Yoongi's POV:
*The number you have dial is unattended or out of coverage area, please try your call later. The num-*
Bakit ba hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina pa ako nagda-dial dito. Halos mamaga na ang hinlalaki ko sa kakapindot sa screen ng number niya pero hindi nya sinasagot.
"Hyung, mamaya ka na magcellphone. Magpapractice na tayo." Ani Jungkook sa akin.
Kapag ako nainis, ibabato ko itong cellphone na ito.
"Wait lang." Tinext ko nalang muna sya.
¤¤¤
To: Yuri ♡YAH! BAKIT HINDI KA SUMASAGOT SA TAWAG KO? HA?
¤¤¤
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa ding text na dumadating sa akin.
Aish! Pinapainit niya talaga ang ulo ko.
"Hyung! Ano ba!" Isa pa itong ilong na ito.
"Oo na! Nandyan na!" Sigaw ko dito.
---***---
Yuri's POV:
Walanghiya siya.!
Dapat sa kanya hindi na nabuhay sa mundong ito.
Dapat sa kanya ay nilulubog sa kumukulong mantika.
Dapat sa kanya sinasakal.
Dapat sa kanya hindi pinapatawad!
"Hi. Can I join you?" Nandito ako sa bar at naisipan kong uminom ngayon. May nag Approach sa akin na mga lalake pero wala akong paki alam sa kanilang presensya.
Sa sobrang galit ko ay naibato ko ang hawak kong baso.
Hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman ko. May anak na pala siya! Tapos yung paborito ko pang estudyante ang anak niya.
Bakit?
Bakit hindi niya sinabi na may anak na siya? At Bakit sa dinami rami si Ami pa?
Kung sa bagay, kasalanan ko din. Kung hindi lang ako lumayo sa kanya noon siguro mag asawa na kami ngayon at may sariling anak.
"Waaaah!!!!" Sigaw ko at tinungga ang alak na nasa harapan ko.
---***---
Yoongi's POV:
*The number you have dial is unattended or out of coverage area, please try your call later. The num-*
Ano ba! Bakit hindi niya pa sinasagot.
"Suga, may problema ba? Sino yang tinatawagan mo?" Tanong sa akin ni Namjoon. Nasa BH Building pa lang kami at pauwi na ng Dorm.
"Si Yuri."Kanina pa ako tumatawag pero wala pa ding sumasagot.
"Aigoo... for the first time, ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan sa babae. Wow. That girl is so lucky!" Sa tono ng pananalita ni JHope parang inaasar niya ako.
"Let's go!" Ani Jin. Pasakay na ako ng van namin ng biglang nagregestered ang number niyabsa phone ko.
Sa wakas, tumawag na din.
Agad ko iyong sinagot.
"Yah! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Ha?" Sigaw ko dito.
["Yah? Wow! Ang lakash ng loob mong tawagin akong Yah? Sino ka ba? Ha? Kilala ba kita? Sino ka!!"] Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya.
Bakit ba siya nagagalit? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag ko.
"Bakit ka ba nagagalit?" Tanong ko dito pero hindi agad siya nakasagot.
"Hello? Yuri?"
"[Good evening po Sir pwede po bang pakisundo po ang girlfriend niyo dito sa bar namin? Naktulog na po siya sa kalasingan.]" Hindi ko napigilan na sipain ang gulong ng sasakyan namin.
Bwisit! Bakit siya naglasing?
Takte!
"Hyung? Anong problema?" Tanong sa akin ni Jungkook na nasa loob na ng sasakyan.
"Halika na. Umuwi na tayo." -Jimin.
"Susunod na lang ako. May pupuntahan lang ako sandali." Saad ko sa kanila at nagmadaling pumara ng taxi.
Tinext sa akin ng kausap ko kanina sa cellphone ang address ng club na pinuntahan nito.
Agad ko naman siyang hinanap ng makapasok na ako sa loob ng club. Maingay ang lugar at masakit sa ulo ang mga ilaw na namamatay-sindi.
Ngayon ko lang nalaman na pumupunta pala siya sa mga ganitong lugar.
"Ano ba!! Bigyan niyo pa ako ng alak! Isa pa!" Kahit may kaingay sa loob ng club ay nangingibabaw ang pamilyar na boses na iyon. Tumingin ako sa babaeng humihingi pa ng alak. At hindi ako nagkamali kung sino iyon.
Agad akong lumapit sa kanya at kinaladkad siya palabas sa maingay na lugar. Dahil na rin sa kalasingan ay madali ko siyang naipasok sa loob ng sinasakyan kong taxi.
"Are you out of your mind? Bakit ka nagpakalasing ha?" Sigaw ko dito.
"Gushto ko pa ng alak... bigyan niyo ako ng alak.." Napahawak na ako sa ulo ko dahil sa inis sa babeng ito.
"Yah.."
"Ano ba! Hindi nga ako si Yah! Yuri.. Yuri ang pangalan ko! Yuri!!" Sigaw niya.
Aish!! Walang silbi kung makikipag usap ako sa kanya ng langok sa alak.
"Oo na. Yuri." Mahina kong sabi.
Tumahimik na din siya. Siguro ay pagod na siya sa kakawala.
Ilang sandali lang ay narinig ko na siyang umiiyak. Tumingin ako sa kanya. Ano na namang kdramahan ito?
"Waaahhhh!! Bakit mo nagawa iyon sa akin! Huh? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Bakit!" Ngayon ay hinahampas na niya ako sa dibdib gamit ang kamay niya pero mahina lang iyon.
"Bakit sa dinami-rami ng estudyante ko si Ami pa? Bakit?" Napakunot noo ako sa sinasabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong tanong dito.
"Alam ko na ng lahat. Alam ko na ikaw ang Ama ni Ami." Napalaki ang mata ko sa sinabi nya.
Ano?
Sinabi ni Ami sa kanya iyon?
Hindi ko mapigilan ang mapakuyom ang palad ko.
AMI!!!!!!
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanficIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...