Dorm

1.2K 47 3
                                    

May naririnig akong boses pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang kulay puting Kisame. Nasa langit na ba ako?

Patay na ba ako?

Anong kinamatay ko?

Ang pagkakatanda ko ay nasa BH Building ako at nag Audition.

"Nasaan ako?" Bumangon ako sa pwesto ko at napagtanto ko na parang nasa isang dressing room ako.

"Buti naman at gising ka na." Pamilyar na boses ang narinig ko.

"Kumain ka muna. Naexcite ka atang mag audition at nakalimutan mong kumain ng almusal at tanghalian." Aniya at iniabot sa akin ang Styrofoam na may lamang pagkain.

Ngumiti siya sa akin ng tipid at nakita ko ang dalawang malalalim niyang dimple.

Parang nawala ako sa sarili ko ng makita ko ang pagkain.

"Ahm.. dahan-dahan.. baka.. mabilaukan ka." Aniya at nangyari nga. Agad niya akong inabutan ng mineral bottle at tinungga ko iyon.

Hindi ko maiwasang tignan siya bawat segundo.

Nasa harapan ko lang namang ang Leader at Rapper ng BTS.

Rapmonster.

Nawala lamang ang pagtitig ko dito ng biglang may lalake ang pumasok sa kwarto. Nakahalukipkip ito at seryosong nakatingin sa akin.

"Madaming Gustong maging Idol at wala kaming panahon para makipagbiruan sa mga batang katulad mo. Pasalamat ka at minor de edad ko kundi naipakulong na kita. Alam mo ba ang maaring epekto ng sinabi mo? Paano kung may makarinig sayo at ikalat iyon sa labas?.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang sumingit si Mr. Namjoon.

"Manager. Tama na. Bata lang siya. Wag niyo ng sermonan." Aniya. Tumingin siya sa akin at kinausap ako ng mahinahon.

"Look. Medyo Busy ang Agency para sa mga biro na ginawa mo. So, kung hindi ka naman willing maging Idol, umuwi ka na lang. Ok?" Naramdaman ko ang kamay niya sa ulunan ko.

Napakagat labi ako.

"Hindi ako nagbibiro, Papa." Assuming na kung assuming pero gusto ko siyang tawaging Papa.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko.

"Ti-nawag ka niyang Papa? Alam mo Miss hangga't mabait pa ako umalis ka na sa building na ito kundi ipapakaladkad kita sa Guard." Tumayo ako at kinuha ang litrato na nasa bulsa ko.

Pinakita ko iyon sa kanya. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ano ba yan Namjoon?" Inagaw ng kanyang manager ang litrato at nagulat ito sa nakita niya.

"Oh my Goodness! Holy Sh..." Aniya.

"Mama ko po yang babae na kasama niyo sa picture at ang sabi niya, kayong pito ang Papa ko." Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa magkablang balikat ng manager nila.

"Sabihin mo, sino ang nag utos sayo na ibigay ito? Huh? Sinong Paparazzi? Frame up ito ano? Scam? Magsalita ka. Magkano ba ang kailangan ninyo para manahimik kayo? Price it!" Aniya habang niyuyogyug niya ako. Agad akong pumiglas sa ginawa niya.

"Hindi po ito scam or frame up. Nagsasabi po ako ng totoo. Tatay ko po ang BTS." Seryoso kong pahayag dito at tulad ng kanina ay tumawa lamang ito.

"Tss! Pambihira. Ibang klase talaga ang mga tao ngayon gumagamit na ng Menor de edad para lang sirain ang Grupo. Grabe, level up ang anti-fans." Saad ng Manager.

"Hindi ko alam kung ano ang kwento niyo ng nanay ko pero isa lang ang gusto ko, ang magkaroon ng tatay." Seryoso ko syang tinignan sa kanyang mata na parang may sarili itong bibig at nangungusap sa kanya.

"Namjoon, walang kwenta ang pag uusap na ito. Sige na. Bumalik ka na sa audition room ako ng bahala sa batang ito." Ani ng Manager at pwersahang kinuha ang kamay ko.

"At ikaw, wag kang istorbo!" Singhal niya sa akin.

"Maniwala po kayo! Hindi po ako nagsisinungaling! Tatay ko po talaga sila! Mr. Manager! Please!" Tumingin ako sa kanya habang pilit na pumipiglas sa hawak ng manager nila.

Nang maramdaman ko ang pagluwag ng hawak sa akin ng manager ay agad akong tumakbo sa kanya at sinunggaban siya ng yakap.

"Miss! Ano ba! Sakit naman sa ulo nito!" Rinig kong sabi ng Manager nila na iritable na sa sitwasyon.

"Wala po ba kayong nararamdaman na lukso ng dugo? Papa?" Tawag kong muli sa kanya. Naramdaman ko ang kamay niya na tumanggal sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Pwedeng pag usapan natin ito mamaya, may trabaho pa akong tatapusin." Aniya at lumabas na ng kwarto kasabay ng kanyang manager.

Tanggap nya na kaya ako?

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pag iisip kong iyon.

Naghintay ako ng ilang oras sa loob ng kwartong iyon. Wala akong ibang ginawa kundi ngatngatin ang kuko ko. Dala na siguro ito ng kabang nararamdaman ko.

"There she is." Rinig ko ang boses niya. Napatayo ako sa couch na kanina ko pa inuupuan.

Ngayon ay kasama na niya ang matabang lalake.

"Mr.Bang, ano pong gagawin natin? Malaking eskandalo ito kapag nalaman ng publiko!" Naghehesterical na saad ng manager nila. Walang emosyon naman itong tumingin sa akin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Let's do a DNA Test." Walang emosyong saad ni Mr. Bang.

"Huh? Mr. Bang? Naniniwala kayo sa batang ito? Paano kung niloloko niya lang tayo?" Iretableng saad ng Manager.

"Iinform ka namin kung kelan ka ite-test, sa ngayon, umuwi ka na sa inyo." Aniya bago ako talikuran.

"Ahm.. hindi po ako pwedeng umuwi sa amin. Naglayas po ako." Nakita ko ang pag awang ng bibig ni Mr. Namjoon gayun din ang Manager nila na kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili niya dahil sa inis.

"Pambihirang bata ka! Ang sakit mo sa ulo!" Pahayag ng Manager.

"Lumayas po ako dahil gusto kong makit ang tatay ko at isa pa, gabi na. Malayo pa ang pinanggalingan ko." Paliwanag ko dito.

Humarap si Mr. Bang at nakita ko ang saglit na pagkamot niya sa kanyang ulo.

"Ms. Han..." Tawag nito sa akin. Mukhang nag iisip pa siya ng sasabihin sa akin.

"Manager, magpaBook ka ng room sa Hotel. Ako na ang bahala aa bill." Singit ni Mr. Namjoon.

"No. Hindi pwede." Kontra naman ni Mr. Bang dito.

"Kapag nalaman ng media na nagpabook ka sa Hotel malaking problema iyon. Isa pa, katulad ng napag usapan natin kanina, walang dapat makaalam nito." Aniya. Napayuko na lamang ako.

Isa talaga akong problema.

Hindi talaga ako nag iisip. Bigla na lang ako nagdesisyon ayan tuloy.

"So? Saan sya tutuloy? Alangan namang dito sa Studio? Hindi ba kayo naaawa sa bata?" Saad nito. Napahawak ito sa kanyang baba na wari'y malalim ang iniisip.

"Doon muna siya sa Dorm niyo pansamantala." Aniya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Teka?

Sa Dorm?

Talaga?

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon