C21.3

344 17 6
                                    

Maagang pumasok si Paige nang araw na yon. It had been a week. Bumalik na sa dati ang buhay nya. Ito na naman sya at nag-iisa. Bigla nya kasing napagtripang maglakad papunta sa University. Sayang pa sa pamasahe. Maaga pa naman. The absence of that person made her life dull. Nasanay na kasi siya na may kasama sa lahat ng kalokohan nya. He had been close to her heart. “Tsk! Tama na nga Paige.” Saway niya sa sarili sabay sipa sa maliit na bato na pakalat-kalat sa daraanan niya. Sinundan niya ng tingin ang tumalsik na bato na hindi naman niya akalaing tatama sa binti ng isang lalaking nasa unahan niya.

Kunot-noo itong lumingon sa bato bago dumako sa pagmumukha niya. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin dito. “May galit ka ba sa akin, Miss?”

Ngumiti ito sa kanya. Maganda ang tindig nito at may katangkaran. Kung titingnan sa malayo parang magkasingtangkad lang sila ng taong nasa isip niya. Hindi lang yon ang napansin ni Paige. May aking charisma rin ang isang ito. Bagong mukha. Transferee na naman? Nag-uumpisa na siyang magkaroon ng phobia sa mga transferee lalo na sa mga nagtataglay ng ganoong uri ng pagmumukha. RInig niya ang pakunwaring pag-ubo nito. Matagal na pala siyang nakatitig dito. “Sorry.” Ang tanging salitang nasabi niya.

“Sa pagtitig mo ba? O sa pagbato mo sa akin?” Tanong pa nito sa kanya.

“Hindi ko naman sinasadya yon. Hindi kasi kita nakita. Saka hindi kita binato. Natamaan ka lang nung bato na sinipa ko.” Paliwanag naman niya sa lalaking nasa harapan. “Isa pa, may naalala lang ako sayo kaya kita tinitingnan.”

“Sino? Boyfriend mo?”

Agad na nagsalubong ang kilay niya. Ha? FC si kuya? She scoffed. Minabuti na lamang niyang wag itong sagutin at magpatuloy na sa paglalakad. Gwapo nga ito pero mukha namang may kayabangang taglay. Hayyy. Dyan ka na. Dire-diretso na nya itong nilampasan.

“Hindi mo ba ako natatandaan?” Pahabol na tanong nito.

Sumulyap si Paige sa lalaking ilang hakbang ang layo sa likuran niya. “Ha? Sino ka ba?”

“Pangatlong beses na kitang nakita. Hindi mo talaga ako natatandaan?” Tanong ulit nito.

“Hayyyy. Magtatanong ba ako kung natatandaan kita?”

Tumawa ito. “Sa iisang apartment lang tayo tumutuloy.”

Iisang apartment? Pilit nyang inalala ang mukha nito. Oo. Medyo pamilyar nga. Ah! Ito yong lalaking nabangga niya sa may hagdan! At kung hindi rin siya nagkakamali, ito rin yong lalaking nakita niya sa funeral rites. Anong kaugnayan nya kay Stephen? Naningkit ang mga mata niya. “Sorry. Hindi kita natatandaan.” Pagsisinungaling pa ni Paige dito. Isa ba ito sa mga taong dapat niyang iwasan? Kung may kaugnayan ito sa lalaking yon, marahil alam nito ang sekretong tinatago ng kaibigan niya.

“Classmate ka ni Stephen Lee, hindi ba?”

Ang tanong na yon ang nakapagpatigil sa paghakbang niya papalayo dito. “Oo. Bakit?”

Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Minsan ko na syang nakasama dati.”

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon