaan ko pa siya. Ok lang ako mag isa dito. Magla-lock nalang ako." Saad ko sa mga ito.
"Ok. May Gamot sa drawer ko, inumin mo iyon. Mauna na kami. Baka pagalitan pa kami kapag nalate kami." Paalam nito.
"Bye Unnie, pagaling ka." Ani Momo.
"Salamat." Saad ko sa mga ito.
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng Dorm.
Mukhang umalis na sila.
Agad naman ang tumayo at humarap sa salamin.
"Pwede ka na talagang maging artista jon!" Saad ko sa aking sarili.
Ang totoo niyan, wala akong sakit. Dinahilan ko lang iyon para makatakas ako ngayon.
Comeback na nila at plano kong pumunta.
Pero hindi ako pwedeng puminta na ganito ang itsura ko. Kailangan kong magdisguise para hindi ako makilala ng mga tao.
Buti nalang at may kilala akong pwedeng gumawa nun sa akin.
Agad akong pumunta sa salon ng kaibigan ko.
"Bruha ka. Bakit ngayon ka lang dumalaw ah?" Bungad niya sa akin pagkapasok ko palang sa loob. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan kami ng mga employee niya at costumer. Agad ko siyang hinila papasok sa opisina niya.
"Bakit ngayon ka lang dumalaw? Ha? Porket sikat ka na kinalimutan mo na ako." Pagtatampo nito.
"Heto naman. Alam mo namang busy ako. Buti nga nakakakain pa ako sa sobrang busy ng schedule ko." Saad ko dito. Ganyan lang sya sa akin pero mabait iyan. At hindi niya ako pwedeng awayin dahil ako ang model ng kanyang salon.
"Ano bang sadya mo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Magpapaayos sana ako. Gusto ko yung hindi ako makikilala ng mga tao bilang Idol." Napakunot noo ito sa sinabi ko.
"At bakit gusto mong ayusan kita ng ganun?" Tanong nito sa akin.
"Aattend kasi ako sa Comeback ng Bangtan..." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na ito.
"Asus... hanggang ngayon, patay na patay ka pa din diyan sa JHope mo. Tsk. Walang forever Jon." Napaka bitter naman ng babaitang ito.
"Huwag ka nga. Para sabihin ko sayo, napapansin niya na ako. Isa pa, gusto ko lang suportahan yung tao. Alam mo namang biggest fan ako ng Grupo nila hindi ba?" Kinikilig ko pang saad dito.
"Oh sige!sige! Ako ng bahala." Aniya.
"Kyah! Salamat talaga bestfriend!" Napayakap tuloy ako sa kanya sa sobrang tuwa ko.
"Huwag ka munang magpasalamat. Tandaan mo, may bayad ito. Walang kaibi-kaibigan pagdating sa negosyo." Aniya.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanficIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...