Chapter Three

644 23 0
                                    

Palihim siyang pumasok sa loob ng lab nang walang nakakapansin sa kanya. Mga med students lang kasi ang may permission na makapasok sa building lalong lalo na sa lab. At ang pag-trespass niya is a clear example ng pag-violate sa orders. Di bale basta walang makaalam safe siya. Halos lahat ay nakaputi at may suot na mask. Obviously kasi nga lab yong pinasok nya. Dahil masyadong noticeable ang suot nya, kelangan nyang mag-disguise kaya naman dali-dali syang nagpunta sa storeroom para kumuha ng sariling lab coat. Yong suot nyang nerdy glass e wa epek sa lugar na yon. Hindi naman sya mukhang med student dun e. Para lang syang isang estudyante na walang alam kundi umupo sa computer na naligaw sa building na yon.

Pansin nyang nagkalat ang mga surveillance cam sa loob. One good reason for him to do it fast and with caution. Matagal na nyang ginagawa ang pag-breach sa mga restricted areas kaya naman mabilis rin syang nakarating sa storeroom ng walang kahirap-hirap. Binuksan niya ang pinto at agad na nagtago sa mga naka-stack na kahon sa may gilid ng kwarto. May tao pa pala sa loob. Base sa hawak-hawak nitong records sa kamay, walang duda nag-checheck ito ng mga stocks and paraphernalia. Fully air-conditioned ang kwarto, composed of ten rows of racks na naglalaman ng mga lab equipment at kung anu-ano pang mga bottled chemicals. Gusto man niyang inspeksyunin yon lahat, wala naman syang time para gawin yon. Sa dami ng stocks, may mga cabinets pa na naka-pinned nalang sa upper wall na halos sagad na sa ceiling. Anong science projects kaya ang ginagawa ng mga ito at halos mapuno na ng mga sari-saring bagay ang napakaluwang na kwarto na ‘to.

When everything was safe, agad siyang kumuha ng sariling lab coat saka naglagay ng mask galing sa isa sa mga cabinets sa gilid. Iniwan nalang niya yong backpack niya sa dati niyang pinagtaguan. Hassle pa kung dadalhin-dalhin nya yon. For the last touch of disguise, Stephen draw out his med student ID which, obviously a forge one pero wala namang makakapansin noon kung hindi titingnang mabuti. Siya mismo ang gumawa nun. Expert na kaya siya sa pamimeke. Pwede na nga siyang kasuhan ng falsification of classified documents e. Matagal na rin kasi niyang pinagplanuhan na pasukin itong lab. Inabot kaya siya ng five hours sa pagdedecide. Matagal na yon para sa kanya.

He hold his breath and went into the crowd. Busy ang lahat working with their own businesses kaya walang nakapansin sa kanya. These individuals spent most of their time conducting their own researches and experiments. Curious tuloy siya kung anong experiments yon. Stephen took the stairs and surveyed the whole place. Kahit na may elevator, mas pinili nya yong stairs. Bawat floor pala may kanya-kanyang research labs tsaka storerooms. Yong ibang floor reserved at walang gumagamit. Mga modern-day, heavy laboratory equipment lang ang nakalagay doon. Mukha namang pangkaraniwan at tipikal na lab lang ang makikita nya sa lugar na yon. He made his way back para maghanap ng perfect spot para mag-spy. Gusto lang nyang makiusyoso kung anong trip ng mga med students na ‘to. He magnified the lens and gazed as the students mixed, transfer and measured the chemical contents of their respective researches. Isang pamilyar na mukha ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Christopher Gregory. Yong mayabang at epal na lalaki kanina. What is that guy doing in a place like this? He was not even a medical student. At nakikipag-usap pa ito sa isang med student na siguro e kilala nito. Seryoso pa ang mukha. They seemed to be conversing about some serious matters too. Stephen tapped something on his watch. The device on his ear emitted a red light then fade after a few sec. Sa mga pagkakataong ganito ginagamit ang XG watches ng Intel. And mostly, useful naman. Gusto nya sanang ipakita ito kay Nicholas pero hindi pwede. Ok na siguro kung hanggang picture lang muna ang nerd na ‘yon.

“Ready na ba ang lahat?” Boses ni Christopher. Sumang-ayon naman ang kausap nito and Christopher headed for the stairs na papunta sa kinatatayuan nya. Mukhang in good mood ito base sa mga ngiti sa mukha nito. Some med student girls halted, eyeing on the punk. May pag kindat pa ang mokong sa mga ito. Sinundan naman ng mga pigil na tilian.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon