Buong araw na tahimik lang sa tabi nya si Nicholas. Himala na napipigil nito ang pagkukwento ng kung anu-ano. Kahit ngayon na naglalakad na sila palabas ng Hartford, tahimik pa rin ito na parang napakalalim ng iniisip. Kanina pa rin naririnig ni Paige ang palagiang pagbuntong-hininga nito sa tabi niya.
“Ano bang problema?” Hindi na nya napigilan pa ang mag-usisa. “Kanina ka pa tahimik dyan. Nakakapanibago.”
Halata na natigilan ito sa sinabi niya. “A-Ano kasi Paige…” Hinintay nya ang mga susunod na sasabihin nito pero nauwi nalang sa pilit na ngiti ang lahat. “M-May hindi lang pagkakaintindihan sa bahay kaya…” Hindi na naman natuloy. Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan nito saka paiwas na tumingin sa kanya.
Hindi lang pala siya ang may pinagdaraanan. Aaminin na niya. May pagkakataong namimiss rin nya ang mala-diktador na presensya ng isang Stephen Lee. Ang mga palagiang pagsita nito sa kanya. Pati ang minsang pagpapalitan nila ng kanya-kanyang kapilosopohan sa buhay. Mahirap rin pala kapag nasanay ka na kasama ang isang tao. Lalo na kung alam mo na napalapit na rin siya sayo kahit na medyo nagkakasagutan kayo. Balewala naman yon dahil sumasaya ka sa tuwing andyan ang taong yon. Isang tao na nakakaintindi at tumanggap sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Paige, bumalik na naman ang dating boring na buhay nya. Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Bakit ba biglaan nalang syang umalis? Saka… bakit ganun nalang nya ako ipagtabuyan? Ramdam nya ang pag-init ng bait niya kapag naaalala niya ang pantitrip nito sa kanya. Tssk. Ibinaling nalang niya ang atensyon kay Nicholas. “Maayos rin yan.” Kasunod nito ang isang malawak na ngiti niya.
Ngumiti rin ito at tuluyan ng nagpaalam sa kanya. She felt bad dahil wala na siyang maidagdag na pananalita para i-comfort ito. May iba rin kasi siyang iniisip at mabigat rin ang pakiramdam niya. Minabuti nalang ni Paige na maglakad pauwi sa inuupahang apartment. Maaga pa naman at gusto rin niyang libangin ang sarili. Ngunit ano mang pagmamasid ang gawin niya, naroon pa rin ang bigat na nararamdaman ng kanyang kalooban. May kung ano pa ring bumabagabag sa kanya. Binilisan nalang niya ang mga hakbang kaya naman mabilis rin niyang narating ang tinitirhan.
Paakyat na si Paige ng hagdanan nang tawagin siya ng may-ari ng apartment. “Miss!” Tawag ng matanda sa kanya.
Agad naman siyang lumapit dito. “Bakit po?”
“Itatanong ko lang kung ayos ba ang tubig doon sa unit mo. Hindi ba pumapalya?”
Umiling siya. Wala naman kasi siyang naging problema kanina ng gamitin niya ito. “Okay naman po.”
“Ahhh… Mabuti naman.” Sabi nito saka ngumiti sa kanya. “Sige. Yon lang naman iha.” Kinuha nito ang dyaryo sa gilid at ipinagpatuloy na ang pagbabasa nito.
Aalis na sana si Paige ng mapasulyap siya sa bukas na telebisyon. Malalaking letra ang pagkakasulat ng nakaflash na headline kaya nabasa nya agad. ISANG VIP SUITE SA GRAND SHIRE HOTEL NASUNOG KAGABI, ISA PATAY. Sa pagkakabasa pa lamang niya doon, ramdam na niya ang kaba sa dibdib niya. Idagdag pa ang kasunod na video na nagpapakita kung saang parte ng Hotel ito nangyari. Stephen. Ang unang pangalan na pumasok sa utak niya. Pinanghihinaan na siya ng tuhod sa pagkakatayo habang nanunuod.
“Hindi pa rin natatapos ang imbestigasyon sa naganap na insidente kahapon sa kilalang Hotel. Sa wakas, nagbigay na rin ng pahayag si Mr. Ray Lee — ang Chief Executive Officer ng Regency Hotels at spokesperson ng Lee Enterprises. Kasalukuyan sya ngayong nasa Canada kung saan sila naninirahan ng pamilya niya. Para sa karagdagang impormasyon, narito si Ms. Ruffina Sanchez.” Balita ng news anchor na sinundan naman ng follow up interview sa kapatid ni Stephen. Alam ni Paige na ito ang nakita niyang kasama ni Stephen sa picture na nakatago sa mga gamit nito.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...