Aanga-anga si Paige habang hinahanap ang address na binigay ni Stephen sa kanya sa kapirasong papel. Hindi siya sure kung ano bang naghihintay sa kanya sa address na yon. Lalong hindi niya kilala ang mga taong sinasabi nito. Pero may choice pa ba siya? Nanroon na siya e. Wala ng atrasan. Hindi naman siguro siya ipapahamak ng lalaking yon. Malapit lang ang address na yon sa Hartford University. At kung paano siya nakarating sa lugar na yon? Kinalkal pa niya lahat ng zipper ng bag niya. Nagbabakasakaling may naitabi pa siyang kaunting sentimo para ipambayad sa bus na nasakyan niya. Hindi pa rin siya ganoon kamalas dahil may nakita pa rin siyang ilang barya. Yon nga lang, pamasahe lang talaga.
“Nasaan na ba ako?” Lilinga-linga niyang binabasa ang mga street sign na nadadaanan niya. Nasa tapat na siya ng lugar na nakasulat sa papel. 44 Wallington Street, Hartford. Check. Tama naman ang lugar na napuntahan niya. “Dito na siguro yon. Pero saan dito?” Puro mga retail outlets na hindi naman kataasan ang naroon.
Isang lalaki ang nakatayo sa may poste sa di kalayuan. Nakamasid rin ito sa lugar. Sumulyap ito sa kanya saka tumingin sa relos. Hindi kaya siya na yong sinasabi ni Stephen? Mukha namang hindi myembro ng isang gang ang isang yon at mukhang mapagkakatiwalan. Sa totoo lang, may itsura ang lalaking yon kaya imposible. Lalapitan na nya sana ito nang maalalang hindi naman isang tao lang ang naghihintay sa kanya doon. Sa pagkakatanda niya, sila ang sinabi ni Stephen meaning more than one. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.
“Miss, naliligaw ka ba?” Muntikan na nyang mabitawan ang hawak na papel ng biglang may magsalita sa tabi niya.
Ito ang lalaking nakatayo malapit sa poste. “A-Ahh… ano kasi…” Alangan niyang sagot. Ipinakita nya dito ang papel. “Dito ang address na to, hindi ba?”
Tumango ito ng mabasa ang nakasulat. “Oo. Dito nga yan.” Sagot nito na nakatitig pa rin sa papel.
“Ibinigay lang kasi sakin ng — …”
Hinawakan nito ang kamay niya saka ipinihit iyon upang makita ang likurang bahagi ng papel. Hindi niya maitago ang pagtataka sa ginawa nito. May nakasulat dito na pinaghalong numero at letra na hindi niya napansin kanina. MBR3LA. Yon ang nakasulat dito. “MBR3 — ..?”
Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Stephen.”
Tama ba ang narinig niya? Sinabi nito ang pangalang Stephen? Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Paige. Malabo na ba ang mata nito? O sadyang kilala lang nito ang weirdong kaklase niya? “Stephen? Paanong — …?”
Sumulyap si Arthur sa babaeng katabi niya. Kanina pa niya ito napansing mukhang naliligaw kaya nilapitan na niya. Pero hindi niya aakalaing ito ang sinasabi ni Stephen. Ang taong hinihintay nila. MBR3LA. UMBRELLA. Isang code na matagal na nilang ginagamit ng kaibigan. Ano namang kaugnayan ng babaeng ito sa isang agent? Hindi naman ito mukhang nagtatrabaho sa Intel. Ni wala nga itong sense of fahion. Hindi mapapagkamaling babae kung hindi nakababa ang buhok. Mukhang exciting ito. Ngumiti siya dito. “Sumunod ka sakin.”
Halatang natigilan ito. “Bakit naman ako susunod sayo? B-Baka bigla mo nalang akong i-dissect.” Umurong pa ito ng ilang hakbang.
Tumawa naman si Arthur sa narinig. Kelan pa sya nagmukhang scientist na nagdidissect ng isang living organism? “Kaibigan ako ni Stephen. Arthur Irving. Nasabi na nya ang tungkol sayo. Ihahatid lang kita sa apartment mo.”
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
AksiPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...