Father's Responsibility

852 37 1
                                    

Hye's POV:

"Ok ka lang?" Hindi ko sinasadyang mabasag ang baso na hinuhugasan ko habang nagtatrabaho ako sa restaurant ng kaibigan ko.

"Oo. Ok lang ako." Saad ko dito.

"Sabi ko naman sayo na hindi mo na kailangang gawin ito. May gagawa naman niyan." Saad niya sa akin.

"Wala pa namang ibang costumer. Isa pa, nililibang ko lang ang sarili ko." Namimiss ko na ang Anak ko at matagal ko na syang hindi nakakasama.

Ilang saglit lang ay may tumatawag sa cellphone ko. Rumehistro doon ang number ng guro ni Ami.

"Hello?" Panimula ko. Biglang nanlambot ang tuhod ko dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

"Anong problema Hye?" Tanong ng kaibigan. May namuong luha sa mata ko dahil sa sinabi ng guro sa akin.

"Na-nasa Ospital si Ami." Emosyonal kong saad dito. Agad naman niya akong itinayo at siya na ang nagtanggal ng apron na suot ko.

"Ano pang ginagawa mo? Puntahan mo na si Ami!" Aligaga nitong saad sa akin.

Nagmadali naman akong pumunta sa nasabing Ospital.

---***---

Yoongi's POV:

"Congrats Guys! Well done!" Nagpalakpakan kaming lahat dahil tapos na kami sa shooting at practice.

Bukas na ang pinakahihintay naming araw.

Ang aming Comeback.

"Siguraduhin niyong magpapahinga kayong lahat para may lakas kayo bukas." Saad ni Mr. Bang sa amin.

"Suga, kanina pa nagriring yung phone mo." Ibinigay naman sa akin ni Mr. Manager ang phone ko.

"Oh no! Si Yuri!" Lagot ako. Ang dami na niyang missed call sa phone ko.

"Hello Yuri? Sorry nga-" hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng may sabihin siya sa akin.

"Ano!?" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya naman nagsilapitan sa akin sina V.

"Ok. Sige papunta na ako." Saad ko bago ibinaba ang tawag.

"Anong nangyari? Sino yung kausap mo?" Tanong sa akin ni Namjoon.

"Si Yuri. Ang sabi niya nasa Ospital ngayon si Ami. Nawalan ng malay siya ng malay kanina sa School. Pupuntahan ko lang." Saad ko sa kanila.

"Sandali, sasama ako. Gusto kong makita si Ami." Ani V.

"Pupunta din ako."- Jimin.

"Ako din. Sasama." -JHope.

"Kung lahat nalang kaya tayo." -Jungkook.

"Ano ba kayo? Hindi niyo ba narinig yung sinabi ni Mr. Bang kanina? Kailangan niyo ng pahinga para bukas. " Saad ng Manager namin pero walang makakapigil sa amin. Pupunta kami dahil nag aalala kami.

"Manager, ngayon lang ito." Ani Namjoon sa aming manager.

"Oh sige na." Sa wakas at pumayag din siya.

Bago kami pumasok sa loob ng Ospital ay nagsuot muna kami ng Facemask. Mahirap na baka pagkaguluhan pa kami dito.

"Nurse, Anong room ni Han Ami?" Tanong ni Namjoon sa Nurse na nasa nursing station.

"Room 323 sir." Aniya. Tumingin pa ito sa ami  na parang kinikilatis kami. Agad naman kaming pumunta dahil baka pagkaguluhan pa kami.

Naabutan naming nag uusap si Yuri at Han Hye habang wala pa ding malay si Ami.

"Yuri." Lumapit kami sa kanila.

"Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko ah?" Galit nitong sabi sa akin.

"Sorry. Busy lang kanina." Paliwanag ko dito.

*slap

Malakas na sampal ang ibinigay ni Han Hye kay Namjoon na ikinagulat naming lahat.

"Akala ko ba kayo ang bahala sa anak ko? E ano ito? Bakit nangyari ito sa anak ko?ha? Sagutin mo ako!" Umiiyak na ito habang hinahampas sa dibdib si Namjoon.

"Noona.." Pinipigilan siya nila V sa paghampas nito kay Namjoon.

"Ma.." Mahinang tawag nito sa Mama niya. Napalapit kaming lahat sa kanya.

"Ami? Anak." Aniya. Ilang saglit lang ay pumasok na ang Doktor at ang nurse.

"Oh? Parang kilala ko kayo?" Saad ng nurse. Tinanggal kasi namin yung Facemask namin noong pumasok kami sa loob ng kwarto.

"Sino po ang magulang ng bata?" Tanong ng Doktora.

"Ako." Maliban kay Yuri ay nagtaasan kami ng kamay.

Napakunot noo tuloy ang Doktor at ang nurse na kasama nito.

"Ako po yung Nanay ng bata. " Lumapit si Han Hye sa Doktor.

"Wag na po kayong mag alala Misis. Na-over fatigue po ang bata. Ang kailangan lang po niya ay pahinga." Saad ng doktora.

"At kung maaari ay iwasan niya po ang pagpupuyat at mag skip ng meals niya. Yun lang, bukas ay pwede na siyang makalabas." Nakahinga na kami ng maluwag sa sinabi ng doktor.

"Thank you Po Dok." Saad nito at lumabas na din ang doktor.

---***---

Namjoon's POV:

"Narinig mo ang sinabi ng doktor hindi ba? Kailangan mong magpahinga." Saad ni Han Hye kay Ami.

Tumingin si Ami sa amin.

"Bukas na po ang Comeback niyo hindi po ba? Dapat po nagpapahinga na kayo  sa Dorm." Aniya.

Nagawa niya pang mag alala sa amin samantalang dapat kami ang gumagawa nun sa kanya.

"Ano ba Ami, Ikaw nga ang inaalala namin." Saad naman ni V.

"Magpahinga ka ng mabuti. Bukas ipapaalam din namin kay Mr. Bang ang lagay mo." Saad naman ni Jin dito.

"Namjoon, gabi na baka pwedeng ihatid ko na kayo. Malalagot ako nito kay Mr. Bang." Saad ng Manager namin.

"Ok lang po ako dito. Umuwi na po kayo." Nakangiting saad ni Ami.

"Magpahinga ka ok? Kailangan may lakas ka bukas." Ani JHope.

"Opo. I-che-cheer ko pa kayo bukas e." Aniya.

"Tara na." Pangyayaya ni Mr. Manager.

"Dito lang ako." Lahat sila ay napatigil sa paglalakad.

"Namjoon?" -Jin.

"Gusto kong bantayan si Ami." Direkta kong sagot sa kanila.

Parang hindi ko sya kayang iwan sa lagay niya.

"Responsibilidad ng isang tatay ang bantayan ang anak niya." Saad ko sa kanila.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon