Ami's POV:
"Welcome home Ami!" Masigla nilang bati sa akin ng makarating na ako ng Dorm.
Wah!
Bigla ko silang namiss.
"Salamat po!" Masaya kong bati sa kanila. Agad naman akong niyakap ni Mr. V.
"Namiss kita Ami." Aniya bago kumalas sa akin.
"Kayo din po namiss ko." Saad ko sa kanila.
"Tara. Kumain na tayo. Nagluto ako ng masarap." Ani Mr. Jin. Una na akong tumungo sa mesa.
"Wow! Mr. Jin! Andami naman nito!" Mangha kong saad dito bago simulan ng kumain.
"Hmm! Ang sarap! The best po talaga ang luto niyo!" Nagbigay pa ako ng two thumbs up sa kanya.
"Kumain ka lang hanggat gusto mo." Aniya.
"Anyway, Bukas ka na daw pumasok sa training sabi ni Mr. Bang." Ani Mr. Namjoon sa akin.
"Kung ganun po pwede po akong manood ng performance niyo mamaya?" Abot tenga ang ngiti ko dito.
"Hmm... pag iisipan ko." Napanguso ako sa sinabo niya.
"Mr. Namjoon, please? Gusto ko po talagang mapanood kayo ng live. Please po, payagan niyo na ako. Huh?" Nagpa-puppy eyes na ako baka sakaling umubra.
"Sige na Hyung, payagan mo na. " Ginaya pa ako ni Mr. V sa pagpapacute ko dito.
"Payagan mo na." Pamimilit din ni Mr. Jimin dito. Halos lahat sila mukhang pabor sa akin.
"Ok. Sige na nga. Masyado kang cute para tanggihan." Aniya.
Yes! Finally, makakanood na ako ng live.
---***---
Eun's POV:
"Sige na tita Eun. Samahan mo na ako! Please!!" Kulang nalang ay magkalasog lasog na ang katawan ko sa pamimilit sa akin ng pamangkin ko na pumunta doon sa Comeback ng paborito niyang grupo.
"Ano ba! Ayoko nga. At isa pa ano bang napapala mo jan sa mga Idol na yan? Hindi mo ba alam na pinagkakakitaan kalang niyang mga yan." Inis kong saad dito. Ang hilig kasing bumili ng mga gamit na may mukha nila tapos bumili pa ng album.
"Eun! Ano ba? Samahan mo na nga lang yang pamangkin mo. Day off mo naman ngayon hindi ba?" Napagalitan pa tuloy ako ni Mommy dahil sa kakulitan ng paborito niyang apo.
"Mommy, hindi porke day off ko ay wala na akong gagawin. May inaaral pa po akong medical book ngayon kaya hindi pwede." Saad ko dito.
"Lola! Gusto kong makita ang SF9! Gusto kong makita si Da Won!" Pagmamaktol nito.
Aish!
Ang sarap hambalusin ng wheelchair itong batang ito!
"Sige na Eun. Minsan mo lang makabonding yung pamangkin mo samahan mo na." Pamimilit ni Mommy. Inirapan ko naman ang pamangkin ko. Napakaspoiled brat talaga. Palibhasa nasa abroad ang parents at naiwan sa pangangalaga ni Mommy.
"Oh sige. Papayag na ako pero pagkatapos na pagkatapos ay uuwi na tayo. Ok?" Kondisyon ko dito.
"Yes Po Tita! salamat po tita! The best tita in the world ka talaga!" Naku naman. Nambola pa.
"Tita, suotin mo ito." Aniya at isinuot sa akin ang headband na umiilaw at may nakalagay na logo. Nasa venue na kami at naghihintay na magsimula ang event.
Madaming tao ang pumunta at karamihan ay kabataan na tulad ng pamangkin ko.
"Hindi pa ba magsisimula?" Iritable kong saad dito. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa ganitong lugar.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...