3 AM. Stephen sighed and touched his forehead. Wala pa syang tulog. Nagkalat ang iba’t ibang classified documents na pinag-aaralan nya sa sahig. Even his bed was filled with valid references na may kinalaman sa kasong hinahawakan nya na nanggaling pa mismo sa Intel. Hanggang ngayon ay wala pa syang malinaw na suspect. Lahat ng mga impormasyon na hawak nya ay mayroong variation at malaki ang discrepancy sa bawat isa. Mahirap pagtuma-tugmain ang mga ito. Akala nya madali lang nyang malulutas ang kasong yon pero mukhang marami ang involve at kakailanganin pa ng adequate time para makalap lahat ng mga kailangang detalye.
He leaned his back on the swivel chair saka itinaas ang dalawang paa sa worktable na nasa isang sulok ng kwarto nya. Nakatitig lang sya sa kisame habang pinaglalaruan ang mechanical pencil sa kamay niya. Sa sobrang daming pumapasok sa utak nya he doesn’t know where to start now.
Ipinikit niya ang mga mata. In this situation, kelangan nyang bumalik ulit sa simula. Ano na nga bang status ng kaso? Bukod sa na-breach at naka-create na sya ng remote access sa information system ng University, napag-alaman rin nya na wala ni isang record si Christopher. Mapa-printed o electronic pa, which in one way or another was confusing. Hindi naman valid reason yong meron ka lang influential father. He wasn’t sure kung nakakahalata na ito na may hindi tama sa ikinikilos niya. Lahat ng makakaya nya ginagawa na nya para lang i-conceal ang real identity nya so it’s impossible na alam na nito na may mole sa Hartford. In some way, kelangan nya munang magpalamig sa pagsunod-sunod dito. He needs distinct and valid information about that Christopher and his father first. A name flashed on his mind. Mukhang alam na nya kung sinong makakatulong sa kanya. He reached for his phone and dialed a certain number. It caused him a couple of minutes bago pa may sumagot sa tawag niya.
“Goodness! Alam mo ba kung anong oras na, Stephen?!” Sa tono ng pananalita nito, halatang naiinis na ito sa kanya.
“Relax.” Kampante niyang sabi sa kausap.
“Gaano ba kaimportante yan at nagawa mo pang mag-istorbo sa ganitong oras?” Inis pa rin ito. “Kahit kelan talaga wrong timing ka.”
Napabuntong-hininga si Stephen. “Kelangan ko lang ng tulong mo.”
“Let me guess.” Pusta nito. “May ipapahanap ka na namang tao ano?”
Stephen smiled. “Nope. Not exactly. Information lang about sa isang tao.”
“O sya sya. I-send mo nalang sa account ko. Bye.” Pinatayan na sya nito. He smirked. Hindi na ito nagbago. Lagi nalang syang pinapatayan. He set aside his phone at saka nag-browse ng ilang files at hinanap ang account nito. Arthur Irving. Maya-maya ay nag-ring ang phone nya. Sabi na ba tatawag ka.
“Natanggap ko na.” Bungad agad nito sa kanya. “Mukhang hindi mapapagkatiwalaan ang isang ‘to a.”
“Oo na.” Sang-yon niya na may kasamang pang-aasar na rin. Tinitingnan rin nya ang picture ng mokong na Christopher na yon tsaka ang tatay nito.
“Kelan mo ba kelangan?”
Perfect question. He smiled and replied, “A-S-A-P.” Pagkasabi nito ay pinutol na nya ang conversation nila ni Arthur. They’re even now. Just like the old days. Trusted friend at informant nya si Arthur even its brother Alex. Hindi sila parte ng Intel o ng kahit na anong unit ng department pero marami silang nalalaman. Maging top-secret info pa yan o kwentong tambay lang. Sa katunayan, kasabayan nya ang mga ito na mag-training para sa Intel pero nag drop-out rin at mas pinili ang family business. At dahil rin dito, his problem of Christopher and its father will be solved.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...