C16.3

436 19 3
                                    

Rinig ni Paige ang pagkakagulo sa labas. Kabi-kabilang mga kalabog. Kabi-kabilang mga palitan ng mga malalakas suntok na base na rin sa ingay na nalilikha ng mga ito. Kinakabahan na siya. “Stephen! Stephen!” Panay ang paghampas niya sa pinto. Kahit na anong pilit niyang buksan ito, wala pa rin. Alam niyang may nakaharang dito. Tss! Ano na ba kasing nangyayari?! Hindi na ito maganda! Dali-daling naghanap ng butas si Paige na pwede siyang makasilip man lang ngunit wala siyang makita. Ano bang alam niya? Ni hindi nga siya nakikipag-away sa University! Nababaliw na talaga ang lalaking yon! Hindi na siya mapakali. Daig pa niya ang ooperahan sa utak sa kabang nararamdaman niya. Paano kung puro pasa na ito ng dahil sa kanya? Hindi siya patatahimikin ng konsensya niya. Hindi na rin sumasagot si Stephen sa mga tawag niya ‘pag nagkataon. Biglang may lumagabog sa harap ng pintuan. Malakas iyon. Animo may natumba dito na lalong nagpakaba sa kanya. Kasunod na nito ang kabi-kabilang yabag at takbuhan papalayo sa lugar na nagdulot ng katahimikan makaraan ang ilang minuto. Namutla siya ng wala sa oras. Hindi kaya…! Hindi kaya…! Hindi kaya nawalan na siya ng malay sa mga tamang natamo niya sa basagulerong mga yon!!? O kaya naman…. patay na siya!! Kilala niya si TJ. Kilalang-kilala niya. Mas halang ang kaluluwa nito kay Drake. Nasangkot na ito sa kabi-kabilang patayan na nababalitaan niya kung saan-saan. Naku! Wag naman sana! Nangingilid na ang luha niya. Mabilis niyang kinalabog ang pinto. “Stephen! S-S-Stephen! Sumagot ka!!!” Huminga siya ng malalim. Kelangan niyang mabuksan ang pinto na yon! Inipon niya ang pwersa niya. Nag-concentrate siya saka tumakbo pasugod sa pintuan dala ang buong lakas niya. Wataaaa! Hindi naman inaasahang bumukas nalang ito bigla. Huli na para mapigilan niya ang pagbangga sa taong nagbukas ng pinto. Malakas ang pagkakabangga niya dito ngunit tila hindi naman ito natinag at napaatras lamang ng bahagya. Nasalo pa siya nito at nahawakan ang magkabila niyang balikat. Akma na siyang aagwat dito sa pag-aakalang isa ito sa mga kaibigan ni TJ nang marinig niya itong magsalita sa pamilyar na boses.

“Okay ka lang?” Tanong nito sa kanya.

Agad siyang tumingala upang tingnan ang mukha nito at agad na nakahinga ng maluwag nang masiguradong hindi siya nagkamali ng pagkakakilanlan. Si Stephen nga ito. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pati ang pagkamangha. Maliban sa maliit na sugat nito sa kaliwang kilay, wala na itong galos. Suot pa rin nito ang nerd glass at nakatingin sa kanya. Sa hindi inaasahang pangyayari na maging siya ay hindi maipaliwanag, mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. “M-Mabuti naman at okay ka lang. Pinag-alala mo ako!”

Hindi inaasahan ni Stephen ang ginawang iyon ni Paige. Ganoon ba ito nag-alala sa kanya? Halata pa niya ang pagka-tense ng katawan nito. Bigla na lamang siya napangiti sa hindi rin maipaliwanag na dahilan. Ang babaeng ito talaga. Lalong lumawak ang ngiti niya. Akala niya wala itong pakialam sa kanya. Akala niya mabait lamang ito dahil nakikituloy sa unit niya. Akala niya pinakikisamahan lamang siya nito dahil sa pekeng kontratang ginawa nito mabayaran lamang ang utang sa kanya. But he feels different. Hindi ito pekeng concern. Lalong hindi pakitang tao lamang. There is sincerity on her voice. Alam niya at ramdam niya ang pag-aalala nito. Noong oras na yon, napansin niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. He is not nervous. No. Hindi siya kinakabahan kahit kanina ng nakikipagsuntukan siya sa mga taong hindi naman niya kilala. Weird. “Best birthday siguro ito. Nice gift.” Wala na siyang nasabi kundi pagpaparinig.

Agad na umgawat sa kanya si Paige at waring natauhan sa ginawa nito. Mabilis na umiwas sa pagkakatitig niya, animo naiilang. “S-Sorry.” Mahinang sabi nito. “Hindi ko sinasadyang idamay ka pa sa mga dati ko pang problema.”

Tumawa siya. “As usual.”

Nakita niyang umarko ang kilay nito. “Ikaw naman kasi ang may kasalanan!” Singhal nito na halatang naiinis sa ginawa niya. “Kung hindi mo nilagyan ng harang yang pinto, e di ako na sana mismo ang nakipagrambulan sa mga yon. Tutal, ako naman talaga ang hanap nila.” Umandar na naman ang pagiging amazona nito.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon