Naplano na niya ng maayos ang gagawin niya ng mga nakaraang araw. Malinaw na rin ang ginawa niyang entry at exit points. Nasa labas siya ngayon ng University sa rear gate ng campus. Bihira lamang ang dumadaan doon kaya walang gasinong makakapansin sa kanya. Hinihintay na lamang ni Stephen ang tamang timing para umpisahan ang plano nya.
5:30 PM. Yon ang nakalagay sa relos na suot niya. Malapit nang gumabi. Marahil ay nakauwi na rin si Paige sa unit nya. Ewan ba nya kung bakit lagi nalang sumasagi sa isip nya ang babaeng yon nitong mga nakaraang araw. Kinuha nya ang cellphone at chineck kung may na-missed syang tawag galing sa fiancée nya. Ngunit wala ni isang tawag galing kay Amanda. Naisip tuloy niya kung ano na nga bang ginagawa nito ngayon. Marahil ay naiintindihan na nito kung anong trabaho meron siya kaya mas pinili na lamang na hindi na siya abalahin pa. He took a sighed and placed it hastily on his things saka nagsuot ng hood at half-mask. He was wearing a tight-fitting black jeans and hooded, leather jacket. May suot rin siyang globes. Daig pa nya ang magnanakaw sa isang kilalang bangko sa get up na yon. Pinagkaiba lang, ang cool nyang tingnan.
Ilang minuto pa ay lumabas na siya ng sasakyan at saka maingat na inakyat ang gate ng University. Oras na para isagawa ang plano niya. Maraming nakatambay na security personnel sa gate kaya mas pinili nalang niya na doon na dumaan. Kada tatlong minuto ay nag-iiba ng angle ang surveillance camera na naka-installed sa may gate dahilan kaya ilang minuto rin siyang naghintay ng tamang pagkakataon bago tuluyang nakapasok ng campus. Halos wala na ring estudyante. Ilang lakad, takbo, mabilisang pagtago at front rolls rin ang kanyang ginawa makaiwas lang sa mga surveillance cameras na nagkalat sa buong campus. Idagdag na rin ang mga matatalas na mata ng mga security na lalong dumarami sa pagdaan ng mga araw. Parang mga kabute itong nagsusulputan sa kung saan-saan lang.
Nalampasan na nya ang Archives at papunta na sya sa target building. Nakita nyang pumasok sa science laboratory building ang mag-amang Gregory. Sa ngayon hahayaan na lamang muna nya ang mga ito sa ginagawa nila. Hindi magtatagal at malalaman rin nya ang mga anumalyang ginagawa ng mga ito. Inilabas niya ang cellphone at pinagana ang 3D projection ng buong campus sa nasabing device. Sa ganitong panahon kailangan nya ang tulong ng mga mumunting kaibigan niya. His own surveillance bugs. Medyo madilim na ang paligid kaya wala na masyadong makakapansin sa kanya pero mas mabuti na rin ang nag-iingat. Malapit lang ang Security Administration Office sa main entry. Dalawang buildings pa ang kailangan niyang lagpasan bago marating yon. Tama nga ang hinala niya. Lalong naging mahigpit ang seguridad. Lalabas ka na nga lang ng University kailangan pa ng ID. Napangiti na lamang siya sa mga nakikita niya sa surveillance device. This is going to be rough. Mukhang mapapasabak siya ngayon sa mga ito.
Ni-rotate niya ang lens ng mga camera para makita kung ilang security personnel ang nasa loob ng perimeter. May lima na nakapaligid sa lab. Tatlo ang palakad-lakad sa mga building. Hindi. Apat. He bit his lips saka nagmamadaling tumakbo papunta sa kabilang building. Marahan niyang nilapitan ang isa sa mga guard at saka mabilis na tinakpan ng panyo na may pampatulog ang ilong nito. Pinaupo nya ito na mistulang natutulog lang saka mabilis na umalis.
Busy naman sa pagkukwentuhan ang dalawang kasamahan nito sa di kalayuan kaya hindi siya napansin ng mga ito. Malaya tuloy siyang naglakad papunta sa building ng walang kahirap-hirap. Mukhang sa sci-lab lang nakafocus ang atensyon ng mga ito at hindi sa buong University. He smirked and hurriedly took the back stairs papunta sa Security Office. Medyo malayo pa ang pagitan ng hagdan kung nasaan siya sa mismong bintana ng opisina ng mga ito. Mabilis siyang kumuha ng hook at inihagis ito sa elevated area na pwedeng pagkabitan nito.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...