C8.2

514 18 1
                                    

“What!?” galit na singhal ni Christopher sa kausap. Halos madurog na ang cellphone nito sa galit. “Anong sinasabi nyong nawawala ang isang parte ng chemical composition na yon??!! Hindi ba sabi ko ingatan nyo?!!”

“Babe, ano ba yan?” ingit ng babae sa tabi nya. “Umagang-umaga ang init ng ulo mo.”

“Tumahimik ka!” baling niya sa babae. “Umalis ka na nga! Alis!”

Halos magkandarapa ito sa pagbangon ng marinig ang sinabi nya. Dali-dali itong nagbihis at lumabas ng kwarto. It was his father’s mistress na may gusto sa kanya. Nagkataong mainit ang ulo niya dahil sa nalamang balita.

“Sa tingin ko po nahulog yon nang may makabanggaan akong isang estudyante sa University,” paliwanang nito.

Napakamot-siya. Maraming estudyante ang Hartford. Matatagalan kung iisa-isahin pa ang mga yon. Tatanga-tanga kasi itong mga ito e. “Kalimutan mo na ang estudyanteng yon. Hindi rin naman nya maiintindihan ang mga nakasulat dun. Tawagan mo nalang si Morgan at ipagawa ulit ang chemical bonding structure sa kanya. Dun naman sya magaling.”

“A-Ah, sir. Wala na po si Professor Morgan, hindi ba — …” Nag-alinlangan pa ito.

Napaisip si Christopher. Oo nga pala. Pinaligpit na nya ang matandang professor na yon. Mukhang may planong kumanta kaya inunahan na nya. Baka sumabit pa sya pag nagkataon. Masyado nang marami itong nalalaman. Lalo na at nabalitaan nya na binuksan ulit ng Intel ang pag-iimbestiga sa suicide incident. Mahirap na. Kinukutuban siya sa maaaring mangyari.

“Pwes! Hanapin nyo yong estudyanteng sinasabi mo sa lalong madaling panahon! Hindi kasi kayo nag-iingat!” Naiinis niyang utos dito. “Ano bang utak meron kayo ha?!” Galit niyang pinatay ang telepono. Simpleng bagay nalang hindi pa magawa ng maayos! Tyak na magagalit na naman ang daddy nya kapag nalaman na nawawala ang isa sa mahahalagang dokumento ng research nito. Milyon ang isinugal nito makumpleto lang ang experimentation na yon. Mabuti nalang at nasa Russia pa ito para makipag-deal sa isang kleyente nila dun.

He jumped off the bed and went to the shower. Mas mabuti pang sya na mismo ang mag-examine sa progress ng research. Baka sya pa ang mapagbuntunan ng galit ng daddy nya pag nagkataon. Hindi pwedeng pumalpak ang research na ‘yon. They can’t afford to lose.

Past 7:00 na siya nakarating ng University dahil sa bigat traffic. Minadali na nya ang pagpapark ng sasakyan at dumeretso na sa lab as soon as he arrived at the University. Sinalubong naman sya ng mga assigned personnel ng daddy nya.

“What do we have now?” Tanong niya dito.

“A-Ah. Sir, we have a problem about the missing piece ng — ..”

“Oo. Naibalita na sa’kin yan ng magaling kong tauhan.” Nanggagalaiti na naman siya sa galit. Confirmed na nga talaga ang pagkawala ng sinasabi nitong chemical composition. Isinama siya ng mga ito sa basement para sa actual chemical synthesis.

Nothing has change. Mukha namang smooth pa rin ang operation ng mga ito. Made-delay lang siguro dahil sa problemang dinala ng mga engot na tauhan ng daddy nya. May lumapit sa kanyang security personnel. Binayaran ang mga ito ng daddy nya para matyagan ang buong research facility. Restricted area at piling tao lang ang pwedeng pumasok sa basement na yon. Puro tauhan lang at yong mga envolved sa research ang authorized na pumasok sa lugar na yon.

"One more thing Sir..." Narinig nyang dagdag pa nito. 

“What?” May pagka-sarkastikong tanong ni Christopher.

“May na-identify po kaming anonymous log sa system ng University. Sa student files po to be specific. Ina-identify pa rin po namin kung glitch lang yon o may nag-access talaga ng file sa mismong computer.” Report nito. “Hindi nyo po ba na-access ito?”

“Ano namang gagawin ko sa student files ng University?” Mainit pa rin ang ulo niya.

Tumango ito. “Kung ganun may posibilidad na may nagtangkang i-breach ang access code.” Sabi nito sa kasamahan.

Na-alarma na rin siya sa pinag-uusapan ng dalawa kaya nakisawsaw na rin sya sa mga ito. “Teka nga. Anong sinasabi nyo? May nagtangkang i-breach ang system? Pano nangyari yon?”

Yong isa naman ang sumagot. “Nagkaroon po ng error report about sa unexpected shutdown ng unit na nasa registrar’s office. Kung iisipin parang normal malfunction lang ng ito. Pero ng tingnan namin ang log files. May unauthorized run-time ng program ang narecord sa memory log.”

Medyo nalalabuan siya sa pinagsasabi ng dalawang yon. Ang mahalaga nalaman niyang may nagtangkang buksan ang student file ng University. Ano kayang impormasyon ang hinahanap ng taong yon? Something isn’t right about this. Mukhang may unexpected visitor na sumulpot sa eksina.

Dad should know about this bago pa lumala. He dialed his father’s number and waited for an answer.

Ang Intel lang naman ang masyadong masigasig at nagpapahirap sa mga plano nila. Buti nalang at hindi pipityuging security ang kinuha ng daddy niya. Bakit ba kasi hindi nalang suhulan ng daddy nya ang mga yon ng tumahimik. Gaya ng ginagawa nila dun sa ibang agency. Nabibili na naman ngayon ng pera ang lahat.

“Hello, Dad.” Binati nya agad ito.

“Christopher?” Nagulat siya ng babae ang sumagot sa tawag niya. Chineck ulit nya ang number but it was not a mistake.

“Akin na ang telepono.” Narinig ni Christopher ang daddy niya. “He’s my son.”

Narinig pa nya ang lambingan ng dalawa. Wrong timing pa pala ang tawag nya. Kaya siguro lagi silang nag-aaway ni Mom. San pa nga ba ako magmamana? 

“O, anak!” Halatang excited ang boses ng daddy niya. “Bakit ka napatawag? May problema ba?”

“A-A. Wala. Wala naman.” Saka na nga lang niya sasabihin ang lahat dito. Mukhang busy pa sa babae nito. “Nasa Russia ka pa ba?”

“Oo.” Maikli nitong sagot. Pagkatapos nun ay wala na syang ibang narinig kundi ang pagtawa ng babaeng kasama nito.

Napabuntong-hininga si Christopher. “I'll just call you again later. Mukhang busy pa kau e.”

The line drop dead. Ni hindi na nag-reply ang daddy nya. Business ba talaga ang ipinunta nito sa Russia? Go ahead Dad. Take your time. Baka mapauwi ka rin pag nalaman mo ang mga sasabihin ko sa’yo mamaya. Christopher draw a faint smile. 

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon