C15.2

431 18 3
                                    

Hindi niya alam ang mismong tinutukoy ng superintendent niya. Is she suspecting him that he had a relation with Paige Williams? Wala nga pala itong alam sa pribadong buhay niya kaya tamang hinala lamang ito. He set a playful yet contemptuous smile on his face. “Parehas pala ang favorite subject natin,” sabi pa ni Stephen saka sinundan ng buntong-hininga. “Wala na akong pakialam kung ano ang iniisip nyo. Just leave her alone. Alam ko ang ginagawa ko.” Masasayang lamang ang oras niya kung pipilitin niyang sabihin nito ang buong motibo sa nangyari. Ang mahalaga naiparating nya ang pagkadismaya sa ginawa ng mga ito.

Akma nang aalis si Stephen ng magsalita ang superintendent niya. “Hindi mo alam ang ginagawa mo agent!” Tumayo na ito sa kinauupuan at hinarap siya. “Malinaw ang usapan natin ng ipahawak ko sayo ang kasong yan. Strictly no contact with anyone of no association with the case itself by any means! Pero anong nangyari? Nalaman ko nalang na may kasama ka na sa unit mo na isang private citizen na labas sa mga kasong hawak mo! Paano mo ipaliliwanag ang lahat ng yon agent?”

He just kept his silence. Alam nyang may mali rin siya pero kaya naman niyang lusutan ang mga ito. Isa pa, tao pa rin siya at may konsensya. Hindi naman niya pwedeg hayaan nalang na matulog kung saan-saan ang isang taong humingi na sa kanya ng pabor. Hindi rin naman siya makakatulog ng maayos sa gabi kapag nabalitaan na lamang niya na may masamang nangyari sa isang tao na humingi sa kanya ng tulong kahit na maliit na bagay man lang. Hindi rin niya kayang baliwalain ang isang taong wala ng pamilya at kaibigang malalapitan. He was risking his job? Yes. But he has still control over the situation. Lagi nalang siyang naiipit sa sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili. Gagawin ba niya ang tama o gagawin ang bagay na alam niyang tama? Parang parehas lang. Though, the differences are quite massive. Alam ni Stephen na hindi ito maiintidihan ng superior niya. For a woman with a high expectation over her deputies? It was a sure thing.

“Malinaw na nilabag mo ang decorum. At kapag nalaman ito ng ibang high-ranking officials ng Intel… tyak na parehas tayong maliligpit. Alam mo ba yon?” sabi pa nito saka umiling. “Isa ka nga sa best agents ko pero ikaw ang kaisa-isa at bukod-tanging nagbibigay ng sakit ng ulo sa akin.”

Ngumiti lamang siya. At least, he finds himself unique. “I know what I am doing. Hindi nila malalaman kung hindi mo sasabihin.” Wala na siyang magagawa. It happened. And both of them should deal with it.

“Hindi mo alam ang gulong pinasok mo. And you’re telling me now that you know what you’re doing? I doubt it.” Mariing sabi ni Victoria saka bumalik na sa kinauupan nito. “Kung nagmamalasakit ka sa babaeng yon, alisin mo sya sa buhay mo ngayon palang agent.”

“I will. Hindi pa lang sa ngayon,” kampanteng sabi niya.

Sumulyap ito sa kanya. “Kelan pa? Kapag nahulog na ang loob mo sa kanya? This is the right time, Stephen. Malinaw naman sayo kung anong trabaho meron ka at kung gaano kakomplikado ang mga kasong hawak mo. Wag mo nang isugal ang buhay nya. Magiging sagabal lang siya sa misyon mo.”

Nang mga sandaling iyon, hindi niya alam ang isasagot sa mga salitang hindi nya inaasahang magmumula dito. May punto ang superior niya at alam nya rin naman ang bagay na yon. Clear enough. And now, he was playing the game in which he should win. “Hindi yon mangyayari,” he blandly remarked.

“Ang alin? You… fallen for her?” Isang makabuluhang ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Yan ang mahirap sa magagaling na agent. Puro nalang kamalian ng iba, ugali ng iba at galaw ng ibang tao ang nakikita without even noticing their own. She had changed you in a way too amusing for me. Bilang superior nyo, I have known my agents quite well.” Alam ni Victoria kung gaano kagaspang ang pag-uugali ng agent niya simula pa noong una kaya kahit simpleng pagbabago lamang dito, alam na niya. Hindi man lahat naalis at least nabawasan. Dapat ba niya itong ipagpasalamat sa Paige Williams na yon? “Alam na ba niya ang tungkol sa trabaho mo?”

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon