Chapter Twelve

484 19 1
                                    

“What was that for?” Maang niyang tanong kay Amanda.

Isang ngiti lang ang isinagot nito saka sumenyas sa driver para umalis, leaving Stephen in great puzzlement. Ano bang tumatakbo sa utak nun? Paano nalang kung may nakakita sa kanila? Tiyak na masisira ang mga career nila. Wala pang nakakaalam ng tungkol sa engagement dahil it was made privately. At siguradong maraming maaapektuhan kapag nagkataon. Nang hindi na niya matanaw ang mga ito ay nagtungo na rin siya sa parking lot para kunin ang sariling sasakyan.

Nasa loob na siya at akma nang bubuhayin ang ignition ng sasakyan nang maka-receive siya ng text galing kay Amanda.

| That was for not letting go of my hand. |

He simpered but never bothered to reply back. Napatingin siya sa relos. Isang araw na naman ang lumipas. Naisip niya si Paige. Bakit nga ba lagi nalang itong nagpa-flash sa utak niya? Baka napaaway na naman ito o di kaya ay nasangkot na naman sa isang gulo? Kahit alin ang piliin, wala namang masyadong pinagkaiba. Pinaandar na niya ang sasakyan. Didiretso muna siya sa sariling suite sa Grand Shire Hotel para i-check kung nakauwi na ba ito.

Agad siyang sinalubong ng in-charge personnel ng makapasok siya sa lobby. “Sir. Okay na po ang unit nyo. You can move back anytime you want.” Iniabot sa kanya ang susi nito.

“Okay. Thank you.” Tumango siya at nagpasalamat. Mukhang mabilis naayos ng mga ito ang pagrerenovate sa unit nya just as he expected.

Nagtungo na sya sa temporary suite niya ngunit wala pa ring tao ng datnan nya ito. Ano naman kayang pinaggagagawa ng isang yon? He checked his watch. Hapon na pero hindi pa rin ito bumabalik. Naupo siya sa couch at naghintay. Patay talaga sakin ang isang yon. Sumagi sa isip nya si Amanda. Baka nasa suite na rin ito. Hindi pa rin siya mapakali kaya kinuha na nya ang cellphone at tinawagan ito.

“Where are you?” Usisa niya ng marinig ang pagsagot nito.

“In your suite of course. Kanina pa ako nakarating dito. Safe and sound,” sagot naman nito. “Nasa’n ka na ba?”

Nakahinga siya ng maluwag. “Well. That’s good to know. Bukas nalang ako pupunta dyan. May aayusin pa akong bagay.”

“Ano namang bagay yan?” tanong nito, curious and doubtful sa narinig. “We were supposed to be together. I still have much to tell you.”

“Akala ko ba nasabi mo na ang lahat?”

“Akala ko rin nasabi ko na ang lahat,” she mocked him. “Ayoko sa phone. I’ll just wait for you tomorrow.”

Napabuntong-hininga siya. Ano pa nga ba? Kahit naman pilitin nya hindi ito magsasalita. “Okay. Bye.” Pagkasabi nun ay pinatay na niya. Tiyak na nanggagalaiti na naman ito sa inis. He just simpered. Kulang pa yon sa sakit na naidulot ng iwan siya nito. Matagal bago niya nakalimutan ang lahat. At kahit na nakalimutan na niya, bumabalik pa rin ang sakit at panghihinayang. He ought to take revenge at mukhang mangyayari na yon.

Napasulyap ulit siya sa relo at hindi na nakatiis. Stephen hurried his way to the door. Akma na niya itong bubuksan ng magbukas ito ng kusa at tumambad sa kanya ang mukhang kanyang hinahunting. Mukhang nagulat rin ito ng makita siya.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon