When Oppa Finally Notice You

755 34 0
                                    

Jon's POV:

"Ayan. Siguro naman wala ng makakakilala sayo niyan.?" Aniya matapos akong ayusan.

"Bes,sabihin mo nga. May galit ka ba sa akin?" Seryoso kong tanong pero tinawanan lang niya ako.

"E'hindi ba ang sabi mo gusto mong ayusan kita na hindi ka makikilala ng madaming tao. Oh, ayan na. As you wish." Aniya. Parang gusto ko tuloy siyang sabunutan.

Pinaitim niya ang balat ko, nilagyan ng maikling buhok na peluka at nerdy glass.

Yung totoo? Pinapapanget nya ba ako sa harap ng Idols ko?

"Alam mo, ang arte mo. Kung ayaw mo edi tanggalin mo." Agad ko naman siyang niyakap.

"Ikaw naman. Tampo kaagad. Oo na. Ok na ito. Salamat bestfriend." Paglalambing ko dito.

Tumingin ako sa orasan ng salon at ilang oras na lang ay magsisimula na ang kanilang comeback.

"Bes, aalis na ako. Isesend ko nalang sa account mo yung bayad ko." Saad ko dito at patakbo ng lumabas ng salon.

Nagtakip pa ako ng mukha paglabas ko.

Teka, nakadisguise nga pala ako. Ibig sabihin walang makakakilala sa akin nito.

Lumakad ako ng tuwid.

Minsan talaga ang sarap sa pakiramdam na hindi ka kilala ng tao sa paligid mo. Yung pwede kang maglakad ng hindi ka nililingunan.

Tingin ko mapapadalas ang pagpunta ko sa salon ng kaibigan ko.

Sumakay na ako ng taxi at dumeretso sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang Comeback.

Sa labas ng event venue ay nag aabang din ang iba't-ibang fandom na tulad ko ay sinusuportahan ang kanilang Idol.

"Guys, nandyan na ang BTS." Rinig kong sabi ng katabi ko. Napalingon kaming lahat sa pitong lalake na naglalakad papunta sa entrance door ng venue.

Halos lahat ng tao ay nagsisitilian.

Isa na ako doon. At tulad ng isang fangirl ay pinicturan ko sila.

Matapos nilang dumaan ay naisipan ko ng pumasok sa loob para may mapwestuhan akong maganda. Gusto ko doon sa malapit sa kanila.

At syempre, wag na ting kakalimutan ang lightstick at banner!

Inorder ko pa ito online.

"Malapit na po tayong magstart! Camera 1 Stand by. Emcees, get ready." Live ngayon kaya kailangan maayos ang lahat.

"Paano ba yung chant natin? Nakalimutan ko kung kaninong pangalan ang una." Saad ng katabi ko habang kausap niya ang kapawa ko army.

"Kim Namjoon! Kim Seokjin! Park Jimin! Jung Hoseok! Min Yoongi! Kim Taehyung! Jeon Jungkook! BTS! Ganun Sis." Dinemo ko sa kanya yung chant with action pa ng kamay.

"Ah, ok. Tatandaan ko yan. Salamat." Aniya sa akin.

"Welcome."

"Miss, alam mo pamilyar ka. Nagkita na ba tayo?" Tanong nito habang kinikilatis ang itsura ko.

Patay.

"Ha? Ahm.. hindi. Isa pa first time ko dito.Baka kamukha ko lang yung tinutukoy mo." Pagdadahilan ko dito. At bago pa siya makahula kung sino ako ay nagsimula na ang broadcasting.

"And now, give it up for BTS!" Halos lahat kami ay naghiyawan ng tawagin na ng emcee ang kanilang grupo. Ilang minuto din kaming naghintay na sila ang magpeperform.

Hindi tuloy namin mapigilan ang mapasabay sa kanilang kanta at syemre ang mahiwagang chant namin para sa kanilang grupo.

Lumilikot din minsan ang camera at napupunta sa mga nanunod.

Wag lang sana mahagip ang mukha ko kung hindi lagot ako.

"Waah! Ang saya ko!" Saad ng katabi ko kanina matapos ang Comeback nila. Palabas na kami ng venue at hetong katabi ko ay masyadong friendly. Kanina pa ako kinakausap sa loob.

"Ano ngang pangalan mo Unnie?" Tanong niya sa akin.

Omo.

"Chon." Saad ko dito.

"Ako naman si Shin at siya naman si Yong." Tinuro niya ang kaibigan niya.

"Sali ka sa fansclub namin. Masaya doon. " Saad ni Yong.

"May mga ginagathered din kaming event na exclusive sa mga Army."dagdag naman ni Shin.

"Ah, s-sige." Pang sang ayon ko sa kanila. Wala namang masama kung sasali ako sa kanila hindi ba?

"Oh? Unnie! Palabas na ang BTS! Dali! Doon tayo sa unahan para makapagpa autograph tayo." Masyadong hyper ang isang ito. Kulang nalang ay kaladkarin niya ako papunta sa unahan.

"Jimin!" Sigaw niya. Jimin stans pala siya.

"Jungkook!" Gumaya naman si Shin sa ginawa ni Yong.

"JHope! Saranghae!" Nakigaya nadin ako at Nagform pa ako ng heart sign.

Nagulat ako ng bigla itong lumingon sa akin at ginaya ang ginawa kong heart sign.

"Omo! Oppa notice you Unnie!" Tinulak pa niya ako sa sobrang kilig niya para sa akin.

Omo.

He finally notice me.

---***---

JHope's POV:

"May napansin ba kayo kanina sa audience?" Tanong ko sa kanila habang nagbibihis kami. Kakatapos lang namin magperform at successful naman ang lahat.

"Oo. Madaming Army." Saad ni V.

"Ano ka ba. Hindi iyon. Parang may nakita akong babae na pamilyar sa akin." Saad ko sa kanila.

May kamukha kasi yung isang audience na nakapwesto sa may unahan. Madali ko siyang nakita dahil malapit siya sa stage.

"Alam mo. Pagod ka lang. Tara na. " ani Suga matapos naming magbihis.

Dumaan kami sa main entrance. Nandoon kasi yung sinasakyan namin. Paglabas namin ay nandoon pa din ang mga fans namin.

"Jimin!" Narinig namin na may sumigaw noon. Napalingon lang sa likod si Jimin at nag wave sa mga fans namin.

"Jungkook!" Tulad ni Jimin ay kumaway lang din ito.

"JHope! Saranghae!" Narinig ko na may nagsabi noon.

Wait,

Yung boses, parang pamilyar.

Narinig ko na iyon dati.

Lumingon ako sa likod at nadatnan ko ang isang babae na nakaheartsign.

Tinignan ko siya ng maigi.

Siya yung nasa audience.

Humarap ako sa kanya at ginaya ang heartsign na ginawa niya.

"Let's go guys." Ani Jin at sumakay na kami sa sasakyan.

"Waah.. nakakapagod ang araw na ito." Ani Namjoon.

"Oh? Hyung! Yung sinasabi mong pamilyar na babae, parang alam ko na kung sino ang kamukha." Napalingon ako kay Jungkook.

"Sino?" Tanong naman ni V dito.

"Si Noona Jon." Aniya.

Bigla akong napaisip. Mula sa aking imahinasyon ay inisip ko ang itsura ni Jon at ng babae.

May pagkakapareho nga sila pero mas tan ang balat ng babae at maikli ang buhok.

"Kaboses niya din." Puna naman ni Jimin.

"Baka naman namimiss mo lang yung tao. Tara, puntahan natin sa BH building." Biro naman ni V sa akin.

"Wala siya doon. Absent siya. Ang sabi ng manager niya may sakit." Singit naman ng aming manager na nagmamaneho.

May sakit siya?

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon