Pasimpleng sumulyap si Paige kay Stephen na nakapako pa rin ang paningin sa kanyang likuran. Hayyy.Para tuloy siyang tinutunaw na yelo. Bakit hindi pa siya umaalis? Nasabi na naman niya ang ipinunta nya dito. May kung ano namang bumulong sa kanya. ‘Tapos pag umalis, hahanap-hanapin mo?’ Kunot-noo siyang natigilan. Her alter ego. Ang dakila niyang konsyensya ang nagsabi ng bagay na yon. Bagay na totoo naman. Binasag niya ang limang itlog saka iyon binati gamit ang beater.
“Kailan pa kayo naging close?” Tanong nito sa kanya.
“Hindi kami close. Kanina ko lang siya nakilala.” Sagot naman niya.
Hindi na ito nagsalita. Ilang sandali rin itong tahimik at nakatitig lang sa kisame. Para siyang baliw na tumingin rin sa tinitingnan nito. Pfft! Ano bang tinitingnan nya dun? Wala naman kasi siyang nakikita kundi kisame lang. Blanko. Wala nga ni butiki na pwede man lang pagmasdan doon. Hinayaan na lamang niya ito at nag-focus sa pagluluto.
Makalipas ang ilang sandali ng pagiging abala, naluto na rin niya ang master piece. Sumulyap siya kay Stephen. Hindi man lang ito nagbago ng tayo. Ang pagkakaiba lang ay nakapikit na ito. Ibinaling niya ang atensyon sa labas ng bintana. Gabi na. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya. Ano bang binabalak ng lalaking ito at hindi pa umuuwi? Teka. Saan nga kaya ito tumutuloy ngayon? Pinasabog ang sariling unit para matulog sa unit ng iba na wala namang binatbat sa nagkapira-pirasong unit nito? Lakas ng trip! Pero hindi naman niya alam ang buong istorya. Isa sa mga bagay na gusto niyang malaman. Inilipat niya ang niluto sa transparent at babasaging plato.
A few more minutes, na-set na nya ang lahat. Pati ang mga kalat at lata ng corned beef ay nadispatsa na nya sa tamang lalagyan. Dalawang serving ang hinanda niya. Yong isa, dadalhin nya kay Ian gaya ng naipangako nya. Inis muna siyang sumulyap sa lalaking patay-malisya at animo natutulog na sa kama nya. Sa totoo lang, wala talaga sya sa mood magluto. Dahil lang sa lalaking ito kaya sya napasubo. Tssk! Inilagay na nya sa tray ang mga pagkain at ready na nyang dalhin sa katapat na unit.
“Dadalhan mo talaga sya ng pagkain ano?” Medyo nagulat pa sya sa biglang pagsasalita ni Stephen na parang nang-aasar pa ang tono ng pananalita nito. Nakatabon ang isang braso nito sa mukha kaya hindi niya mabasa ang ekspresyon na nakarehistro dito.
“Obvious ba?” Ikaw naman may kasalanan e. May pagtaas pa ang labi niya sabay irap dito. Malakas ang loob niya dahil hindi naman ito nakatingin.
Umayos ng pagkakaupo si Stephen sa gilid ng kama saka sumulyap kay Paige ng may pang-uuyam. “May kulang pa kaya dyan.” Bulong pa ni Stephen. Lason. Yon talaga ang laman ng utak niya. Gusto niyang lagyan ng lason ang pagkain na dadalhin nito sa karibal niya. Kita niya ang pag-arko ng kilay nito. He impatiently run his hand over his messy hair saka iniba ang usapan. “Nevermind. Bumalik ka kaagad dito. May pag-uusapan pa tayo. Is that clear?” Yeah. He sounded so bossy over her.
Inis siya nitong inirapan saka nagmamadaling lumabas ng pintuan. Ramdam na naman niya ang konting pagkirot ng kalooban niya. Damn! Even a simple gesture pinagseselosan niya. Stephen paused and think. Kelan pa sya naging ganito? Kelan pa sya nahulog ng husto sa babaeng yon? When he stole kisses on her that night? Yon ba yon? When he tasted the sweetest lips that he had ever kissed on his years of existence on this planet? Pero aksidente naman yon at hindi siya ang may kasalanan! Yes. It was an accident — an accident that he never bother to resist. Tatlong beses pa nga nyang ninakawan ng halik di ba? Stephen touched his forehead in frustration. Hindi naman talaga yon ang pinag-ugatan ng lahat. Of course he knew it. Pero hindi lang nya pinapansin. Alam niyang nagsimula ito ng una palang niyang makilala ang babaeng nagngangalang Paige Williams. Lalo na ng malaman niyang ito na ang muntikang pumatay sa kanya sa murang edad pa lamang. Pakiramdam nya tuloy napakalaki ng utang nito sa kanya. Utang na gusto niyang pagbayaran nito sa habang panahon by just being with him till his hair changes its hue to gray. He suddenly smirked. Hopeless romantic ang drama! Sinasapian na ba siya?
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...