Concern

994 31 1
                                    

Nari's POV:

"Delivery po para kay Ms. Choi." Napatingala ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Dito!" Turo naman ng kasama ko sa opisina.

Lumapit ang deliveryman at iniabot sa akin ang Bouquet of Flower.

"Pakipirmahan nalang po." Aniya at pinirmahan ko naman.

"wow. Ang sweet naman. Sino ang sender?" Pang uusisa ng kasamahan ko. Binasa ko ang maliit na papel na nakasiksik doon.

"Jimin." Bulong ko.

Haist!

Nambabadtrip na naman siya!

Matapos sa text heto naman.

"Wow... how to be you Nari. Ang swerte mo at may Sikat kang boyfriend." Tinignan ko lang siya ng masama.

"Pwede ba. Bumalik ka na sa trabaho mo?" Simula nung kahapon hindi na ako tinantanan ng mga fans niya sa Social Media. Tapos may mga death treaths pa akong natatanggap.

*click.

Nagulat ako ng picturan ako ng kasamahan ko sa trabaho.

"Ms. Choi recieve a bouquet of flower from BTS Jimin. Oh di ba? Ang gandang caption.Trending na naman ito!" Aniya.

"Subukan mong i-upload yan, patay ka sa akin." Banta ko dito.

"Tss... edi patay." Aniya at mabilis na in-upload sa internet.

Bwisit talaga!

Ilang minuto lang ay may narecieve na naman akong text mula sa kanya.

"[Do you like it? Haha.]" Kung hindi lang mahal itong cellphone ko kanina ko pa ito nabato.

"[See you later.]" Sunod na text nya.

See you later?

Wag niyang sabihin na pupunta siya dito?

Omo.

Pinatay ko nalang ang phone ko at nilibang nalang ang sarili ko sa pagsusulat ng article.

"Guys... hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si Kang Soo." Rinig kong sabi ng isa kong kasamahan sa trabaho.

Si Kang Soo. Siya yung kasama ko lagi. Hindi ko pa din siya nakikita simula nung iwan niya ako at nahuli ako ng dalawang miyembro ng BTS.

Humanda din siya sa akin kapag nagkita kami.

*tik tak*
*tik tak*
*tik tak*

"3:59" Isang minuto nalang uwian na namin.

Kailangan makauwi na kaagad ako bago pa man siya pumunta dito.

O baka naman pinagtitripan niya lang ako na pupunta siya dito?

*tik tak*

"Alas kwatro na. Guys mauna na ako." Saad ko sa kanila sabay kuha ng gamit ko na kanina ko pa naiayos sa bag ko.

"Nagmamadali? May date?" Pang aasar ng isa.

"Wala akong date! Ma.. may tinatakasan lang." Saad ko sa mga ito at dali-daling lumabas ng building namin.

Sumilip pa ako sa paligid at mukhang wala namang kahina-hinalang tao.

"Hoo! Siguro nanloloko lang iyon." Bulong ko sa sarili ko at lumakad na.

Ilang hakbang pa lamang ako ng may humarang sa akin na grupo ng mga kababaihan. At base sa mga suot nila, mga high school student pa ang mga ito.

"Ikaw ba si Choi Nari?" Mayabang na tanong ng isa.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon