Ami's POV
"Cancel ang tour para bukas."
"Pati yung fansigning pinacancel ni Mr. Bang."
Papasok na ako sa loob ng marinig ko na nag uusap silang pito.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng Dorm.
"Ami!" Masiglang bati sa akin ni Mr. V.
"Good evening po." Bati ko sa kanila. Bakas sa mata nila ang pag aalala sa akin.
"Ami, ok ka lang ba?" Tanong ni Mr. Jin sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid dito.
"Matutulog na po ako." Saad ko sa kanila at tumungo sa sofa para mahiga. Tumalikod ako sa gawi nila.
"Ami..." Narinig ko na tawag sa akin ni Mr. Jimin.
"Jimin, hayaan muna natin siyang magpahinga." Ani Mr. Namjoon dito.
"Kailangan na din nating magpahinga." Ani Mr. Suga. Ilang saglit lang ay natahimik ang buong sala. Siguro ay tumungo na siguro sila sa kanilang kwarto.
Umayos naman ako ng higa at humarap ako sa gawi ng telebisyon. Laking gulat ko naman ng makita kong nasa harap at nakatitig sa akin si Mr. V.
Nakanguso pa itong nakatingin sa akin.
"Hindi ka ok." Aniya. Pumikit ako at kunwari ay hindi siya nakita pero ilang saglit ang ay may tumatakas na namang luha sa aking mata.
Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko.
"Ami. Wag ka ng umiyak." Aniya habang nakapikit ako. Narinig ko ang mahina niyang pagsinghot.
"Kasalanan ko po. Kung... kung hindi dahil sa akin hindi po ito mangyayari sa inyo." Mas lumakas na ang pag iyak ko. Umupo ako at tumabi naman sa kin si Mr. V para yakapin ako.
"Ami, wala kang kasalanan." Saad nito. Narinig yata ng ibang member ang pag iyak ko kaya lahat sila ay nagsilabasan ng kwarto nila at lumapit sa akin.
"Ami. Wag mong sisisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan sa mga nangyayari." -Mr. Jungkook.
"Isa pa, darating talaga ng araw na ito pero wrong timing lang."- Mr. Suga.
"Ami. Wag ka ng umiyak ah? Smile ka na. " -Mr. Jin.
"Alam ko na para sumaya ka."Ani Mr. JHope.
Iginilid niya ang lamesang nasa gitna at kumuha ng unan at kumot sa kwarto.
"Hindi natin natuloy ang matulog dito sa sala hindi ba? Ngayon ay matutuloy na." Aniya at inayos ang pwesto.
Hindi nga pala natuloy iyon dahil dumating si Mr. Jackson.
"Halika na Ami. Tabi tayo." Ani Mr. V. Humiga naman ako gaya ng sabi nila.
"Gusto mong kantahan ka namin para makatulog ka?" Ani Mr. Jungkook.
"Ano pong kanta?"
"Cypher 4!" Mabilis na sa sagot ni Mr. V.
"Aish! V! Hindi naman pampatulog iyon e!" Ani Mr. Jimin at tinadyakan pa ito.
"Aish! Bakit ba ang damot niyo sa kantang iyon? Maganda kaya!" Aniya.
Habang nagkukulitan sila ay nakaramdaman na ako ng antok.
---***---
Gaya ng nakasanayan ay maaga akong pumapasok sa school. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga issue.
Papasok na ako sa gate ng mapansin ko na may mga taong nakaabang sa gate nito. May dala silang mga camera at microphone.
"Guys! Nandito na siya!" Sigaw ng isa sa kanila at tumakbo papunta sa pwesto ko. Sa madaling salita ay dinumog nila ako.
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...