Chapter Eleven

511 19 1
                                    

Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin nakakausap ng maayos ni Paige ang nerdy-geek na yon. Lagi nalang siyang maagang umaalis at dedmahan rin sila sa loob ng klase. Lagi nalang si Nicholas ang kasama niya tuwing class breaks nila. Kapag uwian naman, nauuna rin siyang umuwi dito at gabi na rin itong dumadating sa suite kaya kadalasan e tulog na siya at hindi na ito nahihintay pang dumating. Buti nalang at binigyan siya nito ng duplicate key dahil kung hindi baka nilamok na siya kakahintay dito. Or worst, baka sa labas na siya matulog.

Past 10:00 na ng gabi pero hindi pa rin dumadating si Stephen. Ang tagal namang dumating nun. Saang lupalop ba ng daigdig yon nagpupupunta? Gusto sana niya itong kausapin tungkol sa part time job nya pero mukhang mauuna na siyang dalawin ng antok bago pa ito dumating.

***

1:00 AM. Marahang binuksan ni Stephen ang pinto ng suite. Papasok na siya sa kwarto ng mapansin niya si Paige na nakasubsob ang mukha sa mga braso nito. He suddenly smiled and wagged his head in disbelief. Nagbago na pala ang position ng pagtulog ng isang to. Dahan-dahan niyang iniayos ang higa nito sa sofa saka kinuha ang kumot sa tabi nito. Nakaramdam nalang siya ng biglang pagkahilo kaya naupo muna siya sa tabi ni Paige dahil na rin siguro sa fatigue at pagod sa byahe. Bumisita pa kasi siya sa command base ng Intel para personal na mag-report sa daloy ng imbestigasyon niya. And as expected, iginisa siya ng superintendent niya dahil sa kawalan ng intact communication sa mga ito. Kahit kailan talaga hindi na nasanay ang mga ito sa kanya. Hindi naman niya kakailanganin ng tulong kung hindi pa kinakailangan. Napabuntong-hininga na lamang siya habang hinihilot ang noo. Napasulyap siya sa tulog-mantikang nilalang sa tabi niya. Then, a smile flashed on his face for no apparent reason at huli na ng malaman nya ito. Is he gone insane o nakukyutan lang talaga siyang pagmasdan ito habang natutulog? Kinuha niya ang cellphone at saka ito kinunan ng clear shot saka dumiretso na kwarto para magpahinga.

Sunod-sunod na tawag naman sa cellphone ang gumising kay Stephen ng sumunod na araw. 7:30 palang ng umaga at hindi pa iyon ang oras para magising siya. Wala naman silang pasok sa ganoong araw kaya naman sinusulit lang niya ang oras pero ito at may nangungulit na sa kanya. Ilang gabi na rin siyang puyat dahil sa pagreresearch ng kung anu-anong bagay na lalo lamang nagpagulo sa utak niya. Handling three major cases at the same ay sadyang nakaka-frustrate.

“Speaking.” Tamlay nyang sagot sa kausap. Bahagya pang nakapikit ang mga mata niya at sapo ang noo. Hindi na niya nagawa pang tingnan ang caller ID nito. Bilang lang naman ang contacts niya kaya tiyak na makikilala nya ito kahit boses palang.

“Good morning!” Energetic na bati ng nasa kabilang linya. “Nagising ba kita?”

He forcibly smiled. “Ok lang. Umaga na rin naman e. Bakit ka nga pala napatawag?”

“Na-miss kita e.” Narinig niya ang pagtawa nito. “Guess what?”

Napakunot-noo si Stephen. “What?”

“Nandito ako sa airport. Meet me in thirty minutes.”

Bigla siyang napabangon sa kinahihigaan ng marinig ang sinabi ng fiancée niya. Airport? Is she damn serious? Ano naman kayang ginagawa ng business-oriented fiancée niya sa bansa? What good reason had made her left her career all of a sudden? With a frown, Stephen asked. “Kailan ka pa dumating?” Marami pa siyang gustong itanong pero first things first.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon