Jon's POV:
"Sigurado kang kaya mo ng magpractice?" May pag aalalang Tanong sa akin ni Saeri habang papasok kami ng BH building.
"Oo naman. Ok na ok na ako." Masigla kong saad dito. Matapos ng event kahapo feeling ko nasa cloud nine padin ako sa sobrang saya ko.
Mabuti nalang at late ng umuwi kagabi ang mga kagrupo ko kaya hindi nila ako napansin na umalis.
"May sakit ka pa yata. Napapadalas ang pagkatulala mo." Puna naman ni Momo sa akin.
"Baka inlove." Pang aasar naman ni Ara sa akin.
"Kayo talaga. Magpractice nalang tayo." Saad ko sa kanila.
"Oh? Sunbae. Good morning!" Napalingon ako sa binati ni Ara.
"Good morning!" Masigla nitong saad.
Naramdaman ko bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya.
"Congrats po sa Comeback niyo." Ani Momo. Hindi naman ako makatingin ng deretso dito.
"Salamat." Aniya. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya lingunin.
Para na akong matutunaw ng makita ko siyang nakatingin din sa akin.
"Kamusta ka na?Balita ko nagkasakit ka daw kahapon. Ok ka na ba?" Pakiramdam ko tuloy uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Ha? Ah.. o-okey na ako." Nauutal ko pang saad dito.
"Heto. Baka sakaling makatulong." Iniabot niya sa akin ang Juice in Can. Naginginig pa yata akong tinanggap iyon.
"T-thank you, sunbae." Nauutal kong saad dito.
"Sige po Sunbae. Mauna na po kami." Ani Saeri.
"Sige. Husayan niyo sa practice niyo. Fighting!" Masigla nitong sabi sa amin.
"Salamat." Maikli kong saad bago lumakad palayo sa kaniya.
Ang puso ko. Parang malalaglag.
My goodness!
---***---
"Ten minutes break." Saad ko sa kanila. Umupo ako sa gilid upang magpahinga nang biglang tumunog ang phone ko.
Chineck ko iyon at notification pala galing sa fandom na finafollow ko sa twitter.
May fanmeeting sila ngayon. Gusto ko sanang pumunta pero nagu-guilty naman ako. Tama na yung isang beses na nagsinungaling ako sa grupo. Ayoko silang magalit sa akin.
"Oh. May fanmeeting sila ngayon?" Tanong sa akin ni Ara matapos niyang makita ang nasa screen ng phone ko. Tumango lang ako bilang sagot.
" Di ba gusto mong pumunta diyan?" Tumango lang ulit ako bilang sagot.
"Sige na. Pumunta ka na." Ani Saeri at inilabas niya ang eyeglas at peluka na suot ko kahapon.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Hindi uubra sa amin ang acting skills mo Unnie. Kailangan mo pa ng practice." Ani Ara.
"Akala mo maiisahan mo kami, halata namang nagpapanggap ka na may sakit." Saad naman ni Momo.
"Sige na. Pumunta ka na. Alam naman namin na patay na patay ka sa one and only Hope mo e." Biro ni Saeri sa akin.
Sa totoo lang naiiyak ako.
"Sorry guys." Lumapit sila sa akin at niyakap ako.
"Masyado ka ng stress sa pagpapractice natin, isipin mo nalang na yan ang reward mo sa lahat ng pagod mo sa grupo natin." Ani Momo.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...