My Heartue~

833 36 4
                                    

Eun's POV:

"Doc, Heto na po yung result kay Miss Han Kim." Iniabot sa akin ng nurse ang information tungkol sa aking pasyente.

"Naover-fatigue ang bata." Saad ko dito.

"Ang sabi po ng Guardian niya nagte-training po siya bilang Idol and at the same time ay nag aaral." Saad ng nurse.

Napakabata pa niya para sa ganoong trabaho. Dapat nagfocus nalang siya sa pag aaral. Hindi ba niya alam na para din niyang pinapatay ang sarili niya sa ginagawa niya?

"Nurse Pyo, puntahan na natin ang pasyente sa 323." Pagpasok namin ay biglang dumami ang tao doon.

Napatingin silang lahat sa amin.

" Oh? Parang kilala ko kayo?" Ani Nurse Pyo sa mga lalakeng kanyang nakita.

Pamilyar nga sila pero hindi ko alam kung saan ko sila nakita.

"Sino po ang magulang ng bata?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ako." Nagulat ako ng biglang magtaas kamay ang pitong lalake.
Napakunot noo tuloy ako.

"Ako po yung Nanay ng bata. " Lumapit sa akin ang Nanay ng bata.

"Wag na po kayong mag alala Misis. Na-over fatigue po ang bata. Ang kailangan lang po niya ay pahinga." Saad ko dito.

"At kung maaari ay iwasan niya po ang pagpupuyat at mag skip ng meals niya. Yun lang, bukas ay pwede na siyang makalabas." Dagdag ko dito

"Thank you Po Dok." Lumabas na din ako matapos kong sabihin iyon.

"Parang kilala ko talaga sila." Tinignan ko si Nurse at puzzled pa din ang mukha nito.

"Baka dahil gwapo sila kaya parang kilala mo. Ganyan ka naman Nurse kapag nakakakita ng Gwapo hindi ba?" Biro ko dito.

"Hindi Dok. Parang kilala ko talaga sila." Pamimilit nito.

"Bahala ka." Saad ko dito.

"Dok." Lumingon ako sa lakod.

"Yes?" Lumapit siya sa akin.

"Medyo sumasakit yung puso ko, pwede niyo po ba akong i-check up?" Tanong nito. Habang nakahawak sa kanyang dibdib.

"Ano bang nararamdaman niyo Sir?" Tanong ko dito.

"Bigla po kasing bumilis yung tibok ng puso ko simula nung makita ka." Napairap nalang ako.

Hayy...

Akala ko pa naman seryoso na.

Ngumiti ito sa akin. Napahalukipkip ako.

"Sir, kung wala kayong matinong sasabihin, aalis na ako dahil busy po akong tao. Madami pang pasyente ang naghihintaynsa akin." Saad ko dito.

"Willing naman akong maghintay." Nagtaasan naman ang balahibo ko sa sinabi niya.

"Yah, Jungkook. Tara na." Tawag sa kanya ng mga kasamahan niya pero this time may suot na silang Face Mask.

"Jeon Jungkook." Aniya bago tumakbo papunta sa kaniyang mga kasamahan at tulad nila ay nagsuot na ito ng facemask.

"Oh my G!" Sigaw ni Nurse Pyo. At lumapit sa akin.

"Kyaah!! Sabi ko nakilala ko sila!" Aniya.

Napataas kilay akong tumingin sa kanya.

"Dok, sila ang Bangtan Boys! Wahh! Sabi na eh! Kaya pamilyar. Sayang lang hindi ako nakapagpapicture sa kanila. Pero ano kaya ang relasyon nila sa pasyente?" Sa kinikilos ni Nurse Pyo, halatang fan girl siya nito.

"I am not interested." Malamig kong saad. Madami pa siyang sinasabi pero iniwan ko na lang siya. Hindi ako interesado sa mga pinagsasabi nya.

---***---

"Jeon Jungkook?" Bulong ko.

Hindi naman siguro masama kung ireresearch ko siya hindi ba?

Sinearch ko ang pangalan niya sa internet. Nagulat ako sa mga information tungkol sa kanya at kung gaano kadami ang fans niya worldwide.

Ganito pala sya kapopular sa mga tao.

Wow.

"Akala ko ba Dok hindi ka interesado?" muntik ko ng maibato ang cellphone ng hawak ko dahil sa pagsulpot ni Nurse Pyo mula sa aking likod.

"Ano ba Nurse! Pwedeng kumatok ka naman. Nagulat tuloy ako sayo." Saad ko dito pero tinignan lang niya ako ng nakakaloko.

"Asus Dok, wag niyo pong ibahin ang usapan." Aniya at ngumunguso pa sa hawak kong cellphone.

"Curious lang ako kung sino yun. Masama bang magbackground check?" Saad ko dito. Tinignan niya ako ng nakakaloko.

"Talaga ba?" Aniya. Tinaasan ko soya ng kilay.

"Gusto mong isumbong kita sa Head nurse?" Bigla itong umayos ng tayo at naging seryoso.

"Sige po Dok, babalik na ako sa Nurse Station." Aniya at mabilis na lumabas ng Opisina ko.

"Ok. Balik tayo sa research." Bulong ko sa sarili ko habang nagba-browse sa cellphone ko.

Infairness, may pagkacute ang maknae ng grupo.

---***---
Han Hye's POV:

"Tulog na si Ami. Pwede ka ng umuwi. Ako ng bahala sa kanya dito." Malamig kong saad kay Namjoon.

"I'm sorry. Hindi ko sya nabantayan ng maayos." Aniya.

Sa talambuhay ko ay ngayon ko lang nakita si Ami na mamalagi sa Ospital. Sino bang ina ang gusto ang maospital ang kanyang anak? Masakit para sa akin ang ganitong sitwasyon.

Sa kabilang banda, may kasalanan din ako. Dapat noong una palang ay hindi ko na siya pinayagan sa gusto niya.

"Sorry din kung nasampal kita. Naging emosyon ako dahil sa pangyayaring ito." Saad ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luha na tumatakas sa aking mga mata.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"Walang may gusto na magkasakit siya. Tulad mo ay nag aalala din kami kay Ami dahil hindi na siya iba sa amin." Naramdaman ko na dinampian niya ng halik ang aking ulunan.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata.

Ilang segundo din kaming nagkatitigan at parang nangungusap ang mga mata namin sa isa't-isa.

"Hye, can we start again?" Mahina nitong sabi bago angkinin ang mga labi ko. Napapapikit na lamang ako at nagpadala sa kanyang mga halik.

Parang tumigil ang mundo ko dahil sa mga halik niya.

Ano ba itong ginagawa ko?

Matagal ng panahon ang nakalipas pero hindi ko pa din maikukubli sa aking sarili na may pagtatangi pa din ako sa kanya.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon