Am I the Father?

1.3K 41 4
                                    

"Please. Make it privately." Saad ni Mr. Bang sa lalakeng kasama niya matapos kaming kuhaanan ng Blood Samples.

Nandito pa din kami sa Dorm. Matapos naming kumain ay dumating na si Mr. Bang at kasama ang kumuha ng Dugo sa amin.

"It takes Four to Six weeks bago malaman ang resulta sa ngayon ay maghintay na lang muna tayo." Paliwanag ni Mr. Bang.

"What? Wag mong sabihing iyon din ang linggo na mag i-stay siya sa Dorm namin?" Gulat na saad ni Mr. Suga.

"Yes." Tipid nitong sagot.

"Oh no!" Reklamo nito.

"Oh Yes!" Masayang pahayag naman ng makulit na Miyembro. Napatingin silang lahat sa kanya.

"Oh! Come on! Minsan lang magkaroon ng bisita sa Dorm. Ang Kj niyo naman." Aniya.

"Ehem.." Ngayon ay nasa akin na ang attensyon nila.

"Wag po kayong mag alala, hindi po ako magpapasaway! Promise! Tutulong po ako sa mga gawain dito. Masipag po akong maglinis,maglaba,mamalantsa.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may sumingit sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi ka naman katulong dito." -Mr. Jin.

"Oo nga, anak ka namin." -V.

"V!" Sabay sabay at May protestang saad ng anim na miyembro.

Naparolyo na lamang ito sa reaksyon ng kanyang mga kasamahan.

"Ok. Set aside muna natin ang problema niyo. Sa ngayon, kailangan niyo ng pumunta sa Studio for Dance Practice..." Ani ni Mr. Bang.

"And Ikaw Ms. Han. Dito ka lang sa Dorm. Bawal kang lumabas at bawal na bawal kang makita ng mga tao na lumabas ka galing sa Dorm na ito. Ok?" Tumango ako sa sinabi ng Boss nila.

"Ok! Kilos na! Tumatakbo ang oras." Aniya at kanya-kanya na silang ayos sa kanilang mga sarili.

"May pagkain sa ref, kapag nagutom ka magluto ka nalang." Saad ni Mr. Jin.

"Kung Bored ka, buksan mo lang yung T.v."-Mr. JHope.

"May stuff toys ako sa Kwarto, pwede mong laruin yun." -Mr. V.

"Hyung, hindi na siya bata para sa Stuff toys."-Mr. Jungkook.

"Ganun ba?" Napakamot pa ito sa ulo.

"Tara na! Late na tayo sa Practice." -Mr. Suga.

"Lock the door. Wag kang magbubukas ng basta basta ng pinto okay And one thing, kapag may emergency tawagan mo ako sa landline, nandun na sa table ang contact ko got it?" Paalala naman ni Mr. Namjoon. Tumango naman ako .

"Bye." Paalam naman ni Mr. Jimin sa akin.

"Bye po! Ingat po kayo!" Paalam ko sa kanila. Tumahimik ang paligid ng lumabas na sila ng Dorm.

Ako na lang ang mag isa ngayon.

Ano bang pwede kong gawin?

Tumingin ako sa paligid.

Hindi ko mapigilan ang mapangiwi.

Parang dinaanan ng bagyo ang buong Dorm.

"*sigh* Kahit sabihin nilang wag akong maglinis mukhang mapapalinis pa din ako." Bulong ko sa sarili ko at tinignan kung ano ang pwede kong unaahing linisin.

---***---

NamJoon's POV:

"Tingin niyo tayo talaga ang Tatay ng batang iyon?" -JHope.

"Syempre hindi. Halata namang nagsisinungaling yung bata." -Suga.

"Hindi ko alam. Paano ako naging tatay?"-Jungkook.

"Daebak! Isesearch ko sa google kung paano maging Tatay." -V.

Nasa Cargo Van kami at patungo na sa studio pero palaisipan pa din ang pagdating ng batang iyon.

"Hindi ba naging Girlfriend mo si Han Hye?" Bulong sa akin ni Jin pero kahit bulong iyon ay narinig iyon ng lahat ng nasa Cargo Van.

Napapikit ako sa sinabi niya.

"Hyung, naging Girlfriend mo si Noona? Bakit parang hindi ko alam yun." Tanong sa akin ni Jungkook.

"Oo nga. Kahit ako hindi ko din alam." -V.

"Baka ikaw ang tunay na Daddy."-JHope

"Ok..hindi na si Hyun Jin, ikaw na ang Daddy niya. Congrats." Walang ganang sabi ni Suga.

"Hindi porque naging kami ay ako na agad ang ama." Dahil hindi ko din alam talaga. Wala akong maalala nung gabing iyon.

Naging girlfriend ko siya habang trainee siya pero sikreto lang iyon dahil ayaw ng mga Boss namin ang may karelasyon sa trabaho dahil malaki ang epekto iyon sa aming career.

Nasa tapat na kami ng BH Building nang may napansin kaming Babae na kausap ang guard.

"Teka. Pamilyar yung babaeng iyon oh?" Saad ni JHope. Lahat kami ay tinitignan ng mabuti ang babaeng tingin ko ay nakikipag away na sa guard ng aming Building.

"Si Noona!" Sigaw ni Jungkook.

"Pasaway! Bakit nandito yan!" Reklamo ng aming Manager at tinigil ang sasakyan.

"Walang bababa. Dito lang kayo." Aniya at nauna ng bumaba sa amin.

Sinundan ko ng tingin ang Manager namin. Hindi ko marinig kung ang pinag uusapan nila. Maya-maya'y lumapit siya sa sasakyan namin at galit na kinatok ang Cargo Van namin.

"Omo!" Gulat ni Jin dahil sa ginawang pagkatok ni Han Hye.

"Buksan mo ito! Kundi mag eeskandao ako!" Aniya. Kahit tinted ang salamin ay pakiramdam kong nakikita niya ako sa loob.

Tumingin muna ako sa paligid. Mukhang wala namang paparazzi na nakasunod bago ko binuksan ang pintuan ng Cargo Van.

"Nasaan si Ami? Ilabas mo. Alam kong nandito lang siya." Aniya sa mahinang boses pero ramdam ko na nagpipigil lang siya ng galit.

Tumingin siya sa loob ng Van na wari'y hinahanap doon si Ami.

"Nasaan ang Anak ko? Huh? Nasaan?" Ngayon ay napaluha na ito sa harap namin.

"Han Hye. Please. Wag kang mag eskandalo dito baka may makakitang Paparazzi." Saad ng Manager namin.

"Wala akong Pakialam! Basta ilabas niyo siya!" Pasigaw niyang sabi.

Hindi ko na napigilan kaya lumabas ako ng Van at hinila siya papasok ng Building.

"Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!" Pumipiglas siya pero mas malakas ako sa kanya kaya hindi niy magawang tanggalin ang pagkakakapit ko sa kanya.

Nang marating ko ang Opisina ko ay doon ko siya binitawan at kinausap.

"Ako ba ang Ama ni Ami?"

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon