Chapter Ten

506 19 2
                                    

Nakita nyang pumasok na si Stephen sa kwarto nito at mukhang aburido ang mukha dala ang envelope na nakita niya. Ano kayang nangyari dun? Nakaka-curious tuloy ang laman nung envelope. She made a face ang put a hand beneath her chin. Naisipan niyang buksan ang TV. Ilang minuto palang siyang nanunuod nabo-boring na sya sa mga shows na pinapalabas. Puro nalang romance at drama. Ang drama na nga ng buhay nya e. She better take a walk outside. Tutal para naman siyang multo dun na wala man lang makausap. She stands back to her feet and hurried for the door.

Sinuwerte naman sya sa paglalakad-lakad nya dahil may nakita syang job vacancy sa katapat na candy shop. Pwede na ring raket. Nag-apply sya at muntik pang hindi tanggapin dahil sa injured hand nya. Buti nalang at napakiusapan nya yong may-ari. Magsisimula na sya next week. Under renovation pa kasi ito kaya tatawagan nalang daw sya kapag ayos na.

Nakangiting bumalik ng suite si Paige. Mabait naman yong may-ari ng candy shop at mukhang magkakasaundo sila. Pinadalhan pa nga sya ng ilang candy at fudge. Para tuloy syang bata. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng suite kahit hindi pa man nya ito binubuksan.

Sumilip sa partly open door si Stephen. Seryoso at halatang naiinis na naman ito. “Umalis ka na naman ng hindi nagpapaalam. Kaya ka napapahamak e.”

She just smiled and went inside. “Naiinip kasi ako kaya naisipan kong lumabas.” Paano ba kasi nalaman nito na umalis sya.

Hinarap sya ni Stephen. “Let me get something clear here. Pinapatira kita dito dahil wala kang matirhan kaya will you do me a favor? Magpaalam ka naman kung aalis ka. Pwede ka namang kumatok sa kwarto. Why can’t you even do that?” Stephen scolded her again. Bakit ba ang init na naman ng ulo nito?

Grabe naman. Parang naglayas na ako a. Hay. Kung hindi lang ako nangako sa’yo na magiging mabait na ako. Kanina pa kita pinatulan dyan. Paige sighed. “Sorry na po.” She quietly sit on the couch and hug a pillow.

Stephen shook his head. “Another thing,” sabi nito na may pag ka-strict ang tone. “Don’t tell anyone about this. Kahit kay Nicholas o kahit sa closest person pa sa’yo.” Na alam nya namang wala.

Paige nod in accordance. “Okay. Walang makakaalam ng pagtira ko dito.” Stephen draw out a breathe saka pumasok na sa kwarto. Ang sungit naman nun. May MPD talaga ata yon e. Bibigyan pa naman sana nya ito ng candy. Bukas na nga lang.

Stephen scratched his brow, resting a hand on his waist. Nagawa pa nyang bumili ng candy? Tss. Hindi rin nya alam kung bakit sya naiinis. Kung hindi pa nya nakita sa surveillance cam na lumabas ito. Hindi nya malalaman. He was out of focus. Wala pa siyang nauumpisan sa araw na ‘yon. He sat on his working chair. Nagkalat na naman ang mga papeles sa sahig. Yong mga pictures naman ng suicide victims ang nakalatag sa bed sheet nya. Karamihan sa mga ito ay mga babae. Ni-review nya ulit ang mga information na galing kay Arthur. He was somewhat shock sa nabasa. Mabilis nyang kinuha ang cellphone para tawagan ito.

“Arthur at your service,” pabiro pa na bungad nito sa kanya.

“Tama ba ‘tong information na ‘to?” tanong niya dito. “Dating ex-convict, addict at rapist ang janitor na ‘yon?”

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon